HINDI nakaligtas sa sunog ang isang 80-anyos doktor at kaniyang 71-anyos kasambahay nang bigong makalabas sa nasusunog na bahay sa Samabag I, sa lungsod ng Cebu, noong Linggo ng gabi, 4 Oktubre. Kinilala ang mga biktimang sina Dr. Glenda Mayol-Neri, 80 anyos, at kaniyang kasambahay na si Francisca Formentera, 71 anyos. Ayon kay FO2 Fulbert Navarro ng Cebu …
Read More »Wanted sa Aklan timbog sa Bulacan
ARESTADO ang isang ‘most wanted person’ dahil sa kasong rape, sa pagpapatuloy ng anti-crime drive ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang noong Linggo, 4 Oktubre. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang nadakip na suspek na si John Lee Villegas, kabilang sa Top 10 Most Wanted Person sa lalawigan ng Aklan. Hindi …
Read More »Biñan council secretary, doktor todas sa ambush
PATAY ang kalihim ng Biñan City Council sa lalawigan ng Laguna, na si Edward “Edu” Alonte Reyes, at ang kasamang doktor, nang tambangan at pagbabarilin noong Linggo ng gabi, 4 Oktubre, sa Barangay San Antonio, sa bayan ng Biñan. Miyembro si Reyes ng kilalang angkan ng mga politiko sa nasabing lungsod, at pinsan ni Biñan Rep. Marlyn Alonte. …
Read More »P4-B sa Bayanihan 2 mas nakatulong sa titsers kung ibinili ng laptop
NANINIWALA si Senator Sherwin Gatchalian na mas malaking tulong kung ang nailaan na P4 bilyon sa Bayanihan 2 para sa pagkakasa ng ‘new normal education’ ay ipambili ng mga laptop para sa mga guro. Aniya, marami pang guro ang walang laptop at hindi naman sila kayang bigyan ng mga lokal na pamahalaan. Katuwiran ng senador, malaking tulong sa …
Read More »Sakripisyo ng titsers kinilala (Sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day)
SA PAGGUNITA ng World Teacher’s Day kahapon kasabay ng pagsisimula ng mga klase, pinapurihan ni Senators Joel Villanueva at Leila de Lima ang mga guro. Sa kanyang mensahe, kinilala ni Villanueva ang patuloy na pagsasakrispyo ng mga guro sa pagkakasa ng new normal education. Ani Villanueva, sumabay na rin ang mga guro sa agos ng pagbabago at hindi na sila …
Read More »2021 nat’l budget ‘ikinakamada’ ng 25 kongresista (Sa bilang na 304 House reps)
NANAWAGAN si Buhay Party-list Rep. Jose “Lito” Atienza kay House Speaker Alan Peter Cayetano na payagang dumalo sa plenaryo ang mga kongresista upang makasama sa mga importanteng pagdinig lalo sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon. Desmayado si Atienza sa nangyayari sa Kamara na 25 kongresista lamang ang pinapayagang makadalo at halos lahat dito ay mga kaalyado ni …
Read More »Suporta pabor kay Cayetano (Sa isyu ng speakership)
ANIM na kongresista pa ang nadagdag sa mga naniniwalang si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano ang dapat na mamuno sa kanila habang nasa gitna ng budget deliberation ang kamara. Sa kabuuang bilang, lomobo sa 190 ang mga kongresista na sumusuporta sa pamunuan ni Cayetano sa gitna ng pagpupumilit ng kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na ipatupad ang …
Read More »Big time pusher, 2 pa timbog sa Pampanga (Nagpasaklolo sa among parak)
HALOS mabali ang leeg ng isang high value target na pusher sa pagpapaliwanag at iginigiit na tawagan ang kaniyang among pulis nang maaresto kasama ang kapwa mga tulak sa ikinasang buy bust operation ng anti-narcotics operatives ng Pampanga drug enforcement unit noong Sabado ng gabi, 3 Oktubre, sa San Antonio, bayan ng Guagua, lalawigan ng Pampanga. Ayon kay P/Col. Andres …
Read More »63-anyos pari natagpuang patay sa banyo ng kombento (Sa Ormoc City)
NATAGPUANG wala nang buhay ang isang matandang pari sa loob ng banyo ng kaniyang silid sa isang kombento sa lungsod ng Ormoc, sa lalawigan ng Leyte, noong Biyernes ng hapon, 2 Oktubre. Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng paring kinilalang si Fr. Rafael Pepito, 63 anyos. Ayon kay P/Maj. Reynaldo Honrado, hepe ng …
Read More »Senadora nagpugay sa titsers
SA UNANG araw ng klase, nais ni Senadora Risa Hontiveros na magpugay sa ating mga guro sa patuloy nilang pagpapanday sa kinabukasan ng ating bansa sa gitna ng matinding pagsubok at pagbabago bunsod ng epekto ng CoVid-19. Kasabay ng pahayag ng Senadora ang pagkilala sa ating teachers ang masigasig na panawagang bigyan sila ng sapat na suporta para maisagawa nang …
Read More »DepEd Budget pinamamadali sa Kongreso
TIWALA ang Palasyo sa kakayahan ng Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan ngayon at tiniyak sa mga magulang at mga estudyante na nakahanda ang kagawaran na gampanan ang kanilang obligasyon sa panahon ng pandemya. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaaring hindi perpekto ang sistema at may mga isyung lulutang sa paglipat sa flexible …
Read More »Ordinaryong ‘nanay’ sa IATF-EID kailangan
HINIMOK ni Senador Imee Marcos ang pamahalaan na seryosong ikonsidera ang pagtatalaga ng isang ‘nanay’ na ordinaryong maybahay sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) o magtayo ng special committee na pamumunuan niya para suriin ang epekto ng CoVid-19 sa mga kababaihan. “Ang bagong paraan ng ‘blended education’ ay kapwa matinding hamon sa mga sistema sa eskuwelahan at …
Read More »Andanar, deadma sa korupsiyon sa IBC-13
ni ROSE NOVENARIO BIGO ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang korupsiyon sa kanyang administrasyon dahil nasa tungki lang ng kanyang ilong ang mga nagaganap na anomalya sa Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) pero binabalewala ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar. Ang pagbatikos sa anti-corruption campaign, kay Andanar at sa management ng IBC-13, isa sa attached …
Read More »Tirador ng gadgets todas sa parak 3 kasabwat tiklo
PATAY ang isang magnanakaw sa bayan ng Obando, sa lalawigan ng Bulacan matapos manlaban at makipagbarilan sa mga alagad ng batas habang nadakip ang tatlo niyang kasabwat sa mainit na pagtugis na umabot hanggang Barangay Pantoc, sa lungsod ng Meycauayan, noong Biyernes ng hapon, 2 Oktubre. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, …
Read More »65-anyos ina arestado sa P4-M shabu
AABOT sa P4 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa isang 65-anyos ina at sa kanyang anak na lalaki sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan City police chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na sina Taya Sulong, 65 anyos; at anak na si Abdul Sulong, 33 anyos, …
Read More »PISI, DTI sanib puwersa vs substandard rebars (Mga kompanyang lumabag tinututukan)
MAS paiigtingin ng Philippine Iron and Steel Institute (PISI) ang kampanya laban sa substandard at unmarked reinforced steel bars matapos matuklasang may panibagong batch ng rebars ang nagkalat mula sa mga kahina-hinalang manufacturer. Agad ipinagbigay-alam ni PISI vice president for technical affairs Joel Ronquillo sa Department of Trade and Industry (DTI) na ang substandard rebars ay iniulat na mula umano …
Read More »Tax perks pabor sa Bulacan airport ipinababawi
NANAWAGAN ang isang infrastructure-oriented thinktank sa Senado na bawiin ang tax perks na ipinagkaloob ng House of Representatives sa San Miguel Aerocity, Inc. Nakatakdang talakayin sa Senado sa susunod na linggo ang franchise bill ng naturang airport ngayong linggo. Sinabi ni Infrawatch PH convenor at dating Kabataan partylist Rep. Terry Ridon, sa panahon ng pandemya na kailangan ng gobyerno ang …
Read More »Impluwensiya ni Cayetano, bawas na — Atienza
NABAWASAN na ang lakas at impluwensiya ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa 304-member ng legislative chamber para patuloy na hadlangan ang term-sharing agreement na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, naharap si Cayetano sa isang mahirap na sitwasyon matapos maglunsad ng loyalty check na humantong sa pagtanggal kay 1PACMAN Rep. Mikee Romero bilang …
Read More »Malanding bata, umamin na
AAMININ din naman pala ng malanding batang babaeng iyan ang kanyang kalandian, bakit nga ba pinatagal pa niya? Kung noong una pa ay inamin na niya ang lahat, hindi na sana nagkaroon pa ng kung ano-anong controversy sa kanyang buhay. Ang lahat naman ng controversy ay nagsimula lamang sa kanyang kalandian. Hindi na sila natuto. Katakot-takot na denial pa ang kanilang …
Read More »DITO CELL TOWER SA MILITARY CAMPS ‘TULAY’ NG CHINESE HACKING, ESPIONAGE – CPS CHAIR
MARIING inihayag ni Citizens for Philippine Sovereignty (CPS) chair Neri Colmenares na magiging marupok o vulnerable ang puwersa militar ng bansa sa hacking at espionage ng China dahil sa memoramdum of agreement na nagbibigay daan sa Dito Telecommunity na magtayo ng cellular towers sa loob ng mga kampo ng pulisya at sandatahang lakas ng Filipinas. Ang Dito, 40 porsiyentong pag-aari …
Read More »Political arrests ‘walang tigil’ (Sa kabila ng pandemya)
MALABONG iutos ng Palasyo ang pagpapatigil sa political arrests kahit sa panahon ng pandemya. Kailangan itigil ang paglaban sa gobyerno ng mga aktibista para mahinto ang political arrests sa bansa, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. Tugon ito ni Roque sa panawagan ng grupo ng political prisoners na itigil na ng pamahalaan ang pagpapakulong sa quarantine violators at magbaba ng …
Read More »Distancia amigo? Liderato sa Kamara ‘tapos’ na
PINANINIWALAANG resolbado na ang isyu ng liderato sa kamara kasunod ng pagdistansiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu. Ang pagdistansiya ng Pangulo sa nasabing isyu, kahit si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay sinabing kaalyado ng pamilya Duterte, ngunit hindi napaboran sa usapin ng term-sharing nito kay Rep. Alan Peter Cayetano, ay pinaniniwalaang ‘respeto’ sa pagbasura ng mga mambabatas sa …
Read More »1,792 OFs darating pa
TINATAYANG 1,792 Overseas Filipinos (OFs) ang panibagong batch dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon. Ang 350 Pinoy repatriates mula United Arab Emirates (UAE) via Philippine Airlines flight PR659 ay dumating dakong 8:55 am. Sumunod ang 350 Pinoy repatriates mula Jeddah sakay ng Saudia Airlines flight SV862 na darating 1:40 pm. Inaasahan ang 320 Pinoy repatriates mula Dubai sakay …
Read More »4 drug suspects timbog sa P.8-M shabu at baril
HULI ang apat na miyembro ng isang sindikato ng droga, na nakuhaan ng mahigit sa P.8 milyong halaga ng shabu at isang baril sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga na-arestong suspek na sina Reynaldo Mabbun, 47 anyos, Michelle Concep-cion, 42 anyos, kapwa residente sa San Diego St., Barangay Canumay West; Oliver Edoria, 38 anyos, ng P. Santiago …
Read More »Killer ng online seller huli na
ARESTADO na ng mga awtoridad ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang online seller noong Lunes ng gabi sa Malabon City. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Fernand Rafael, may mga alyas na Kevin Rafael at Balat, 26 anyos, helper sa Malabon Fish Port na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Sub-Station 5 at …
Read More »