Thursday , June 4 2026

Human rights situation para aksiyonan ng UN at ICC, “Investigate PH” inilunsad

HINDI nababahala ang Palasyo sa inilunsad na independent investigation ng koalisyon ng civil society groups mula sa iba’t ibang bansa sa lumalalang human rights situation sa Filipinas.

Inilunsad kahapon ang Independent Inter­national Commission of Investigation into Human Rights Violations in the Philippines o Investigate PH para simulan ang fact-finding probes sa mga umano’y paglabag sa karapatang pantao sa bansa at isumite ang resulta nito sa United Nations Human Rights Council at International Criminal Court (ICC) para aksiyonan.

Tututukan ng Investigate PH ang mga naganap na patayan kaugnay sa war on drugs, at pag-atake sa mga aktibista at human rights advocates.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kumikilos ang pulisya at National Burreau of Investigation (NBI) para malutas ang mga kaso ng patayan sa bansa.

“So hindi po kami nababahala riyan. Dahil ang obligasyon po ng mga bansa pagdating sa karapatang pantao ay siguraduhin na magkaroon po ng remedy ang mga biktima doon sa sarili niyang mga institusyon na gumagana. Ang ICC po gagana lang iyan, kapag unwilling or unable ang mga institusyon na kasuhan iyong mga gumagawa ng krimen,” sabi ni Roque.

Kabilang sa mga bumubuo sa Investigate PH ay sina Lee Rhiannon, dating senator ng Australia; lawyer Jeanne Mirer, president ng Paris-based International Association of Democratic Lawyers; Lawyer Jan De Lien ng Justis Lawyers Group in Belgium; lawyer Suzanne Adely, president ng New York-based National Lawyers Guild; Senator Janet Rice, Australian Greens spokesperson for foreign affairs; Rev. Dr. Chris Ferguson, general secretary ng World Communion of Reformed Churches; Rev. Michael Blair, general secretary ng United Church of Canada; Rev. Dr. Susan Henry-Crowe, general secretary ng General Board of Church & Society, ng United Methodist Church; Archbishop Joris Vercammen ng Old Catholic Church of Netherlands, at Central Committee member, World Council of Churches; at Dr. David Edwards, General Secretary ng Belgium-headquartered Education International.

Ang Investigate PH ay nakikipagtulungan sa human rights group Karapatan at sa National Union of People’s Lawyers (NUPL). (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …