Saturday , September 14 2024
gun shot

QCPD cop nagresponde sa holdap binoga kritikal (Sa CSJDM Bulacan)

INATASAN ni PRO3 Director P/BGen. Vale­riano de Leon si  Bulacan Provincial Director P/Col. Lawrence Cajipe upang magsagawa ng mala­limang imbestigasyon sa insidente ng pamamaril, biktima ang isang miyem­bro ng  Quezon City Police District noong Sabado, 10 Abril 10, sa lungsod ng San Jose Del Monte, lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si P/SSgt. Jonathan Rellores, 42 anyos, may asawa, miyembro ng PNP at kasalukuyang nakatalaga sa QCPD Station 3.

Nabatid na binabagtas ng biktima ang Quirino Highway habang sakay ng kanyang motorsiklo patungo sa direksiyon ng lungsod ng Caloocan nang parahin siya ng isang concerned citizen at iniulat ang isa umanong insidente ng holdap.

Itinuro ang isang hindi kilalang lalaki  na kaswal na naglalakad sa nasabing kalsada bilang salarin.

Agad nilapitan ni P/SSgt. Rellores ang suspek at nang kanyang kompron­tahin ay bigla na lamang bumunot ng baril at pinaputukan ang pulis na tinamaan sa kaliwang bahagi ng tiyan.

Pagkatapos nito, tuma­kas ang suspek patu­ngo sa direksiyon ng Brgy. Tungkong Mangga sakay ng motorsiklo samantala si Rellores ay nagawang isugod ang sarili sa Commonwealth Hospital and Medical Center sakay ng kanyang motorsiklo.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Ka-Palawan Awards para sa mga OFW

Palawan Group Naglulunsad ng Global Ka-Palawan Awards para sa mga OFW

Ikinararangal Ang Palawan Group of Companies, ang nangungunang pawnshop at money remittance company sa bansa, …

arrest, posas, fingerprints

SLI arestado sa buybust ops

Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang apat na indibiduwal sa ikinasang buybust operation ng …

Ang Awit ng Dalagang Marmol Jocelynang Baliwag

“Ang Awit ng Dalagang Marmol” inilahad ‘di pa nasasabing katotohanan tungkol sa ‘Jocelynang Baliwag’

LUNGSOD NG MALOLOS – Hinamon ang estado ng awiting “Jocelynang Baliwag” bilang Kundiman ng Himagsikan …

DoLE

DOLE kompleto na sa ‘profiling’ ng 27,000 Filipino POGO workers

NATAPOS at nakompleto na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang profiling sa halos …

Arrest Posas Handcuff

800 plus pamilya nawalan ng tahanan
SUSPEK SA SUNOG SA TALABA-ZAPOTE III ARESTADO NA

NAARESTO ng Bacoor police ang isa sa dalawang suspek na responsable sa pagkasunog ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *