UMABOT sa 11 Europeans at 6 Pinoys ang naaresto at binitbit ng mga awtoridad nang maaktohang nagsusugal sa tinaguriang poker house sa isang condominium sa Makati City, nitong Sabado ng gabi. Kinilala ni Makati City Police chief, P/Col. Rogelio Simon, ang mga dinakip na suspek na sina Peter Morthcott, 39 anyos, isang Canadian national, residente sa Arya Residences, Bonifacio Global …
Read More »1,000+ OFWs bagong miyembro ng OWWA
UMABOT sa mahigit 1,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Russia ang nagpamiyembro sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ayon sa Embahada ng Filipinas sa Moscow. Inihayag ng Embahada sa Moscow, Russia, nagiyembro ang ating mga kababayang Pinoy na nagta-trabaho sa Russia, kasunod ng outreach program ng Embahada ng Filipinas sa naturang bansa. Labis na ikinatuwa ni Labor Secretary Silvestre Bello …
Read More »Malacañang nakiramay kay VP Leni Robredo
NAGPAABOT ng pakikiramay ang Palasyo sa pamilya ni Vice President Leni Robredo sa pagpanaw ng kanyang inang si Salvacion Gerona. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi matatawaran ang dedikasyon ni Ginang Gerona dahil sa pagiging guro at paghubog sa kaalaman ng ilang henerasyon ng mga kabataan. Ipinapanalangin aniya ng Palasyo ang kaluluwa ni Ginang Gerona. Hindi alam ni Panelo …
Read More »9 arestado sa ilegal na pangingisda sa Albay
NADAKIP ang siyam na mangingisda dahil sa paggamit ng ‘homemade explosives’ habang namamalakaya sa dagat ng bayan ng Pio Duran, sa lalawigan ng Albay noong Miyerkoles ng umaga, 19 Pebrero. Ayon kay P/Capt. Dexter Panganiban, tagapagsalita ng Albay police, inaresto ang mga suspek na kinilalang sina Gilbert Guerra, Jomar Dela Rosa, Robert Labrusto, Jonel Labrusto, Andy Paul Labrusto, Anthony Cañete, …
Read More »P.3-M natangay sa sexagenarian na engineer ng riding in tandem
NILIMAS ng mga naka-motorsiklong kawatan ang mahahalagang bagay mula sa isang senior citizen nang holdapin kahapon ng umaga, 20 Pebrero, sa bayan ng Marilao, sa lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang biktimang si Rodel Jasa, 63 anyos, isang engineer, at nakatira sa Villa Grande, Bgy. Lambakin, sa naturang bayan. Ayon sa anak ng biktima na si Kagawad Mary Del Adan Jasa, …
Read More »PNP official nabiktima ng ‘basag-kotse’ sa Marikina
TINANGAY ang passport at dalawang mamahaling mobile phone ng isang mataas na opisyal ng PNP-PRO-4A ng kilabot na ‘basag-kotse’ habang nakaparada sa lungsod ng Marikina, nitong Miyerkoles ng umaga, 19 Pebrero. Kinilala ang opisyal ng pulisya na si P/Col. Roland Bulalacao na nakatalaga sa Calabarzon. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, dakong 11:00 am kamakalawa nangyari ang insidente hindi kalayuan …
Read More »Lihim na modus ng junkshop driver nabuking (Top 10 most wanted timbog sa droga)
ARESTADO ang isang truck driver ng junkshop na lumilinya sa palihim na pagtutulak ng droga kamakalawa ng gabi, 19 Pebrero, sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga. Sa ipinadalang ulat ni P/Lt. Col. Michael John Riego, hepe ng Lubao Municipal Police Station kay PRO3 director P/BGen. Rhodel Sermonia, naaktohan ng kaniyang mga tauhan na nagbebenta ng hinihinalang shabu ang suspek …
Read More »Lalaking nagbebenta ng tubig niratrat patay sa Baseco
PATAY ang isang 44-anyos lalaki matapos barilin ng hindi kilalang suspek habang nagbabantay sa pagbebenta ng tubig sa mga kapitbahay at abala rin sa pagte-text gamit ang kanyang mobile phone, malapit sa Baseco Compound, Port Area, Maynila. Kinilala ang biktima na si Noel Llegue, residente sa Block 5, R12 U 772 Habitat, Baseco, Port Area. Sa report, 11:10 pm ng …
Read More »Sa Maynila… 2 magnanakaw ng kable timbog
