Thursday , June 4 2026

AFP intel chief sinibak sa palpak na NPA list

ni ROSE NOVENARIO

SINIBAK ni Defense Secretary Delfin Lorenzana  ang deputy chief of staff for intelligence ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa inilabas na maling listahan na tumukoy sa ilang nagtapos sa University of the Philippines (UP) bilang mga nadakip o napatay na miyembro ng New People’s Army (NPA).

Para kay Lorenzana, walang kapatawaran ang kapalpakan ni Maj. Gen. Alex Luna at ang inilabas na listahan ng tanggapan ng heneral ay nagdulot ng kaguluhan at pinsala sa reputasyon ng militar.

“His negligence only shows a lackadaisical attitude towards his job resulting to confusion and damage to reputation. We do not take these offenses lightly and I want to hold the people involved accountable,” ayon sa kalatas ni Lorenzana tungkol kay Luna.

Matatandaang puma­lag ang UP alumni sa inilathalang listahan sa social media account ng AFP na binanggit ang mga pangalan na mga buhay pa at hindi naging kasapi ng NPA .

Ipinangalandakan ni Lorenzana ang nasabing listahan sa press briefing hinggil sa pagkakansela niya sa 1989 UP-DND accord.

Kabilang sa listahan si Atty. Rafael Aquino, film director Behn Cervantes, playwright Liza Magtoto, journalist Roel Landingin, at dating Integrated Bar of the Philippines president Roan Libarios.

Inamin ng AFP at ni Lorenzana ang pagka­kamali, humingi ng paumanhin at tinanggal sa kanilang social media page ang listahan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …