Sunday , November 24 2024

News

Baseco sinuyod ng MMDA para linisin sa obstruction

MMDA

MAAGANG nagsimula ang mga tauhan ng MMDA ng  kanilang clearing operations sa Baseco sa Port Area, Maynila, kahapon. Ilan sa mga kinompiska at inalis na sagabal ang mga kariton, bakal, bakod, trapal at kahoy na pinagsisilungan o taguan ng mga personal na bagay. Hindi rin pinalagpas ang mga kariton ng sorbetes, bisikleta at pedicabs na isinampa o hinila ng towing …

Read More »

Kuwaiti national himas rehas sa aring inilabas

prison

BUMAGSAK sa kulu­ngan ang isang Kuwaiti national na naghangad ng ‘ligaya’ nang ilabas ang kanyang ari at nilaro sa harap ng isang babaeng make-up artist sa isang hotel room sa Makati City, nitong Lunes ng hapon. Nasa custodial facility ng Makati City Police at nahaharap sa kasong unjust vexation ang suspek na si Alenezi Saleh, Kuwaiti national, pansamantalang nanunu­luyan sa …

Read More »

May-ari ng bodega ng hot meat kakasuhan

IPINAAASUNTO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso ang ilang indibidwal na nasa likod ng pag-iimbak, pagbebenta at distribusyon ng hot meat sa Maynila. Sa pahayag ng alkalde, ipinag-utos niya sa hepe ng City Legal at Business Permits and Licensing Office na ihanda ang kaso laban sa mga nasabing indibidwal o grupo. Pananagutin din aniya ang mga may-ari ng mga …

Read More »

P.2-M ‘sinikwat’ ng Chinese staff sa IT company

money thief

TINANGAY ng isang Chinese national ang idedepositong P200,000 cash ng pinagta­tra­ba­hu­ang kompanya sa Makati City, nitong Lunes ng hapon. Kinilala ni Makati City police chief P/Col. Rogelio Simon , ang suspek na si Ming Meng, 29, Chinese national, IT Technology ng Hua Xin Global Support Inc., residente sa SM Jazz 1512 Tower B sa nasabing lungsod. Base sa ulat ni …

Read More »

Tamad na managers parusahan — Garin

bagman money

HINIMOK ni Iloilo Rep. Janette Garin ang admi­nistrasyong Duterte na parusahan ang managers ng mga ahensiya ng go­byerno at huwag ang taong-bayan sa pamama­gitan ng pagbawas sa pondo ng mga “non-performing” na ahensiya. Ayon kay Garin, ang pagbawas sa pondo ng mga ahensiyang hindi nagpe-perform partikular ang may kinalaman sa public health ay magka­karoon ng masamang epekto sa mahihirap. “Budget …

Read More »

Sa pulong nina Digong at Nur: GRP-MNLF peace coordinating committee binuo

NAGING produktibo ang pulong nina Pangu­long Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misua­ri hinggil sa pagpa­panatili ng kapayapaan sa Mindanao. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, napagkasunduan na magtatayo ng isang GRP-MNLF Coordinating Committee upang  mag­silbing daan para maka­mit ang kagyat na kapa­ya­paan sa Sulu. Layon nito ang pag­tu­tu­lungan sa pagsugpo sa Abu Sayyaf Group at kombinsihin …

Read More »

6 sangkot sa droga arestado sa buy bust

shabu drug arrest

ANIM na hinihinalang sang­kot sa ilegal na droga ang naaresto sa isinaga­wang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Rolando Balasabas ang mga naares­tong suspek na sina Walter Austria alyas Abal, 47 anyos; Bernardo Asigurado II alyas Bernie, 50 anyos; Bernardo Asigurado IV, 47; Alron Candelario, 20; Glenn Jugarap, …

Read More »

Navy exec patay sa banggaan sa Zambales

road traffic accident

HINDI nakaligtas ang isang opisyal ng Philippine Navy matapos makabangaan ng kaniyang minamanehong kotse ang isang pampasaherong bus sa bayan ng San Antonio, sa lalawigan ng Zambales nitong Lunes ng gabi, 26 Agosto. Idineklarang dead on arrival sa San Marcelino District Hospital ang biktimang kinilalang si Private First Class Joseph Bill Ignacio, 26 anyos, tubong lungsod ng Zamboanga, at nakatalaga …

Read More »

CPP-NPA leader nasakote sa QC

ISANG mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA), National Democratic Front (NDF), ang dinakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Special Operations Unit (QCPD-DSOU) sa Cubao, Quezon City. Sa ulat ni QCPD Director, P/BGen. Jose­lito Esquivel kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, P/MGen. Guillermo Lo­renzo Eleazar, ang …

Read More »

Helper patay sa pamamaril

gun shot

PATAY ang isang 59-anyos bakery helper matapos pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Eddie Gonzales, residente sa Phase 1 Gozon Compound, Brgy. Tonsuya sanhi ng mga tama ng bala sa katawan. Batay sa ulat nina police homicide inves­tigator P/SSgt. Julius Mabasa at …

Read More »

NBP records official itinumba sa parking

PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang opisyal ng New Bilibid Prison (NBP) sa pananambang ng hindi kilalang suspek lulan ng motorsiko habang binubuksan ang gate ng parking area kahapon ng hapon sa Muntinlupa City. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ruferto Traya, 53, assistant chief ng NBP Documents Section at nakatira sa Type B, NBP reservation Compound, Brgy. Pobla­cion, Muntinlupa. …

Read More »

‘Mandurukot’ sa bus timbog sa sigaw ng ninakawang flight attendant

arrest posas

TIMBOG ang isang tricycle driver nang dukutin sa bag ang mamahaling cellphone ng isang US citizen  sa loob ng pampasaherong bus sa Makati City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, ang naarestong sus­pek na si Mark Pangilinan, 27, binata, tricycle driver, ng Matimyas Street, Sampaloc, Maynila. Samantala ang biktima ay kinilalang si Laila …

Read More »

Inspektor ng Taguig Assesor’s Office arestado sa entrapment

PINURI ni Taguig Mayor Lino Cayetano ang pulisya sa pagsagawa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkahuli sa tiwaling inspektor ng City Assessor’s Office. Inihayag ito ng alkalde matapos madampot ang suspek na si John Paul Mabilin, 32, huli sa aktong tumatanggap ng lagay sa isang entrapment operation sa isang fast food restaurant sa Barangay Ususan. Ayon sa alkalde, hindi …

Read More »

Lalaki nahuling nagnanakaw… Jesuit volunteer na titser patay sa saksak, abogada sugatan

Stab saksak dead

PATAY ang isang babaeng gurong Jesuit volunteer habang malubhang nasugutan ang kasa­mang abogado nang paulit-ulit silang sak­sakin ng lalaking nahuli nilang nagnanakaw sa loob ng kanilang tinitirahang kubo sa bayan ng Pangantucan, lalawigan ng Bukidnon nitong Biyernes ng gabi, 23 Agosto. Kinilala ni P/SSgt. Michael Villasan ng Pangantucan police ang biktimang si Genifer Buckly, 24 anyos, mula sa bayan ng …

Read More »

P19.5-M pinsala ni Ineng naitala sa Ilocos Norte

UMABOT sa P19.5 milyon ang naitalang pinsala sa agrikultura sa lalawigan ng Ilocos Norte matapos ang pananalasa ng bagyong Ineng. Isinialalim nitong Sabado, 24 Agosto, ang lalawigan sa ‘state of calamity’ matapos mag-iwan ang malakas na ulan ng dalawang patay, lubog na sakahan at taniman, at mga bakang nagkalunod sa baha. Ayon kay Mar­cell Tabije, pinuno ng Ilocos Norte Provincial …

Read More »

P108.8-B sa 4Ps ikinakasa sa nat’l budget

MAKIKINABANG nang malaki ang pamilyang Filipino sa pagtaas ng pon­do ng Pantawid Pamil­yang Pilipino Pro­gram (4Ps) sa darating na taon sa panukalang bud­get na pinag-uusapan sa Kamara ngayon. Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, imbes P500 ang makukua ng bawat mag-aaral sa pamilyang nagbebenepisyo rito, ang ibibigay ng gobyerno ngayon ay P300 bawat bata na naka-enrol sa day care …

Read More »

Apela sa Ombudsman: Final verdict vs Gov. Umali ipinalalabas

NANAWAGAN sa Of­fice of the Ombudsman ang pangunahing nag­reklamo para mahatulan ng habambuhay na dis­kalipikasyon si Nueva Ecija Governor Aurelio Umali na maglabas ng certificate of finality sa naging desisyon ng anti-graft body noong 14 Nobyembre 2016. Sa kanyang dala­wang-pahinang sulat sa Ombudsman, sinabi ni Edward Thomas F. Joson na batay sa resulta ng imbestigasyon ng Om­budsman, napatunayang guilty si …

Read More »

Anti-subversion law bubuhayin kontra kilusang komunista (Padron sa Malaysia)

PABOR ang Palasyo na gayahin ang “Malaysian experience” para supilin ang kilusang komunista sa Filipinas.  Sa press briefing sa Palasyo kamakailan, sina­bi ni Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr., na kinakatigan niya ang panukalang buhayin ang Republic Act 1700 o ang Anti-Subversion Law upang maging ang mga kilalang prente ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ay …

Read More »

20% real property tax reduction nilagdaan ni Isko

PIRMADO na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  ang Ordinance No. 8567 na gumagarantiya  ng 20 porsiyentong kaba­wasan sa real  property tax ng mga taga-May­nila mapa-pribado man o commercial  na lupa. “There is a need to adopt a more progres­sive and equitable revenue system to help our taxpayers from the detrimental effects of economic downturn, “This may be achieved through …

Read More »

Sanchez sablay sa ‘good conduct’

INIHAYAG ni Senadora Riza Hontivero, sang-ayon siya sa retroactive application ng Republic Act 10592 ukol sa pag­tataas ng good conduct time allowance (GCTA) na ibabawas sa jail term ng isang preso. Ayon kay Hontiveros, ang mga nagkasala na sinserong nagsisisi at nakitaan ng tunay na pagbabago ay dapat bigyan ng pagkakataong makapagbagong buhay at muling maibalik sa lipunan. Pero binigyang-diin …

Read More »

Yasay ‘idinamay’ sa asunto ng Banco Filipino officials

INARESTO si dating Foreign Affairs secretary at dating Securities and Exchange Commission chairman, Perfecto Yasay Jr., ng mga pulis-Maynila alinsunod sa warrant of arrest na inilabas ng Manila Regional Trial Court (MRTRC). Sa ulat ng MPD-PIO, 3:00 pm kahapon nang dakpin si Yasay sa kan­yang bahay sa Milano Residences, Century City Road, Barangay Pobla­cion, Makati City. Kasalukuyang naka­kulong si Yasay …

Read More »

Kaysa mabokya sa WPS… 60-40 sa mineral at yamang dagat pabor sa RP — Digong

ANG pagbabahagi sa China ng mga mineral at yamang dagat sa exclusive economic zone ng Filipinas sa West Philippine Sea (WPS) ang nakikitang mapayapang paraan sa isyung teritoryal ng dalawang bansa. Sa kanyang talumpati sa Romblon kagabi, sinabi ng Pangulo, ang panuka­lang hatian na 60-40 pabor sa Filipinas ay isang “good start” para sa paggigiit ng arbitral ruling sa China. …

Read More »

Beer garden sa Lawton ipinasara ni Isko

ISINARA sa night out goers ang beer garden na matatagpuan sa bahagi ng Lawton sa Maynila. Alinsunod ito sa kautusan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ipagbawal ang pagbe­benta at pagbili ng alak sa 200 radius mula sa mga paaralan sa lung­sod. Ipinasara umano ang mga nasabing tindahan ng alak dahil sa reklamo ng Intramuros Adminis­tration na umano’y …

Read More »

SAF official na napatay ng tauhan ipinabusisi

dead gun

MASUSING sinisiyasat ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagkamatay ng isang opisyal ng Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) ng kanyang tauhan sa loob ng opisina ng SAF sa Camp Bagong Diwa, Bicutan sa lungsod ng Taguig kamakalawa. Iniutos ni NCRPO director, P/MGen. Guil­lermo Eleazar na imbes­tigahan ang naganap na pagpatay kay P/Maj. Emerson Palomares,30 …

Read More »