Thursday , June 4 2026

Kelot nagbigti (Dahil sa depresyon)

TINAPOS ng isang lalaki ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon sanhi umano ng pagkasira ng kanilang pamilya sa Malabon City, kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Jomar Urbano, 24 anyos, residente sa Mabolo Road, Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong 1:00 pm, papasok sa banyo ang 8-anyos pamangking babae ng biktima upang umihi nang magulat nang makita ang kanyang uncle na nakabigti sa loob ng banyo gamit ang isang lubid.

Kaagad niyang sinabi sa kanyang mga kaanak ang natuklasan saka ini-report sa pulisya ang insidente.

Sa isinagawang imbestigasyon, gumawa ng isang waiver ang mga kaanak ng biktima na naniniwala sila na walang naganap na foul play sa pagkamatay ni Urbano.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …