Wednesday , September 11 2024

FDA nagbabala sa publliko laban sa palsipikadong bakuna

PINAG-IINGAT ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko at medical health professionals sa isang palsipikadong bakuna laban sa coronavirus disease (CoVid-19) na nala­mang ginagamit sa Mexico at posibleng ilegal na makapasok sa bansa.

Ayon sa FDA Advisory No. 2021-0681, binalaan ang publiko  laban sa pag­gamit ng “BNT16b2” na itinuring na palsipikado ng World Health Organization (WHO) kamakailan matapos madiskubreng mali at hindi totoo ang nakalagay sa label ng gamot.

Nakasaad sa label na CoVid-19 Vaccine BNT16b2, may expiration date na August 24 ( walang year kung kailan ang expiration); manufacturer na Pfizer BIONTECH; at Packaging language sa English.

Base sa FDA, kinompirma kamakailan WHO na ang bakuna ay hindi produkto ng Pfizer at palsipikado rin ang batch at expiry date ng nasabing bakuna na itinuturok sa Mexico, hindi sakop ng authorized vaccination programs.

“The FDA strongly advises the public to be vigilant on the circulation of this falsified CoVid-19 vaccine since this poses a serious risk to global public health and further increases the burden on vulnerable populations and health systems. A falsified vaccine deliberately or fraudulently misrepresents identity, composition, or cource, and upon confirmation with the genuine manufacturer. It was confirmed that this vaccine was not manufactured by them, batch number and expiry date were falsified,” ayon sa FDA.

Sa pahayag ng FDA, ang authentic CoVid-19 vaccine BNT12b2 ay bakuna laban sa CoVid-19 sa mga indibidwal na may edad 16 anyos pataas.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Arrest Posas Handcuff

Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya

ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …

SSS Cellphone

SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official

ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *