Saturday , December 6 2025

News

Labor’s 5 ending ng ‘endo’ segurado sa senado

“WALANG kompromiso, panahon na para tuldukan ang sistemang 5-5-5 o endo,” ‘yan ang naging kolekti­bong pahayag at sentral na platapo­rma ng mga kandidato mula sa hanay ng mga manggagawa o LABOR WIN. Ang LABOR WIN ay alyansang binubuo ng limang kandidatong nag­bibitbit ng plataporma na pawang pro-labor. Bukod sa pagwawakas ng ‘endo’ isusulong din nila ang pagtatakda ng pamban­sang minimum …

Read More »

Grace Poe, lagare sa kampanya kahit matatag sa No. 1

TULOY ang pukpukang kampanya ni Senadora Grace Poe kahit hindi siya matibag sa number one spot ng pre-election surveys. Sinabi ni Poe, marami pa siyang lugar na kailangan suyurin sa nalalabing isang buwan ng kampanya bago ang May 13 midterm elections. “‘Yung mga gusto kong puntahan sa kampanya na ‘to marami pang lugar, sa Mindanao, sa Visayas at mga liblib …

Read More »

Pirma ni Digong sa nat’l budget binura sa iskedyul

MAUUDLOT ang nakatak­dang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes sa P3.7 trilyong national budget para sa 2019. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinag-aaralan ng Pangulo ang mga detalye ng panukalang 2019 national budget kaya inalis sa opisyal niyang aktibidad ang ceremonial signing ng 2019 General Appropriations Act. “Naka-calendar tapos tinanggal sa calendar ‘e ‘di puwede rin ibalik ‘di …

Read More »

Grace Poe matatag sa No.1

NANATILING matatag pa rin ang pagkakahawak ni Senadora Grace Poe bilang numero uno sa listahan ng mga kandidato para senador ng mga botanteng Filipino sa nalalapit na midterm elections sa Mayo. Mula sa katanungang sino ang ihahalal nila kung ngayon na isasagawa ang eleksiyon, lumitaw na kinamada ni Poe ang 72.8% ng voters prefe­rence upang pangunahan ang magic 12 ng …

Read More »

Lim suportado ng 2,000 pedicab & tricycle drivers

NAGPAHAYAG ng suporta sa kandidatura ni PDP-Laban Manila mayoral candidate  Alfredo S. Lim ang mahigit 2,000 pangulo ng iba’t ibang organi­sasyon ng mga sasakyang pam­publiko na may tatlong gu­long gaya ng pedicabs at tricycles, kasabay ng pag­sa­sabing solido ang kani­lang magiging boto para kay Lim sa darating na halalan sa Mayo. Sa isang ugnayan na gi­na­nap sa isang fastfood chain sa …

Read More »

VP Leni: Panalo ako sa eleksiyon (Bongbong napahiya lang)

ILOILO — Buong loob na idiniin ni Vice Pre­sident Leni Robredo na siya ang nanalo sa eleksiyon noong 2016, dahil pinatunayan lang ng election protest na inihain laban sa kaniya ang lamang niya sa halalan. Ayon kay Robredo, wala namang napala ang kaniyang kalaban na si Bongbong Marcos nang kuwestiyonin nito ang kaniyang pagka­panalo, at idinamay pa ang Iloilo, na …

Read More »

Apela sa Semana Santa: ‘Political ceasefire’ muna — Imee

NANAWAGAN ngayon si senatorial bet at Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa lahat ng magkakalabang politiko na pairalin muna ang isang “political ceasefire” sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa o Holy Week. Ayon kay Marcos, makabubuting itigil na muna ang mga alitan at batikusan ng magkaka­labang politiko sa pana­hon ng kampanya para higit na makapagnilay ang bawat isa bilang …

Read More »

Megastar Sharon Cuneta lubos na sumuporta kay Sen. Grace Poe (Bukod kay Ate Vi at Coco Martin)

LALONG lumakas ang kandidatura ni Senadora Grace Poe nang magpakita ng suporta sa kanya si megastar Sharon Cuneta kasunod ng paha­yag ng lubos na pagsuporta sa kanya ni Bata­ngas representative Vilma Santos-Recto at Coco Martin kamakailan. Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Cuneta: “Sen. Grace Poe has my full support and my heart. May God bless you, Senator!” Sumagot naman …

Read More »

Isyung Scarborough shoal huwag gamitin sa kampanya — Manicad

NAGBABALA ang broadcast journalist na si Jiggy Manicad tungkol sa pagpapabida ng mga kandidato sa halalan kaugnay sa isyu ng teritoryo sa Scarborough shoal. Aniya, isa itong sensitibong isyu na hindi puwedeng basta gamitin sa politika. “We must avoid turning these sensitive issues towards our advantage as political candidates. Hindi ito simpleng sortie o project na puwede po nating gamitin …

Read More »

2019 nat’l budget aprobado bago Semana Santa

INAASAHANG mala­lag­daan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 pambansang budget sa loob ng linggong ito o sa susunod na linggo, bago ang Semana Santa. Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa harap nang patuloy na paggamit ngayon ng pamahalaan sa reenacted budget ng 2018. Sa isang panayam sa Malacañang, sinabi ni Nograles na isinasapinal na lamang ito. Kasabay …

Read More »

Sibilyan o sundalo… Bayaning Filipino ‘di dapat limutin — Duterte

IPINAALALA ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang kabayanihan ng matata­pang na Filipino at Ameri­kanong sundalo na nagtu­lungan upang ipagtang­gol ang kalayaan at de­mo­krasya ng bansa ha­bang nagbabantay sa ma­susukal na kagubatan ng Bataan. Sa kanyang mensahe sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, sinabi ng Pangulo na hindi dapat malimutan ang ating mga kababayang sibil­yan na tumulong sa ating mga kawal upang …

Read More »

Pagkatig ni Duterte sa Tsina, impeachable — KMU

Ang pagkatig o pagkampi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina, at iba pang pagkilos na pumapabor dito ay impeachable offenses ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU). Ayon sa grupo na sumama sa kilos protesta sa Chinese Embassy ka­ha­pon, Araw ng Kagi­tingan, sinabi nilang naki­kipagsabwatan umano si Duterte sa Tsina. “The infamous Duterte-China loan agreements are delibe­rately designed to favor Chinese …

Read More »

Palasyo sa 5 US senators: ‘Wag n’yo kami pakialaman

MIND your own business. Ito ang buwelta ng Malacañang sa limang Amerikanong senador na nanawagan na palayain si Sen. Leila de Lima at iba­sura ang kaso laban kay Rappler chief executive officer Maria Ressa pati na ang pagsusulong na im­bes­tigahan ng inter­national community ang extrajudicial killings sa bansa. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may sapat na suli­ranin ang Amerika …

Read More »

Malabon, kasama sa pinakamaraming drug-cleared barangays sa buong NCR

SIYAM sa 21 barangay o mahigit 40% ng buong Malabon ang idineklarang drug-cleared ng Inter-Agency Committee on Anti-Drugs (ICAD) na pinamumunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Enero kung kaya’t nasa ikatlong puwesto na ang Malabon sa mga lungsod na may pinakamaraming drug-cleared barangays sa buong Kamaynilaan. Mataas ito kung ikokompara sa naitalang datos ng Philippine National Police (PNP) …

Read More »

Sa Rice Tariffication Law… Walang dapat mawalan ng trabaho sa NFA

INILINAW ni Senate Committee on Agriculture and reelectionist senator Cynthia Villar, walang dahilan  upang mawalan ng trabaho o magtanggal ng ilang empleyeado ang National Food Authority (NFA) sa pag­papatupad ng Rice Tariffication Law. Ayon kay Villar, hindi nabawasan o tinapyasan ang panukalang budget ng NFA sa naaprobahang 2019 General Appro­priations Act (GAA) nang sa ganoon ay maipagpatuloy ng ahensiya ang …

Read More »

Koko sa publiko: Magbantay tayo sa panggipit sa nagbabayad ng buwis

NAGBABALA si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa publiko na mag-ingat sa pagbabayad ng kanilang buwis at makipag-ugnayan lamang sa mga awtoridad sa pagtatapos ng taunang pagpa-file ng income tax returns (ITR) sa 15 Abril 2019. “I’ve been receiving many complaints relating to BIR harassment both from individual and corporate taxpayers. There appears to be certain individuals and groups preying …

Read More »

Presyo ibaba hindi martial law — Mar Roxas

PINAYOHAN ni senatorial candidate at economist Mar Roxas si Pangulong Duterte na ibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin at huwag ang martial law. Ayon kay Roxas, maraming problema ang bansa mula sa walang tigil na oil price hike, peace and order, talamak na droga, smuggling at korupsiyon kaya ito ang mas dapat tutukan ng Pangulo imbes ang pagsuspende sa …

Read More »

Tumanggi sa tagay… Mechanical maintenance bugbog-sarado sa 2 lasing

Tanod tagay

PINAGTULUNGAN bugbugin ng dalawang lasing ang isang mechanical maintenance makaraang tumanggi sa alok na tagay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Isinugod sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si  Nelson Adrino, 30 anyos, binata, residente sa C. Perez St., Brgy. Tonsuya dahil sa pinsala sa mukha at katawan. Arestado ang mga suspek na sina Mitchell Parcel III, 44 anyos, …

Read More »

Drug queen, kelot huli sa buy bust

lovers syota posas arrest

HULI ang isang ginang na tinaguriang ‘drug queen’  at isang mister na kapwa drug pushers sa isinagawang buy bust operation ng mga  awtoridad  sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala  ang mga naarestong suspek na sina Rosario Enri­quez, 51 anyos, tinaguriang ‘drug queen’ residente sa Phase II Area 1, at Dennis Alvarez, 48 anyos, ng North Bay Boulevard South (NBBS) ng …

Read More »

PH daragsain ng celsite towers

TIYAK na darami pa ang celsite tower sa bansa matapos payagan ng House committee on information, com­munications and technology na papasukin ang 19 investors sa pagpapatayo ng “common tower” para sa telcos. Hindi pumayag ang mga miyembro ng komite na dalawang kompanya lamang ang magpa­pata­yo ng mga tower ayon kay Presidential Adviser on Economic Affairs na si Secretary Ramon Jacinto. …

Read More »

Utos ng DILG sa barangay officials: Linis estero at ilog posibleng mabalam

NAGBABALA kamakailan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño sa barangay officials na hindi nakikiisa sa paglilinis ng mga ilog, estero at kanal sa kanilang nasasakupan, na nanga­nganib mabalam ang proyekto sa clean and green ng environment ng pamahalaan. Ito’y matapos ipag-utos ng DILG sa mga barangay official at barangay captain na hulihin ang mga nagtatapon …

Read More »

Meralco ‘Sweetheart Deals’ inupakan

electricity meralco

NAGHAIN sa Korte Suprema ng Petition in Intervention ang Murang Kuryente Partylist (MKP) at hiniling na isama ang kanilang nominee at energy advocate Gerry Arances, kabilang na ang kumakandito sa pagkasenador at labor leader na si Leody De Guzman bilang mga petitioner sa pending case ng pitong Power Supply Agreements (PSA) na pinasok ng Manila Electric Company. Nabatid, sakaling matuloy …

Read More »

Mahika ni FPJ, walang kupas kay Grace Poe

KAHIT matagal nang namayapa ang tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr., hindi naman kumukupas ang kanyang mahika sa pag-iikot ni Sen. Grace Poe sa mga kana­yu­nan. Sa pagbisita ni Sen. Poe sa Lucena City kamakailan, mainit siyang sinalubong ng mga residente roon lalo ng mga tagahanga ng kanyang namayapang ama. Halos maiyak pa ang iba nang …

Read More »

31 artista sa narco-list sasampahan ng kaso pero ‘di ibubunyag (Base sa ebidensiya)

KAKASUHAN ang mga artistang sangkot sa illegal drugs pero hindi ibubulgar ang mga pangalan nila sa narco-list gaya nang nakagawian ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo na hindi na kailangan isapubliko ang listahan dahil hindi naman public officials at malalagay lang sa kahihiyan ang mga artistang sabit sa illegal drugs. “Ito ba ‘yung mga artistang gusto ninyong ilabas. You …

Read More »