IMBES magsisihan, magtulungan na lang tayo para harapin ang pinangangambahang novel coronavirus. Ito ang pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go bilang tugon sa batikos at paninisi ng ilang grupo at indibiduwal sa pamahalaan partikular kay Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hindi agad ipagbawal ang biyahe mula at papuntang China. Sinabi ni Go, imbes magsisihan, mas mabuting ipakita ang bayanihan ng mga Filipino …
Read More »Koreano sa Maynila Pinoy sa Tripoli, kapwa biktima ng nCoV ‘fake news’
UMAPELA ang Embahada ng Filipinas sa Tripoli na hangga’t maaari ay tamang impormasyon ang ilathala. Kaugnay ito ng mga Pinoy na biktima ng fake news sa Middle East. Hindi lamang Koreano ang biktima ng fake news sa Filipinas kung maging mga Pinoy ay biktima na rin ng fake news sa Middle East. Labis na ikinalungkot ng Embahada ng Filipinas sa …
Read More »Dahil sa travel ban… 300 aliens stranded sa PH airports
MAY 300 Chinese at iba pang foreign nationals ang stranded sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) at iba pang airport sa bansa. Sa Laging Handa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Bureau of Immigration spokesman Dana Sandoval, galing sa China ang foreign nationals na hindi na pinapasok sa bansa dahil sa travel ban na ipinatupad ng pamahalaan bunsod ng 2019 …
Read More »Hazard pay para sa health workers welcome sa RITM
MALUWAG na tatanggapin ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sakaling may magsusulong na dagdagan ang hazard pay ng health workers na direktang nagkaroon ng kontak sa mga nagpositibong pasyente ng novel coronavirus at iba pang uri ng mapanganib na sakit. Ayon kay Celia Carlos, director ng RITM, malugod na tatanggapin ng kanilang hanay kung may dagdag na hazard pay. …
Read More »Labi ng ‘expired’ nCoV patient sa PH ikini-cremate — DOH
SINUNOG ang mga labi ng Chinese na nagpositibo sa 2019-nCoV ARD at namatay sa Filipinas, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III nitong Lunes, 3 Pebrero. “Mayroon tayong tinatawag na burial saka ‘yung pangangasiwa ng pumanaw at ng katawan nito… at sa pinakahuling ulat sa akin, ike-cremate,” pahayag ni Duque sa isang panayam. Dagdag ng kalihim, hindi na maipapasa ang …
Read More »PH may 80 PUIs sa nCoV
PUMALO sa 80 pasyente ang ikinategoryang persons under investigation (PUIs) para sa novel coronavirus (nCoV) sa pinakahuling tala ng Department of Health (DoH) kahapon ng tanghali. Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, sa nabanggit na bilang, 67 ang naka-admit at nasa isolation. Habang ang 10 ay pinauwi na pero estriktong mino-monitor ng mga doktor. Ang tatlo ay kinabibilangan ng …
Read More »Digong walang kibo sa bilyonaryong ‘di nagbayad ng utang sa gobyerno? P19-B atraso ng power firm ni Ramon Ang
NANGUNGUNA ang Independent Power Producer Administrators (IPPAs) at electric cooperatives sa listahan ng top corporate entities na matagal nang may pagkakautang sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) nang kabuuang P59.23 bilyon hanggang noong Disyembre 2018. Karamihan sa accounts nito ay inilipat ng National Power Corporation (NAPOCOR) sa PSALM sa bisa ng EPIRA, o Republic Act 9136, in 2001. Sa …
Read More »Pulis sinapak ng lalaking nabitin sa Mariang Palad
NABITIN sa ginagawang pagpaparaos sa sariling sikap ang isang electrician kaya sinapak ang isang pulis na bantay ng kanyang computer shop habang nanonood ng pornographic movie sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Nakapikit at kagat-labing tila maaabot na ni Aldrin Bangayan, 30 anyos, residente sa Lirio St., Bo. San Jose, Brgy. 187, Tala ang rurok ng ligaya habang ginagawa ang …
Read More »Tauhan ng PAGCOR buking na ‘fixer’
BISTADO ang isang lalaki na sinabing tauhan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isang ‘fixer.’ Hindi pinangalanan ni Jimmy Bondoc, Vice President for Social Responsibility Group ng PAGCOR, ang suspek na naaresto sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI). Ayon kay Bondoc, nakatanggap sila ng mga ginagawang iregularidad ng suspek tulad nang paglapit sa mga humihingi …
Read More »3 lider sabit sa human smuggling… Simbahan ni Quiboloy sa Amerika ni-raid ng FBI
DUMISTANSYA ang Palasyo sa bestfriend forever (BFF) o matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy. Sinalakay kamakalawa ng mga ahente ng Federal Bureau of Investigation ( FBI) ang simbahan ng Kingdom of Jesus Christ sa Los Angeles, California dahil sa kasong human trafficking at inaresto ang tatlong lider nito. Ayon …
Read More »Missing taxi driver natagpuang patay sa loob ng drum sa Port Area
NAKALUBOG ang ulong patiwarik nang matagpuang ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng isang abandonadong palikuran kamakalawa ng hapon sa Port Area, Maynila. Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, kinilala ang biktimang si Jamal Tagsayan ng Barangay 647, Zone 67, San Miguel, Maynila na positibong kinilala ng kanyang ina na ang nawawala niyang anak. Nabatid …
Read More »Sa unang kaso ng coronavirus… Maging malinis, huwag mag-panic
NANAWAGAN kahapon ang mga kongresista na huwag mag-panic matapos kompirmahin ng Department of Health (DOH) na nakapasok na ang novel coronavirus (n-Cov) sa Filipinas. “Huwag ma-alarm. Basta maging malinis lang sa katawan hindi ka dadapuan ng virus,” ayon kay dating health secretary Janette Garin. Ang coronavirus ay dala ng isang 38-anyos babaeng Chinese ayon sa DOH. Base sa report, dumating …
Read More »PH nagtala ng unang kaso ng n-Cov
NAKOMPIRMA ng Filipinas ang pinakaunang kaso ng bagong uri ng coronavirus sa isang babaeng Chinese mula Wuhan, ang lungsod sa China na pinagmulan ng virus, pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III kahapon. Dumating nitong Huwebes ang resulta ng laboratory test mula Australia na nagpakitang positibo sa 2019 novel coronavirus ang isang 38-anyos Chinese woman na dumating sa bansa noong …
Read More »Pulis igalang ‘wag katakutan — Isko
NAIS ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ganito ang muling mangyari sa kanyang panahon ng panunungkulan sa lungsod ng Maynila. Kasabay ito ng paghikayat ni Isko sa mga opisyal at tauhan ng Manila Police District (MPD) na maibalik ang respeto ng mamamayan sa mga pulis tulad noong mga naunang panahon. Ito ay pahayag Mayor Isko sa kanyang pagsasalita sa harap ng …
Read More »Ex-Solon: Batangas property ‘di dapat ibigay sa crony ni PRRD… Chevron haharangin kay Dennis Uy
KONGRESO at hindi Malacañang ang dapat magrebyu sa mga sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘onerous contracts.’ Pahayag ito kahapon ng liderato ng militanteng grupong Bayan Muna sabay panawagan sa Pangulo na ‘wag ibigay sa kanyang kaibigan at lumalabas na crony na si Dennis Uy ang pamamahala ng malawak na lupain sa Batangas na ginagamit ng Chevron Philippines bilang gas …
Read More »4-anyos bata, patay sa gulpi nanay, amain arestado
DINAKIP ng pulisya ang isang ina at kaniyang live-in partner matapos mapatay sa gulpi ng ginang ang sariling anak sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa ng gabi, 27 Enero. Sa ulat na ipinadala ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS) kay Bulacan police director P/Col. Emma Libunao, kinilala ang mga suspek na sina Claudine Valdez at Raymar Nugui, …
Read More »2 Chinese nat’l, pinoy todas sa tambang
DALAWANG Chinese nationals at isang Filipino ang namatay at dalawang menor de edad ang sugatan nang tambangan at pagbabarilin ng apat na ‘di kilalang armadong kalalakihan habang sakay sa isang kotse kahapon ng hapon sa lungsod ng Taguig. Kinilala ang mga biktima na sina Ninjie Zhang, 42 anyos, lalaki, residente sa Bagong Silang, Caloocan City, at isang alyas Kauyu, kapwa …
Read More »8-anyos totoy patay sa ligaw na bala (Target na kagawad sugatan)
PATULOY ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkamatay ng isang 8-anyos batang lalaki na tinamaan ng ligaw na bala sa pamamaril sa San Andres Bukid, Maynila. Ayon kay P/Cpt. Roel Purisima, hepe ng PCP Dagonoy, nakikipagkuwentohan sa harap ng barangay hall ang si Roberto Cudal, kagawad ng Brgy. 775, Zone 84 nang pagbabarilin ng riding in tandem. Naganap ang insidente sa …
Read More »Binatang depressed nagbigti sa billboard
DEPRESYON ang itinuturong dahil kung bakit uminom muna ng alak saka nagbigti ang 23-anyos na binata sa billboard sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga. Ang biktima ay kinilalang si Rey Erfe Seco, 23 anyos, binata, maintenance ng Mantego Ads, tubong Pangasinan at residente sa Katipunan Ave., Escopa 2, Quezon City. Sa imbestigasyon ni P/CMSgt. Elizalde Toledo, ng Criminal Investigation and Detection …
Read More »P1.8-M bato nasamsam sa 3 tulak
NASAKOTE ang tatlong tulak ng ilegal na droga makaraang masamsam ang mahigit sa P1.8 milyong halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Navotas Police chief P/Col. Rolando Balasabas ang mga naarestong suspek na si Marvin Perales, 25 anyos, ng Brgy. Daang Hari; Marvin Turla, 30 anyos, ng Brgy. San Jose, at Cresencio …
Read More »Kelot nahulog sa Munti mall nalasog tigok
HINIHINALANG nahulog ang 48-anyos lalaki mula sa mataas na bahagi ng isang mall sa Muntinlupa City, nitong Linggo ng gabi. Patay agad ang biktima na kinilalang si Pete Anthony Palma Ventura, residente sa Hermosa St., Barangay 200, Tondo, Maynila, dahil sa matinding pinsala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon sa ulat ng Muntinlupa city police, natagpuang duguan …
Read More »Binondo hospital, Munti negatibo sa coronavirus
NAGLABAS ng impormasyon ang Manila Public Information Office (Manila-PIO) kaugnay sa kumakalat na balita kaugnay sa Chinese national na naospital sa Metropolitan Hospital na umano’y may N19 coronavirus. Ayon sa Manila PIO, base sa isinagawang surveillance at imbestigasyon ng Manila Health Department (MHD) team at DOH surveillance kinilala ang Chinese na isang lalaki, 27 anyos, at dumating sa Filipinas bilang …
Read More »Pekeng balita kumakalat… Don’t panic sa Coronavirus — Garin
NANAWAGAN si dating Health Secretary, Rep. Janette Loreto-Garin na huwag maniwala sa mga pekeng mensahe patungkol sa 2019 novel Coronavirus. “Keep calm and don’t panic,” ani Garin. Ayon kay Garin hindi dapat mag-panic ang mga tao bagkus mag-ingat at gawin ang nararapat na precautionary measures. Aniya, kumakalat ang napakaraming mga mensahe sa social media na nagsasabing may Wuhan coronavirus sa …
Read More »Sa kamatayan ni Kobe Bryant… Palasyo nalumbay, nakiramay para kay Black Mamba
NAKIIISA ang Palasyo sa pagdadalamhati ng buong mundo sa pagpanaw kahapon ni basketball legend Kobe Bryant sa isang chopper crash sa California kahapon. Sa isang kalatas, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na si Bryant, 41 anyos, dating Los Angeles Lakers star, ay mahal na mahal ng kanyang Pinoy fans. “The Office of the President is saddened after learning about …
Read More »Sa flag-lowering ceremony… PH Embassy sa Kuwait napabalitang ‘isasara’
PINAYOHAN kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na hangga’t maaari ay huwag maniwala sa mga kumakalat sa social media na nagsasabing magsasara na ang Embahada ng Filipinas sa bansang Kuwait dahil ibinaba na ang bandila ng Filipinas sa labas nito. Ipinaliwanag ng Embahada ng Filipinas sa Kuwait, tulad ng ginagawang flag-raising ceremony tuwing Linggo ng umaga, may …
Read More »