Thursday , June 4 2026

1 patay, 59 naospital sa ammonia leak sa planta ng yelo (Sa Navotas)

ISA ang namatay habang 59 ang itinakbo sa ospital sa naganap na pagtagas ng ammonia sa planta ng yelo na pag-aari ng pamilya Tiangco sa Navotas City kahapon, ayon kay Mayor Toby Tiangco.

Tinukoy ni Tiangco ang T.P. Marcelo Ice Plant and Cold Storage at inaming pag-aari ng kanyang ina at mga kapatid.

Iniimbestigahan na umano ng mga awtoridad ang dahilan ng pagtagas.

“Ang unang ginawa is mailikas ‘yung mga tao and number two, maisara ‘yung balbula. Susunod na titingnan nila is kung nasira ba ‘yung tubo or human error,” pahayag ni Tiangco.

Kahapon, nakita ang biglaang paglikas ng mga residente sa kahabaan ng Radial Road (R) 10 makaraang sumingaw ang ammonia sa planta ng yelo sa Barangay North Bay Boulevard South  (NBBS).

“Ang likod po niyan is residential area facing R-10 so kaagad pong pumunta ‘yong Bureau of Fire natin doon at ‘yong mga ambulansiya para ilikas po ang matatanda at saka ‘yong mga bata,” ani Tiangco.

“Sinagad na namin along R-10 [ang evacuation] kasi ‘yong T.P. Marcelo is facing North Bay Boulevard pero ‘yong likod non, puro residential… Papuntang C-3 i-evacuate na namin,” dagdag ni Tiangco.

(ROMMEL SALES)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …