Sunday , April 28 2024

Celebrity makeup artist, 3 pa nangisay sa ‘iniskor’ na ‘unknown substance’

ITINAKBO sa ospital ang isang celebrity makeup artist, at tatlong kasama na pawang bisita sa isang condominium unit matapos mangisay nang gumamit ng hindi pa batid na uri ng ‘substance’ sa gitna ng kanilang inuman sa Taguig City, iniulat nitong Martes.

Isinugod sa Medical Center ang mga biktimang sina Mark Anthony Casumpang, 29, binata, call center agent, ng Sambalez Alley, Bagong Barrio, Caloocan City; Albwin Chester Amolat, 23 anyos, ng Adriatico St., corner Padre Faura, Ermita, Maynila; Ian Gabriel Bautista, 23, residente sa panulukan ng EDSA at Reliance St., Mandaluyong City; at Hernan Soriano, 31, celebrity makeup artist, ng Samadoves St., Luzon Ave., Old Balara, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni P/CMSgt. Herman Recile, Jr., ng Investigation & Detective Management Section (IDMS), nag-iinuman sa Unit 115 Grace Residence, noong 31 Enero 31, sa Brgy. Ususan, Taguig City dakong 12:00 nn nang maingayan at naistorbo ang kalapit na unit ng naturang condo nang biglang nangisay ang mga nag- iinuman na agad tinulungan ng emergency team ng Grace Residences at isinugod sa malapit na ospital.

Sa impormasyon na nakalap ng awtoridad mula kay Dr. Rizulle Ann Gahun, nabatid mula sa isang indibidwal na humiling o nakiusap na huwag ibunyag ang kanyang pangalan, ang apat na pasyente ay gumamit  ng ‘unkown substance’ matapos uminom ng alak na nagresulta ng kanilang pangingisay.

Sa pangyayari, hiniling ni Dr. Gahun, na magsagawa ng drug test sa pamamagitan ng SPD Crime Laboratory personnel sa pangunguna ni Lt. Trixia Grace Merana kalakip ang pagsusumite ng consent ng mga kinatawan ng pasyente.

Hiniling na rin ng mga imbestigador ng Investigation and Detective Management Section na pansaman­talang isara ang condo unit para bigyang daan ang imbestigasyon sa insidente.

Ilan sa mga kinata­wan ng apat na pasyente ay nagpahiwatig na wala silang interes sa pagsasa­gawa ng imbestigasyon at pagsasampa ng kaso “verbally o written” maliban sa ina ni Amolat na nais ipa-drug test ang anak para mabatid kung anong klaseng ‘unknown substance’ ang ininom ng mga pasyente.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

C5 Quirino flyover Villar

Sa Las Piñas  
C5 EXT. QUIRINO FLYOVER BINUKSAN SA MOTORISTA

BINUKSAN sa mga motorista ang C5 Quirino flyover, C5 extension sa lungsod ng Las Piñas. …

itak gulok taga dugo blood

2 anak pinagalitan,
BABAE PATAY SA TAGA NG AMA

PATAY ang isang 27-anyos babae matapos tagain ng kanyang ama dahil sa hindi pagkakaintindihan sa …

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *