Tuesday , July 23 2024

DILG, walang planong buwagin 1992 security agreement sa UP

INIHAYAG ng isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na wala pa silang plano sa ngayon na buwagin ang kanilang nilagdaang 1992 security agreement sa University of the Philippines (UP), na nagbabawal sa mga pulis na mag-operate sa loob ng campus grounds nang walang paunang paabiso.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang nais lamang nila ay magkaroon ng isang ‘healthy discussion’ kasama ang mga opisyal ng UP kaya nagpatawag ng pulong.

Matatandaang una nang inianunsiyo ng DILG na makikipag­pulong sila sa mga opisyal ng UP ngayong linggo alinsunod sa kahilingan nito, upang talakayin ang ilang isyu hinggil sa kasunduan.

“We have no intentions of abrogation at present. What we want is to have a healthy discussion with the officials of the University of the Philippines,” pahayag ni Malaya.

Aniya, nais rin nilang ma-assess ang antas ng seguridad, partikular sa UP Diliman, dahil mara­ming residential units, business establishments, at informal settlers sa loob ng campus.

“We would like to find out if the UP Diliman police are up to par with the changes since 1992,” ani Malaya.

Paglilinaw ng opisyal, wala rin plano ang DILG na mag-deploy ng mga pulis sa loob ng UP campus upang i-monitor ang galaw ng mga estudyante dahil ang naturang aksiyon aniya ay paglabag sa academic freedom.

Nangangahulugan ito na wala rin intensiyon ang DILG at PNP na pagbawalan ang mga guro na ituro ang komunismo dahil bahagi ito ng curriculum. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Sonny Angara DepEd

Panawagan kay Angara
SUWELDO NG MGA GURO ITAAS, ‘KORUPSIYON’ SA DepEd DAPAT TUGUNAN — TINIO

NANAWAGAN si dating ACT Teachers Rep. Antonio “Tonchi” Luansing Tinio kay bagong-upong Department of Education …

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

NAGSANIB-PUWERSA ang kompanyang Far East Holdings Inc. (FEHI) at ang Department of Human Settlement and …

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

NAMAHAGI si First Lady Louise “Liza” Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

prison

300 PDLs mula Bilibid inilipat sa Iwahig Prison sa Palawan

INILIPAT ang may 300 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *