Saturday , June 15 2024
playing cards baraha

3 tong-its players, na-hit ng pulis, deretso hoyo

NADAKIP ang tatlong sugarol sa ikinasang anti-illegal gambling operations ng mga tauhan ng Malolos City Police Station (CPS) sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 30 Enero.

Sa ulat na ipinadala ng Malolos CPS kay Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, kinialala ang mga nadakip na suspek na sina Jayson Teodoro ng Purok 1, Brgy. Dakila; Rhesie Dauba ng Brgy. Ligas; at Gina Diaz ng Brgy. Bungahan, pawang sa lungsod ng Malolos.

Ayon sa ulat, ipinarating sa tanggapan ng Malolos CPS ang araw-gabing sugalan sa Brgy. Ligas na dinarayo ng mga ‘manlalaro’ mula sa iba’t ibang barangay.

Agad nagkasa ng anti-illegal gambling operation ang mga awtoridad hang­gang maaktohan ang tatlong suspek na nagsu­sugal ng tong-its.

Narekober mula sa mga suspek ang dalawang set ng baraha (playing cards) at bet money na nagka­kahalaga ng P530 cash sa iba’t ibang deno­minasyon.

(M. BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan …

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *