Monday , September 9 2024

Operasyon ng public transport sa MECQ walang pagbabago

WALANG pagbabagong ipatutupad sa restrik­siyon ng public transport capacity at operations ngayong modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) kung ano ang public transport modes na available noong General Community Quarantine (GCQ) ganoon pa rin ang ipatutupad ngayong MECQ.

Samantala, gaya ng enhanced community quarantine (ECQ,) tanging authorized persons outside residence (APOR) lamang ang papayagang sumakay sa mga pampublikong sasakyan.

Ipinag-utos ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa Land Transportation Regulatory Board (LTFRB) na tiyakin ang pagbubukas ng karagdagang ruta ng pampasaherong jeepney sa Metro Manila.

Simula 13 Abril, 60 ruta ng traditional public utility jeepney ang bubuksan ng LTFRB sa NCR.

Magbubukas ng karagdagang ruta ng provincial buses, alin­sunod sa requirements at guidelines ng concerned local government units (LGUs).

Bubuksan ng LTFRB sa 15 Abril, ang 190 ruta ng provincial public utility bus.

Magpapatuloy uma­no ang free ride for healthworkers and medical frontliners program sa buong bansa, gayondin ang free ride for APORs gamit ang mga jeepney at bus na nag-o-operate sa ilalim ng service contracting program.

Iniutos rin ng Kalihim sa lahat ng transportation sectors na siguraduhin ang mahigpit na pagpapatupad ng health and safety protocols sa lahat ng uri ng pam­publikong transpor­tasyon. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Philippines to Hong Kong HK, Plane Flight Path

70 plus Chinese nationals ipinatapon pabalik sa China

MAHIGIT 70 Chinese nationals mula sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs ang ipina-deport ng …

Lito Lapid Sarangani

Sa Sarangani
1,000 PAMILYANG KAPOS INAYUDAHAN NG DSWD

NASA 1,000 pamilyang mahihirap na residente sa Alabel, Sarangani ang binigyan ng ayuda ng Department …

Lito Lapid TODA

1,000 TODA members tumanggap ng relief packs at ayudang pinansiyal mula sa DSWD at kay Senator Lapid

NASA 1,000 tricycle drivers ang nabigyan ng family food packs mula sa Department of Social …

Raffy Tulfo

DAVAO SUR EX-MAYOR NAIS PAIMBESTIGAHAN NI SEN. TULFO SA DILG  
1,200 Chinese nationals may Filipino birth certificates

PINAIIMBESTIGAHAN at pinasasampahan ni Senator Raffy Tulfo sa Department of the Interior and Local Government …

Liza Maza Sara Duterte Salvador Panelo

VP SARA PUWEDENG MA-IMPEACH — MAZA
Sagot ni Panelo: Basehan malabo

INAMIN ni dating Gabriela Party-list representative at co-chairperson ng Makabayan Coalition Liza Maza na pinag-aaralan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *