Sunday , November 24 2024

News

Pinoy OFW guilty sa pagpuslit ng 16 migrants sa Malaysia

NAGPASOK ng guilty plea ang isang 44-anyos overseas Filipino worker (OFW), sa pagpuslit ng 16 migrants patungong Malaysia. Batay sa ulat ng Daily Express, inamin ni Saring Osman ang human trafficking sa illegal workers na isinakay sa isang bangka patu-ngo sa Tanjung Berungus, Sabah noong Pebrero 2017. Umapela ang Filipino na bigyan siya ng pagkakataon na mabisita ang kanyang misis …

Read More »

Doktor patay, 15 nurses iba pa sugatan sa tagum city (Patungong medical mission)

road accident

PATAY ang isang doktor habang sugatan ang 15 iba pa nang maaksidente ang sinasakyan nilang van sa Tagum City, Davao del Norte kahapon ng umaga. Ayon kay Rocky A-liping, director ng Benguet Electric Cooperative, kasalukuyan ginaganap ang kanilang convention sa nasabing lugar, nang maipara-ting sa kanila ng ilang taga-Baguio ang insidente. Aniya, agad silang nagtungo sa ospital at kinompirma ng …

Read More »

2 senior citizen patay sa sunog sa Davao City

DAVAO CITY – Patay ang dalawa katao sa sunog nang ma-trap sa kanilang kuwarto sa nasabing lungsod, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga biktimang sina Nerio Roperos, 83, at Carmen Roperos, 73, residente ng Central Park, Subdivision Bangkal, sa lungsod ng Davao. Ayon sa kapitbahay ng mga biktima, nakarinig sila nang malakas na pagsabog hanggang sa kumalat ang apoy. …

Read More »

Magsasaka umiwas sa bubuyog nalunod sa ilog

LAOAG CITY – Nalu-nod ang isang magsasaka sa ilog na malapit sa Mount Mabilag, dahil sa pag-iwas sa umaatakeng mga bubuyog sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte, kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Orlando Tejada, walang asawa, at residente ng Brgy. Manalpac sa nasabing bayan. Ayon sa PNP Solsona, habang nangunguha ang biktima ng “bilagot” o pekkan, isang uri ng gulay, …

Read More »

1 patay, 3 sugatan sa tandem (Pilahan ng trike niratrat)

dead gun police

PATAY  ang  isang  tricycle driver  habang sugatan ang tatlo katao makaraan pagbabarilin  ng  riding-in-tanden ang  pilahan  ng tricycle sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw. Hindi umabot nang buhay sa  Jose  Reyes  Memorial Me-dical Center ang biktimang si Miguel Perez, 31, taga-Velasquez St., Tondo. Nilalapatan  ng  lunas sa nasabing  pagamutan  ang  tatlong sugatan na sina Marlon Clemente, 29; Francisco, 21, …

Read More »

10 patay sa rabies (Sa South Cotabato)

KORONADAL CITY – Umabot sa 10 katao ang naitalang patay dahil sa rabies sa South Cotabato. Kaugnay nito, nababahala ang health officials, sa pangunguna ng South Cotabato Integrated Provincial Health Office, sa posibleng pagtaas pa ng kaso ng rabies sa pro-binsya. Inihayag ni South Cotabato Health Officer Dr. Rogelio Aturdido, sa naturang bilang, dalawa ang nakagat ng aso sa ibang …

Read More »

Buntis na bigtime drug supplier arestado sa P3-M shabu

NAARESTO ang isang 30-anyos buntis, hinihinalang bigtime supplier ng shabu sa Caloocan City at karatig na lugar, sa ope-rasyon ng mga tauhan ng Northern Police District-Drug Enforcement Unit (NPD-DEU) sa Biñan, Laguna, makaraan inguso ng limang suspek na unang nadakip sa buy-bust operation sa nabanggit na lungsod. Kinilala ni NPD director, Chief Supt. Roberto Fajardo ang suspek na si Rohanie …

Read More »

60% ng Pinoys pabor sa death penalty — SWS

dead prison

MAHIGIT 60 porsiyento ng mga Filipino ang pabor sa pagbabalik ng death penalty para sa mga karumal-dumal na krimen na may kaugnayan sa ilegal na droga. Batay sa First Quarter 2017 Social Weather Sutations (SWS) survey, lumabas na 61 porsiyento ang nagsabing pabor sila sa pagbuhay muli ng parusang kamatayan, habang 23 porsiyento ang nagsabi na sila ay tutol sa …

Read More »

2016 Bar Exam result ilalabas sa 3 Mayo — SC

Law court case dismissed

ILALABAS ng Supreme Court (SC) sa 3 Mayo ang resulta ng 2016 Bar Examinations. Sinabi ng SC Public Information Office, magsasagawa muna ng special en banc session ang mga mahistrado ng SC saka ilalabas ang resulta ng pinakamahirap na pagsusulit sa bansa. Pag-uusapan anila sa na-sabing sesyon ng Supreme Court justices ang passing grade sa naturang eksaminasyon. Sa ilalim ng …

Read More »

Pinigilan kumanta senglot nanaksak, mag-ina sugatan

knife saksak

SUGATAN ang mag -ina na may-ari ng videoke machine, makaraan undayan ng saksak ng la0sing na lalaking pinigi-lan nilang kumanta sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kapwa ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang mag-inang sina Beverly, 57, at John Ryan Bismanos, 28, residente sa Sitio Puting Bato, Road-10, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), sanhi ng mga tama ng …

Read More »

‘Magnanakaw’ at landgrabber pinalagan ng Kadamay

PINALAGAN ng grupong Kadamay ang bansag na sila ay mga magnanakaw at landgrabber. Ayon sa mga miyembro ng Kadamay, narinig nila ang pasaring na ito mula sa ilang residente sa pabahay sa Pandi Heights sa Pandi, Bulacan, nang magtungo ang mga mambabatas roon kamakalawa. Anila, nilait sila ng mga residente nang mabatid na kasapi sila ng Kadamay. Giit ng grupo, …

Read More »

Clemency kay Veloso hirit sa Palasyo

HUMIRIT ang pamilya Veloso kay Pangulong Rodrigo Duterte, na tulungan silang tuluyang isalba sa kamatayan at hilingin kay Inodenesian President Joko Widodo na gawaran ng clemency ang kaanak na death convict na si Mary Jane Veloso. Nagtungo kahapon sa Palasyo si Celia Veloso, ina ni Mary Jane, mga kinatawan ng Migrante International group, at iba pang pamilya ng overseas Filipino …

Read More »

Police official na kasabwat ni Nobleza tinutunton; Posibleng sabwatan sa ASG busisiin (Apela ng MNLF sa gov’t)

INIIMBESTIGAHAN ng pambansang pulisya ang ulat na may isa pang mataas na opisyal ng PNP na kasama ni Supt. Maria Cristina Nobleza, sa pakikipagsabwatan at  at nagsisilbing protektor ng teroristang Abu Sayyaf. Tinutukoy na ngayon ng PNP ang nasabing police official. Kaugnay nito, planong kausapin ni PNP chief, Director Genenaral Ronald Dela Rosa si Nobleza, kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial …

Read More »

Babala ng Palasyo: Gascon ‘wag sumawsaw sa reklamo sa ICC vs Duterte

HINDI dapat magpadalos-dalos si Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon sa pagtulong sa International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang mga insidente ng extrajudicial killings (EJKs) dulot ng drug war. Nanindigan si Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang inihaing reklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC ng abogadong si Jude Sabio, ay walang basehan kaya hindi kailangan agad …

Read More »

Editoryal ng NYT ‘kontaminadong’ opinyon

KONTAMINADO ang opinyon ng editorial ng New York Times laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, dahil ibinase ito sa salaysay ng isang tao na ibinasura ng Senado ang testimonya bunsod ng kasinungalingan. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, walang basehan, iresponsable at padalos-dalos ang editorial ng NYT na “let the world condemn Duterte.” Aniya, mismong Philippine Senate ay ibinasura …

Read More »

VP Leni parang ‘kasangga’ ng drug lords — VACC (Mungkahing dekriminalisasyon ng kasong ilegal na droga…)

TULOY-TULOY ang pagbatikos sa pahiwatig ni Bise Pre-sidente Leni Robredo na hindi na dapat gawin na isang krimen ang paggamit ng shabu, o ang sinabi niya na decriminalization nito, bilang solusyon, o pampalit sa umiiral na madugong kampanya, laban sa ilegal na droga. Sinabi kahapon ng pangulo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na si Dante Jimenez, “Baka nasisiraan …

Read More »

Police asset itinumba

dead gun police

PATAY ang isang police asset makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilala sa alyas na Juvilyn, 25-35 anyos, bunsod ng tama ng bala sa ulo at katawan. Batay sa ulat ni Caloocan City Police chief, Senior Supt. Chito Bersaluna, dakong 3:00 pm, dinala ng suspek ang biktima sa …

Read More »

Magkaibigan todas sa Bonnet Gang

gun QC

KAPWA binawian ng buhay ang magkaibigan, dating sangkot sa ilegal na droga, makaraan pagbabarilin ng apat lalaking nakasuot ng bonnet sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang napatay na sina Ma-nuel Fajardo, 34, at Ramon Nisa, 35, kapwa residente sa Bayanihan St., Don Fabian …

Read More »

PPRC, MMDA, PNP at LGUs, nagkasundo para sa San Juan River

NAGKASUNDO ang Pasig River Rehabilitation Commission (PPRC), Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP) at mga pamahalaang lungsod ng San Juan, Mandaluyong,  Maynila  at Quezon City para malutas ang mga nakalutang na basura sa San Juan River na karugtong ng Pasig River. Napagkasunduan na pabibilisin ng PRRC sa pamumuno ni Executive Director Jose Antonio “Ka Pep” E. Goitia …

Read More »

Nobela ng kauna-unahang Sebwanong nobelista, ilulunsad ng KWF

TAMPOK sa Philippine International Literary Festival (PILF) 2017 ang paglulunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa isa sa mga nobela ng kauna-unahang nobelistang Sebwano na si Juan Villagonzalo Irles, ang Walay Igsoon. Inilimbag noong 1912, higit isang siglo na ang nakararaan, ang Walay Igsoon, na nangangahulugang “walang kapatid,” ay isang kuwento ng magkapatid na naulila at nagkahiwalay dahil sa …

Read More »

28 Abril special non-working holiday — Palasyo (Number coding suspendido sa ASEAN summit)

INILABAS ng Malacañang ang Proclamation No. 197, nagdedeklarang special non-working holiday sa Bi-yernes, 28 Abril 2017, kaugnay sa hosting ng Filipinas sa 30th ASEAN Summit. Batay sa proklamas-yong pirmado ni Executive Sec. Salvador Medialdea, inirekomenda mismo ng ASEAN 2017 National Organizing Commitee – Office of the Director General for Operations, at ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagsuspendi ng …

Read More »

No serious terror threat sa ASEAN (AFP nakahanda)

PINAWI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangambang mag-escalate o maulit sa ASEAN Summit sa Metro Manila ang insidente sa Bohol na nakapasok ang mga Abu Sayyaf. Sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, walang nakikitang seryosong banta ang AFP sa ASEAN activities, ngunit nananatiling batay sa “worst-case scenario” ang kanilang pagpaplano at paghahanda. Ayon kay Padilla, …

Read More »

Chile niyanig ng magnitude 6.9 lindol (Kalagayan ng Pinoys inaalam ng DFA)

earthquake lindol

PATULOY na naki-kipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa embahada ng Filipinas sa Chile kaugnay sa nangyaring 6.9 magnitude lindol sa Valparaiso. Sinabi ni Foreign Affairs spokeperson Roberspierre Bolivar, naki-kipag-ugnayan ang Embahada ng Filipinas sa Santiago City, at sa Filipino Community roon para tiyakin ang kalaga-yan ng ating mga kababayan sa naturang bansa. Sa inisyal na ulat mula sa …

Read More »