Tuesday , July 16 2024

Notoryus na tulak 4 timbog sa drug den (Nasa drugs watchlist ng PDEA 3 at PRO3)

NASUKOL ang limang drug suspects sa ginawang paglusob ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang lead unit, Nueva Ecija Police Provincial Police Office, at Cabanatuan Station Drug Enforcement Unit sa minamantinang drug den ng mga suspek sa Villa  Benita Subd., Concepcion, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Lunes ng umaga, 1 Pebrero.

Arestado ng mga awtoridad ang pinaniniw­alaang talamak na tulak ng ipinagbabawal na gamot na kinilalang si Romeo Zarte, 46 anyos, at apat niyang mga kasamahang sina Gary Cañete, 36 anyos; Maximo Fernando, 60 anyos; Lito Dagdagan, 50 anyos; at Mylene Pineda, 42 anyos, pawang kabilang sa drugs wachtlist ng PDEA 3 at PRO3 at mga residente ng lalawigan ng Nueva Ecija.

Narekober ng mga operatiba sa loob ng kubo ang apat na paketeng naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 20 gramo at nagkakahalaga ng P136,000, bultong basura ng iba’t ibang paraphernalia ng pinanggalingan ng pot session, at marked money na ipinain sa drug bust.

Nakatakdang ipresenta sa piskalya upang humarap sa inquest proceedings ang mga suspek sa paglabag sa mga probisyon ng RA 9165 o The Dangerous Drug Act of 2002. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …

Francis Tolentino

Sakripisyo, galing, at husay ng Pinoy nurses kinilala
Tolentino tiniyak PH Nursing Act of 2022 mahigpit na tututukan

PINURI ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang sakripisyo ng mga Pinoy nurses hindi lamang …

Bongbong Marcos Francis Tolentino

Tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa Calabarzon Region sa pamamagitan ng TUPAD program ikinasa

MAHIGIT sa 12,000 mangingisda at magsasaka mula sa lalawigan ng Cavite at Rizal ang nabigyan …

First Lady Liza Araneta-Marcos Pasig River Esplanade

Pasig River Esplanade pasyalang paraiso sa Pasig River –  First Lady

NAGBIGAY ng buong suporta si First Lady Liza Araneta-Marcos para mapadali ang ginagawang Pasig River …

Marcoleta Miru

Miru Systems’ 18 Billion Peso Contract for Philippine Elections Sparks Major Concerns

Manila, Philippines — On July 9, 2024, Hon. Rodante D. Marcoleta, Party List – SAGIP, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *