BUKOD sa pagpunta sa Rizal Park, o Luneta, ang pinakamurang paraan ng pamamasyal at mapalapit sa kalikasan ay pagdalaw sa Manila Zoo sa panulukan ng Quirino Avenue at Adriatico Street sa Malate, Maynila. Ngunit kamakailan, may mga planong ilipat ito o ipasara sa maraming dahilan. Isa na rito ang para sa kapakanan ng mga hayop na naninirahan sa 60-anyos na …
Read More »2 kawani ng towing company huli sa entrapment 2 pa wanted
DALAWANG kawani ng isang towing company ang dinakip, habang dalawa nilang kasamahan ang nakapuslit matapos maisahan ng kanilang bibiktimahin naglatag ng entrapment sa mga pulis, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Swak sa kulungan ang mga suspek at kakasuhan ng robbery extortion sina JR Torres, 24 anyos, ng Bibilat Alaiga, Nueva Ecija; at Mila Pao-Alonte, 39 anyos, biyuda, ng 22 …
Read More »Anti-Bastos law susundin ng Pangulo
TINIYAK ng Palasyo na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pangunahing susunod sa “Bawal Bastos” law (Republic Act 11313) na may layuning parusahan ang paninipol, panghihipo at iba pang uri ng gender-based sexual harassment sa mga pampublikong lugar, online, workplaces, at educational at training institutions. “Since the President signed that law, it means that he recognizes the need for that law. Since …
Read More »MMDRRMC hinikayat makiisa sa 5th Metro Manila Shake Drill
INATASAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw ang mga miyembro ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) na makiisa sa ika-5 Metro Manila Shake Drill sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang scenario at table-top exercises para maihanda ang publiko sa posibilidad ng lindol. Hinimok ni Michael Salalima, concurrent Chief of Staff ng MMDA Office …
Read More »Palasyo ‘walang paki’ sa hinalang paninira ng CPP-NPA-NDF sa Global community
WALANG balak ang Palasyo na paimbestigahan ang koneksiyon ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa resolusyon ng Iceland laban sa human rights violations sa ilalim ng administrasyong Duterte na sinusugan ng United Nations Human Rights Council (UNHRC). Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hahayaan na lamang ng Malacañang ang mga paninira …
Read More »CDO flight nabalam sa bird strike
NAPILITANG bumalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Cebu Pacific Air (CEB) flight dahil sa bird strike, ilang minuto makaraang mag-take off patungong Cagayan de Oro kahapon. Kinompirma ng isang opisyal ng airport operations, ang CEB flight 5J381 na lumipad dakong 3:45 am ay bumalik sa NAIA matapos bumangga ang ‘di pa mabatid na mga ibon sa makina ng …
Read More »24-oras emergency hotline go kay Sen. Bong
ISINUSULONG ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagkakaroon ng 24-oras emergency hotline upang mabigyan ng mabilisang ayuda ang sinomang nangangailangan ng tulong-medikal sa panahon ng emergency. Sa pamamagitan ng Senate Bill 394 o Emergency Medical Services System Act of 2019, target ni Go na matiyak na magiging mabilis, maayos at maaasahan ang serbisyo ng gobyerno pagdating sa oras ng sakuna …
Read More »17-anyos obrero kritikal sa saksak
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 17-anyos obrero matapos saksakin ng kapitbahay makaraang tangkaing ipaghiganti ang kanyang kaibigan na unang binugbog ng suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Patuloy na ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Michael Salcedo, ng Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon, sanhi ng mga saksak sa katawan habang pinaghahanap ng mga …
Read More »8 Chinese nationals, Pinoy huli sa kidnapping
ARESTADO ang walong Chinese nationals at isang Filipino dahil sa pagdukot ng mga kababayang Tsino sa casino sa Parañaque City. Kinilala ang Pinoy na si Jomar Demadante, at Chinese nationals na sina Ben Tan, Haitao Wang, Dechun Qin, Yong Fei Chan, Xiao Qiang Yang, Dong Zheng Wen, Beijun Lin, at Jun Wang. Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nakatanggap …
Read More »PHISGOC ayaw ni Duterte para sa SEA Games
NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na gobyerno ang mag-organisa ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa dahil sa alegasyon ng korupsiyon sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinabi sa kanya ni Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi na ayaw niya na PHISGOC ang humawak ng SEA Games sa Filipinas bunsod ng …
Read More »2 lalaki sa watchlist bulagta sa Maynila
PATAY ang dalawang lalaking nasa watchlist matapos barilin ng hindi kilalang suspek habang nakatambay sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga biktima na sina Reynaldo Caguioa, 53, construction worker ng 908 Boulevard, Sampaloc, Maynila; at Juanito Baful, 49, tricycle driver. Inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek, lulan ng itim na SUV (hindi naplakahan), na mabilis tumakas …
Read More »2 sugatan Kasambahay tigok sa rider
HINDI umabot nang buway sa ospital ang isang 48-anyos kasambahay habang naglalakad sa kalsada matapos mabangga ng motorsiklo, habang dalawa ang sugatan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Capitolina Bejerano, residente sa Abbey Road II, Brgy. 73, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. Habang ang dalawang angkas ay ay …
Read More »Kriminal walang lugar sa Maynila — Isko
NAARESTO ang tatlong most wanted personalities sa Maynila ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD). Kinilala ang mga suspek na sina Irwin Pelina, no. 8 most wanted ng MPD sa kasong robbery with unnecessary violence; Bob Anel Navarro, no. 4 most wanted person ng Moriones Police Station sa kasong rape; at Jason Fullantes, no. 1 most wanted ng Ermita …
Read More »4 presong pumatay sa kapwa inmate inasunto sa QC court
SINAMPAHAN ng ka-song murder sa Quezon City Prosecutors’ Office ang apat na inmates ng Quezon City Police Dis-trict (QCPD) dahil sa pagkamatay ng kasama-hang preso na unang napaulat na nilagnat, matapos umanong bug-bugin sa loob ng piitan nitong nakalipas na Mi-yerkoles, 10 Hulyo 2019. Ayon kay QCPD Talipapa Police Station (PS 3) commander P/Lt. Col. Alex Alberto, ang mga kinasuhan ay …
Read More »Pirmado na ng Pangulo… Batas sa 20% student discount inilabas na
MAY 20 porsiyentong diskuwento ang lahat ng estudyante sa lahat ng uri ng transportasyon alinsunod sa Student Fare Discount Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Batay sa sa Republic Act 11314 o Student Fare Discount Act, makakukuha ng 20 percent discount ang mga estudyante sa pasahe basta’t tiyakin na may maipipresentang identification card o enrolment form. Kasama sa discount …
Read More »National Dengue Alert, idineklara ng DOH
NAGDEKLARA ang Department of Health (DOH) ngayong Lunes, 15 Hulyo, ng National Dengue Alert sa bansa dahil sa mabilis na pagtaas na kaso ng nakamamatay na sakit sa ilang rehiyon. Ito na ang kauna-unahang pagkakataon na itinaas ang naturang alerto sa bansa. Ang dengue ay pinakamabilis na kumakalat na infectious disease sa buong mundo. Nakaaapekto ito sa daang-milyong indibiduwal at …
Read More »National ID system delikado (IT expert nangamba sa palyadong kompanya)
DESMAYADO at nangangamba ang isang information technology (IT) expert sa pagnanais ng tinawag niyang palyadong IT company na makopo ang supplies ng kagamitan para sa plano ng gobyernong national ID system. Ayon kay IT expert Rafael R. Gutierrez, representante sa bansa ng isang US web security at cloud-based solutions na kompanya, malaki ang mawawala at masasayang na pera ng bayan …
Read More »Relasyong ‘wala-lang’ sa Iceland ‘lusawin’ — Panelo
MINALIIT ng Malacañang ang mga posibleng epekto kapag pinutol ng Filipinas ang pakikipag-ugnayan sa Iceland na maghain ng resolution na nananawagn sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ang mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa. Kinuwestiyon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang umiiral na relasyon ng Filipinas sa Iceland para indahin ng bansa ang pagputol ng ugnayan …
Read More »Impeachment vs VP Leni ‘deadma’ sa Palasyo
HINDI interesado ang Palasyo na ayudahan ang anomang posibleng impeachment complaint na isasampa laban kay Vice President Leni Robredo dahil mas maraming mahahalagang isyung dapat harapin. Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos sabihin ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna na maaaring ma-impeach si Robredo bunsod nang pagsuporta sa resolution ng United Nations Human Rights Commission na imbestigahan …
Read More »UNHRC reso vs PH tablado sa gov’t
TABLADO sa gobyerno ng Filipinas ang resolution ng UN Human Rights Council (UNHRC) na naglalayong imbestigahan ang mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Duterte. “The Philippine government rejects in the strongest terms the Iceland-led resolution recently adopted by the UN Human Rights Council (UNHRC),” ayon sa kalatas na inilabas kagabi ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea. …
Read More »Live-in, kaibigan kapwa binugbog kelot kalaboso
SA KULUNGAN bumagsak ang 24-anyos lalaki matapos bugbugin ang kanyang live-in partner maging ang nagmalasakit na matalik na kaibigan sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces, dakong 4:00 pm nang muling makatikim ng kalupitan sa kamay ng suspek na si Louie Alban, walang hanapbuhay, ang kanyang kinakasama na si Jean …
Read More »Huli sa akto… Lola, tinangkang halayin binata arestado
HINDI nagtagumpay ang isang lalaki na gahasain ang isang natutulog na lola nang magising at manlaban sa suspek sa bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan. Batay sa ulat mula kay P/Maj. Isagani Santos, hepe ng Angat Municipal Police Station (MPS), ang suspek sa tangkang panggagahasa ay kinilalang si Melvin Combis, 25 anyos, binata, at residente sa Pulong Tindahan Banaban III, …
Read More »Pamangking nene minolestiya Karpintero arestado
SWAK sa kulungan ang isang karpintero na inireklamo ng pangmomolestiya sa kanyang 11-anyos pamangking babae sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Dianito Acar, 56 anyos, residente sa Hipon Alley, Brgy. 14, Caloocan City, na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610. Sa imbestigasyon ng Valenzuela Police Women’s and Children Protection Desk …
Read More »MILF ‘nabuking’ sa baril
ISANG lalaki na hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang inaresto sa isinagawang anti-criminality campaign ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Noel Flores ang naarestong suspek na si Gamal Guitum, 41 anyos, may-asawa, residente sa Phase 12, Riverside, Brgy. 188, Tala. Ayon kay Flores, dakong 1:00 pm nang magsagawa …
Read More »Estudyante 1 pa sugatan sa gang war
DALAWA ang sugatan, kabilang ang isang 15-anyos babaeng estudyante nang tamaan ng bala sa naganap na sagupaan ng dalawang magkalabang grupo sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Cristina Pauline ng Pag-asa St., Payatas, Brgy. 147, at Arthur Atencio, 18 anyos, ng Narra Alley, kapwa sa …
Read More »