KULONG ang dalawang magnanakaw ng kable ng street light nang maaktohan ng contractor/helper ng Manila City Hall sa Ermita, Maynila. Isinalang sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors’ Office ang mga suspek na sina Mark Christian Leonero, alyas Tsuptsup, 18 anyos, walang trabaho ng 1917 Ma. Orosa St., San Andres, Malate, Maynila; at Jericho Mance, alyas Jepoy, 26, binata, ng 1624 …
Read More »23 buhay na baboy naharang sa Argao, Cebu (5 toneladang karne, ‘processed food’ nasamsam sa Camarines Norte)
NAHARANG ng Cebu Task Force on African Swine Fever (ASF) ang ibinibiyaheng 23 buhay na baboy sa bayan ng Argao, sa lalawigan ng Cebu kahapon ng hapon, 20 Pebrero. Ayon kay Dr. Rose Vincoy, lahat ng baboy na sakay ng isang truck ay nagmula sa bayan ng Sibulan, sa lalawigan ng Negros Oriental. Walo sa 23 baboy ay walang Veterinary …
Read More »Media ‘di dapat tumestigo sa kaso ng droga — Rep. Rodriguez
NAIS ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na amyendahan ang batas na nag-uutos sa miyembro ng media na mag-testify sa mga kaso ng droga na coverage nila. Ani Rodriguez, hindi trabaho ng media ang dokumentasyon at tumestigo sa mga kasong isinampa laban sa mga sangkot sa droga. “Spare media from being forced to testify in court for drug cases,” …
Read More »Kumander Bilog, humarap sa korte
HUMARAP sa sala ni Judge Judge Thelma Bunyi ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 32 ang dating lider ng Communist Party of the Philippine – New People’s Army (CPP-NPA) matapos maaresto sa Pampanga. Si Rodolfo Salas, 72, kilala bilang Kumander Bilog ay naaresto sa kanyang bahay sa Balibago, Angeles City, Pampanga at humarap sa korte upang harapin ang …
Read More »2 tulak ng ‘injectable shabu’ online huli sa PDEA
DINAKIP ang dalawang nagbebenta ng mga liquid o injectable shabu sa online ng mga ahente ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City, nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service Director Levi Ortiz, ang mga naarestong suspek na sina Mark Kenneth del Rosario …
Read More »Netherlands Ambassador, nag-courtesy call kay Isko
DUMALAW at nagbigay-pugay si Netherlands Ambassador Saskia de Lang kay Mayor Isko Moreno. Bumisita si de Lang sa opisina ng alkalde sa Manila City Hall, nitong araw ng Miyerkoles. Sa pulong, ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga plano para sa pagpapaunlad ng Maynila. Ibinida ng alkalde ang pagbuo ng task force na magpapanatiling malinis at maayos ang mga kalsada sa …
Read More »Sa utos na manhunt ni Yorme… Suspek sa pagbaril at holdap sa mami vendor kalaboso
NATIMBOG ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang holdaper na namaril at malubhang nakasugat sa isang mami vendor, kamakalawa ng gabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila. Pahayag ng suspek na si Alexander Ogdamina, residente sa Blk.1 Gasangan, Baseco Compound, Port Area, ‘ipapayo niya sa mga biktima ng holdap na ibigay na lang ang mga gamit kaysa mabaril …
Read More »BI sa NAIA winalis ni Digong
SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng kagawad ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa NAIA dahil sa pagkakasangkot sa nabulgar na ‘pastillas’ scheme. Sa kanyang talumpati kahapon sa graduation ceremony ng Public Safety Officers Course, iginiit ng Pangulo ang paniniwala na walang kinalaman si Immigration chief Jaime Morente sa ‘pastillas’ scheme. “Kahapon I terminated all kay [Bureau …
Read More »Espenido kabadong itutumba ng gov’t forces
MAAARING may mga sariling dahilan si P/Lt. Col. Jovie Espenido sa kanyang pangambang baka itumba siya ng gobyerno o ng mga pulis. Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa sinabi ni Espenido na walang ibang magpapapatay sa kanya kundi ang gobyerno o mga pulis. “There will be no other entity that would kill me. It would be the …
Read More »Pangakong 2,500 cell sites pinangambahang ‘di matuloy… Honasan alanganin sa 3rd telco
MAY pag-aalinlangan si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan sa kakayahan ng third telco — ang DITO Telecommunity Corp., na makompleto ang rollout program nito bago sumapit ang Hulyo 2020. Ang commercial operations ng DITO, dating Mislatel Consortium, ay pinangangambahang maantala dahil sa komplikadong proseso ng pagkuha ng permit para sa pagtatayo ng cell tower. Ayon …
Read More »Politika ni Trillanes dapat iwasan — Duterte
HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na iwasan si dating Sen. Antonio Trillanes IV at huwag paniwalaan ang mga sinasabi. Ayon sa Pangulo, puro daldal si Trillanes, nagpapasiklab kahit hindi naman napasabak sa giyera noong sundalo pa. “Pati si Trillanes sige daldal hanggang ngayon. Alam mo, you are… kayo ang nasa, mga politiko, mga politiko basta politika lang, so …
Read More »Health care employees paglalaanan ng libreng tirahan — Mayor Isko
MAAYOS at libreng matutuluyan ang ibibigay ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa health workers ng anim na district hospital sa Maynila kabilang ang mga kawani ng Manila Health Department na malayo ang inuuwian at hirap sa araw-araw na pagbiyahe. Inihayag ito ni Moreno sa ginanap na kauna-unahang Consultative Meeting kasama ang Medical Health Sector na dinalohan nina Vice Mayor Honey …
Read More »Sa ABS CBN franchise… NTC nagpasaklolo sa DOJ
INAMIN ni Senador Lawrence Christopher “Bong” Go, humingi na ng saklolo ang National Telecommunication Commission (NTC) sa Department of Justice (DOJ) para sa usapin ng prankisa ng ABS CBN sakaling tuluyan nang mapaso sa katapusan ng Marso. Ayon kay Go, ito ay upang matiyak kung ano ba talaga ang tamang magiging desisyon sa prankisa ng ABS CBN. Sinabi ni Go, …
Read More »Panelo desentonado sa pahayag ng Pangulo
HINDI kostumbre ni Pangulong Rodrigo Duterte na himukin ang Kongreso na madaliin ang proseso ng renewal o pagbasura sa prankisa ng ABS-CBN. Reaksiyon ito ng Palasyo sa hamon kay Pangulong Duterte na sertipikahan bilang urgent bill ang renewal ng prankisa ng ABS-CBN kung talagang hindi siya kontra rito. “Bakit naman kailangan magbigay ng urgency ng pag-ano, e ‘di ibig sabihin nagdi-discriminate …
Read More »Ambush sa BuCor legal chief walang epekto sa GCTA — Sec. Panelo
KOMPIYANSA ang Palasyo na walang magiging epekto sa imbestigasyon sa iregular na pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang pananambang kahapon sa isang opisyal ng Bureau of Corrections (Bucor). Si BuCor chief lawyer Frederick Santos ay tinambangan malapit sa opisina ng BuCor sa Muntinlupa City habang patungo sa paaralan upang sunduin ang kanyang anak. Duda ni Panelo, personal ang motibo ng ambush …
Read More »Tumestigo sa ‘freedom for sale’… Ex-Legal Chief ng BuCor patay sa ambush
TINAMBANGAN ang isang suspendidong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ng dalawang armadong suspek habang sakay ng kanyang minamanehong pick-up van sa Muntinlupa City kahapon ng hapon. Apat na tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang si Atty. Fredric Anthony Santos, dating chief legal officer ng BuCor. Sa inisyal na report ng Muntinlupa Police nangyari ang …
Read More »OFWs mula HK, Macau maaari nang bumiyahe
PUWEDE nang bumiyahe papunta at pabalik ng Hong Kong at Macau ang overseas Filipino workers (OFWs). Ito ay dahil partially lifted na ang travel ban na ipinatupad noon ng Filipinas sa Hong Kong at Macau dahil sa coronavirus disease o COVID-19.Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kinakailangang lumagda ng deklarasyon ang mga OFW na nagsasaad na batid nila ang panganib sa …
Read More »