Thursday , June 4 2026

Health protocols ng IATF ‘di patas — PISTON

UMALMA ang ilang grupo sa hindi patas na pagpapatupad ng batas sa mayayaman at mahi­hirap sa Filipinas.

Malinaw ito sa maba­bang multang ipinataw sa mga lumabag sa health protocols sa viral Baguio City birthday party ni event organizer Tim Yap, ayon sa grupong PISTON.

Ayon kay PISTON president Mody Floranda , pinagbayad lamang ng P1,500 ang lahat ng dumalo sa party ni Yap samantala ang isang senior citizen na driver at miyembro ng PISTON na si Elmer Cordero ay ikinulong ng sampung araw hanggang makabayad ng P10,000 multa dahil sa paglahok sa rally na nanawagan sa gobyerno ng balik-pasada at ayuda.

Si Cordero at lima pang kasapi ng PISTON ay inaresto sa ‘disobedience to authority’ nang umano’y tumangging itigil ang kanilang kilos-protesta sa EDSA.

“Dapat tingnan ng gobyerno ‘yung kalagayan ng mga driver na hinuli noong June 2 at ini-detain ng pitong araw. Pero itong mga kilalang tao ay hindi man lang na-detain at mas mababa pa ‘yung penalty. Ibig sabihin ‘yung batas ay hindi pantay, ‘yung trato sa mga mamamayan,” ani Floranda.

Kung hindi naging viral sa social media ang party ni Yap ay hindi mapaparusahan ang mga dumalo, ayon kay Ariel Inton, president ng Commuters Safety and Protection.

“Ikinulong muna. Na-detain siya at hindi inilabas hanggang ‘di nakapagpipiyansa base sa rekomendasyon ng prosecutor ng Caloocan. Si Tim Yap hindi. Matapos magpakasarap ay minultahan. Kung hindi na-social media at napabalita e wala. Walang mangyayari,” ani Inton.

Nagbitiw bilang contact tracing czar si Baguio City Mayor Benjamin Magalong  bunsod ng insidente dahil isa rin siya sa mga dumalo sa party ni Yap at aminado na wala siyang ginawa para pigilan ang mga paglabag sa health protocols na kanyang nasaksihan.

Hindi tinanggap ng Palasyo ang pagbibitiw ni Magalong ngunit iginiit ng alkalde na “irrevocable resignation” ang kanyang isinumite sa Malacañang.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …