Sunday , November 24 2024

News

3 bata sinagip sa cybersex den sa Cebu

Blackmail nude Voyeurism Sextortion cyber

CEBU – Tatlong bata ang sinagip ng Women and Children’s Protection Center Field Office Visayas, kasama ang Department of Social Welfare and Development at mga pulis nitong Martes ng hapon. Nagsagawa ng entrapment operation makaraan makompirma ang ilegal na gawain sa loob ng isang bahay sa bayan ng Cordova sa Cebu. Ang naturang bahay na nakatayo sa isang liblib na …

Read More »

Fratman tetestigo sa Atio hazing slay

NAGPAHAYAG ang isang miyembro ngAegis Juris fraternity nang ka-handaang tumestigo para sa imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ni law freshman Horacio “Atio” Castillo III, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nitong Miyerkoles. Si Marc Ventura, kabilang sa mga kinasuhan ng murder, paglabag sa RA No. 8049, at robbery hinggil sa pagkamatay ni Horacio, ay umamin na kabilang siya sa ginanap …

Read More »

Dyowa kinikilan ng P.5-M, BF tiklo sa entrap ops (Malaswang video bantang ikalat)

Sextortion cyber

ARESTADO sa entrapment operation ang isang lalaki makaraan ireklamo ng kanyang nobyang government employee ng pangingikil para hindi ikalat ang kanilang malalaswang video at retrato sa internet. Kinilala ang suspek na si Patrick Erwin Singh, humihingi ng P500,000 sa biktima.  Nadakip ang suspek makaraan humingi ng tulong ang 43-anyos biktima sa Manila Police District (MPD). Sa operasyong ikinasa sa isang …

Read More »

Make-up classes depende sa schools — DepEd

deped

IPINAUUBAYA ng Department of Education (DepEd) sa school autho-rities ang pagdedesisyon kung magpapatupad o hindi ng make-up classes sa Sabado makaraan kanselahin ng mga opis-yal ang klase dahil sa ASEAN Summit sa Nobyembre. Sinabi ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali, ang current academic calendar ay may 204 school days, ang 180 rito ay “non-negotiable” at ang 24 ay “buffer days” na …

Read More »

Martial law kailangan ng administrasyon (Para sa 5 layunin)

NANINIWALA ang top spook ng bansa na dapat mapalawig ang martial law sa Mindanao para makamit ang limang pangunahing layunin ng administrasyong Duterte. Ngunit sa kasalukuyan, ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., ang umiiral na batas militar sa Mindanao hanggang 31 Disyembre 2017 ay sapat na bilang tuntungan sa pagpapatupad ng mga adhikain ng administrasyon. “Yes. But for …

Read More »

VP Leni sinopla Preserbasyon ng ‘Marawi ruins’ monumento ng katapangan

AYAW ng mga residente ng Marawi City na panatilihin ang wasak na anyo ng lungsod taliwas sa hirit ni Vice President Leni Robredo na i-preserve ang “ruins” ng siyudad matapos mapalaya mula sa ISIS-inspired Maute terrorist group. Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi dapat isantabi ang damdamin ng mga taga-Marawi na tutol na manatili ang wasak na anyo ng …

Read More »

Mula sa Marawi City PNP-SAF mainit na sinalubong sa Camp Bagong Diwa

NAGMARTSA ang 300 miyembro ng elite group ng Phi-lippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), na mula sa pakikipagbakbakan sa Marawi City, mula sa Gen. Santos Avenue patungo sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, at sinalubong ng kanilang mga kasamahan at mga estudyante bilang pagbibigay-pugay sa kanilang kabayanihan. (ERIC JAYSON DREW) MAINIT na sinalubong ang pagdating sa Camp Bagong Diwa, …

Read More »

Duterte: Mabilog the next

BINANTAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Iloilo City Mayor Jed Mabilog na siya na ang susunod sa mga alkaldeng sangkot sa illegal drugs na ‘haharapin’ ng mga awtoridad. “The mayor of Iloilo City, I identified him. This was broadcast. I said, ‘You are next. You’re next,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa ASEAN Lawyers Association (ALA) Council Meeting sa Palasyo …

Read More »

Broadcast journalist patay sa ambush (Kontra korupsiyon)

PATAY ang isang radio anchor habang sugatan ang kanyang live-in partner makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga lalaki sa Surigao del Sur nitong Martes ng gabi, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Kinilala ang biktimang sina Christopher Ivan Lozada, 29, operations manager at anchor ng dxBF Prime Broadcasting Network, at Honey Faith T. Indog, 25. Ayon sa ulat ng pulisya, …

Read More »

240 homegrown Pinoy pilots target ng CebPac (Training program inilunsad)

PORMAL na inilunsad ng Cebu Pacific ang US$25-milyong Cadet Pilot Program sa pangunguna ni President & CEO Lance Gokongwei, katuwang ang Flight Training Adelaide (FTA) para lumikha ng 250 cadet-pilots na magiging full-fledged First Officers na magiging Captains sa hinaharap. Ang nasabing programa ay magsasanay ng homegrown Filipino pilots na may best-in-class international standards. Nasa larawan sina Capt. Sa, Avila …

Read More »

Leni supalpal sa Pet (Recount pinigil)

ISINASAILALIM na sa decryption process ang mga minarkahang dinayang balota sa mga presinto na sinabing naganap ang malawakang dayaan noong 2016 vice presidential voting makaraang ibasura ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang panibagong pagtatangka ng mga abogado ni VP Leni Robredo na maiantala ang poll recount. Umuupo bilang PET, tumanggi ang mga mahistrado ng Korte Suprema na pagbigyan ang mga mosyon ng mga abogado ni Robredo, …

Read More »

Kagawad patay, 4 sugatan sa nasunog na kotse (Bumangga sa poste ng Meralco)

road traffic accident

PATAY ang isang barangay kagawad habang sugatan ang apat niyang mga kaanak nang masunog ang sinasakyan nilang kotse makaraan bumangga sa poste ng Meralco sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw. Namatay noon din sanhi ng matinding pinsala sa katawan ang biktimang si  Quirino Bulusan, Jr., 54, residente at kagawad sa Brgy. 299, Sta. Cruz, Maynila. Habang nilalapatan ng lunas sa …

Read More »

Libreng dengue vaccine ipatutupad sa Caloocan

NAGPALABAS ng direktiba si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan hinggil sa pagpapatupad ng dengue vaccination program sa mga kamag-anak ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod. Layon ng naturang programa na maprotektahan laban sa mga panganib na dulot ng dengue ang mga kamag-anak ng mga empleyado mula siyam hanggang 18-anyos sa pamamagitan ng libreng bakuna hanggang sa 15 Nobyembre 2017. Samantala, …

Read More »

Alvarez umaray sa batikos

PUMALAG si House Speaker Pantaleon Alvarez makaraan tawagin ng kampo ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na kangaroo court ang Kamara kaugnay sa pagdinig ng impeachment complaint ng House Committee on Justice. Paliwanag ni Alvarez, “unfair” din ang pagtawag na lutong-Macau ang proseso ng impeachment complaint laban kay Sereno gayong hindi pa nagsisimula ang pagdinig ng komite para determinahin ang probable …

Read More »

Biyahe ng MRT pinatigil ng diaper

TUMIGIL ang operasyon ng MRT-3 dahil sa pagsabit ng isang diaper sa kawad ng koryente ng riles nitong umaga ng Lunes. Dakong 6:00 am nang bawasan ang mga biyahe ng MRT dahil sa diaper na sumabit sa kawad sa pagitan ng mga estasyon ng Ayala at Buendia. Tumigil ang mga biyahe sa pagitan ng Taft Avenue at Boni Avenue Station. …

Read More »

24/7 student fare maging sa holidays aprobado — LTFRB

Students school

PINALAWIG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 20% deskuwento sa pasahe ng mga estudyante sa mga pampublikong sasakyan. Batay sa utos ng LTFRB na inilabas nitong Lunes, 23 Oktubre, mayroon nang deskuwento sa pasahe ang mga mag-aaral tuwing Sabado at Linggo, bakasyon, at maging kung holiday. Dati, maaari lamang makamenos sa pasahe ang mga estudyante sa mga …

Read More »

Kilusan kontra kaaway ng Pinoy inilunsad ni Sara

NANAWAGAN si presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa sambayanang Filipino, magtulungan upang makatakas sa kahirapan para hindi na mapagsamantalahan ng narco-politicians. Davao Mayor Inday Sarah Duterte graces the launching of Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines , being held in BGC Taguig City on Monday (October 23,2017) (PNA photo by Avito C. Dalan) Sa kanyang …

Read More »

Simbahan, gov’t magkatuwang sa rehab ng drug addicts

UMAASA ang Malacañang, susunod ang ilang religious groups sa inisyatiba ng Simbahang Katolika na makipagtulungan sa pagpapatupad ng community-based drug rehabilitation program. President Rodrigo Roa Duterte pays his last respects to the late former Archbishop of Cebu Ricardo Vidal during the President’s visit to the wake at the Cebu Metropolitan Cathedral on October 23, 2017. RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO Pinuri ng …

Read More »

Tagumpay ng PH gov’t sa Marawi dagok sa global terrorism

President Rodrigo Roa Duterte expresses his high praises to the troops of the 1st Infantry Battalion (1IB) who were preparing to leave at the Laguindingan Airport in Cagayan de Oro City on October 20, 2017. The 1IB were among the first units deployed in Marawi City when the battle against the terrorists broke out almost five months ago. ACE MORANDANTE/PRESIDENTIAL …

Read More »

Komedyanteng beki arestado sa hipo

arrest prison

NAHAHARAP sa kasong act of lasciviousness ang isang komedyanteng beki makaraan halikan, yakapin at hipuan ang maselang bahagi ng katawan ng isang bell attendant ng sikat na casino hotel sa Parañaque City, nitong Linggo ng hapon. Nasa kustodiya ng pulisya ang inireklamong komedyante na si Ronnie Arana alyas Atak, 45, ng 12 New Manila, Quezon City. Habang kinilala ang nagreklamong biktima …

Read More »

Bautista pinalayas ni Digong sa Comelec

PINAG-EMPAKE ora mismo ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si outgoing Comelec Chairman Andres Bautista kahapon makaraan tanggapin ang kanyang pagbibitiw bilang poll body chief. Sa liham na ipinadala ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Bautista dakong 2:00 pm kahapon, nakasaad na ang pagbibitiw sa puwesto ni Bautista ay “effective immediately.” Matatandaan, nakasaad sa resignation letter ni Bautista na ipina-dala sa …

Read More »

Media ‘patola’ kay Trillanes (Kaya putak nang putak)

NAMIHASA si Sen. Antonio Trillanes IV sa pagbatikos sa administrasyong Duterte kahit walang pruweba dahil pinapatulan ng media. Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kamakalawa. Aniya, ginagamit ni Trillanes ang media para laging maging matunog ang kanyang pangalan na animo’y paghahanda sa kandidatura bilang kongresista sa 2019 elections.  “Iyang si Trillanes, pinapatulan kasi ng media e, …

Read More »

‘EJK’ aktibo sa Kamara

“MAGING sa Camara de Representantes ay may nagaganap na extrajudicial killings o EJK.” Sinabi ito ng ilang kongresista matapos baliktarin ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang impeachment proceeding laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andes ‘Andy’ Bautista kahit nauna nang sinabi ng House justice committee na ang impeachment complaint laban sa Comelec Chairman ay walang sapat na porma at …

Read More »

Duterte pinuri sa tagumpay vs terorismo (Resolusyon isinulong ng Pasay City)

SA kanyang pangunguna at matapang na pagsusulong ng giyera kontra terorismo na nagresulta sa pagkakapaslang sa pinuno ng Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon at Omar Maute sa Marawi, pinapurihan ng Pasay City si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kamakailan. Sa Resolusyon Blg. 4169 na nilagdaan ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Panglunsod, pinapurihan nito ang masigasig na operasyon ng tropa …

Read More »