Sunday , November 24 2024

News

Tulong at rehab sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad tiniyak na mapapabilis ng PRRD admin – Cayetano

SINIGURO ni Taguig-Pateros First District Rep. Alan Peter Cayetano noong Biyernes sa mga residente at pinuno ng mga lokal na pamahalaan ng Batangas at Laguna na ang administrasyong Duterte ay nagsisikap sa abot ng kanilang makakaya upang pabilisin ang pagpapaabot ng tulong at rehabilitasyon sa mga lugar na naapektohan ng bagyong Ulysses noong nakaraang buwan. Hinikayat ni Cayetano ang mga …

Read More »

PH internet speed bumilis kahit may kalamidad sa gitna ng lockdown — Ookla

BUMILIS na ang internet signal sa gitna ng nararanasang pandemya. Batay sa Nobymebre 2020 ulat ng Ookla, global leader sa  mobile at broadband network intelligence, testing applications, at technology, para sa  fixed broadband, ang bansa ay may average download speed na 28.69 Mbps,  262.71% increase mula sa  download speed na 7.91 Mbps na naitala noong Hulyo 2016. Sa mobile network …

Read More »

Sa 98 CoVid-19 cases… DOH tikom-bibig sa health protocol violations ng Kamara (Cover up inangalan ng mga empleyado)

WALANG naging aksiyon ang Department of Health (DOH) sa naitalang 98 confirmed CoVid-19 cases sa House of Representatives gayondin sa naiulat na paglabag sa quarantine protocol ng matataas na opisyal nito sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco at Deputy Speaker Mikee Romero. Kinompirma ni Quezon City Health Department -Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) Director Dr. Rolly Cruz na …

Read More »

P5-M droga nasabat sa Manda, Pasig 4 pusher timbog

shabu drug arrest

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang 78 gramo ng droga na tinatayang nagkakahalaga ng P530,000 mula sa apat na hinihinalang mga tulak sa isinagawang buy bust operation ng Mandaluyong PNP, nitong Sabado ng gabi, 5 Disyembre. Sa ulat na tinanggap ni Eastern Police District Director P/BGen. Matthew Baccay, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Ernan Madridano, 39 anyos; Jun Sioson, …

Read More »

Pulis na sinibak sa serbisyo arestado sa kotong

TIMBOG ang isang pulis na sinibak sa serbisyo habang nangongotong sa mga delivery truck ng isda sa isinagawang entrapment operation sa loob ng Navotas Fish Port Complex (NFPC) sa Navotas City, kama­kalawa ng gabi. Nakasuot pa ng police field service uniform (FEU)  ang suspek na kinilalang si Don De Quiroz Osias II, 39 anyos, residente sa Rodriguez Subdivision, Dampalit, Malabon …

Read More »

Lockdown fake news — Palasyo

ni ROSE NOVENARIO FAKE news ang lockdown mula 23 Disyembre 2020 hanggang 3 Enero 2021, na kumakalat sa text messages at viber groups na ipatutupad ng gobyerno nationwide. Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon para tuldukan ang pangam­ba ng mga mama­mayan sa natang­gap na text message na nagsaad ng pekeng balita na mararanasan muli ng buong bansa ang …

Read More »

14 katao namatay sa CoVid-19 (Sa Bulacan)

Covid-19 dead

NAKAPAGTALA ang lalawigan ng Bulacan ng panibagong 14 kataong binawian ng buhay dahil sa CoVid-19. Sa datos mula sa Provincial Health Office hanggang nitong Biyernes, 4 Disyembre, ipinakita na 15 ang bagong kaso ng CoVid-19 sa lalawigan, na nagdala sa kabuuan ng kompir­madong kaso ng Bulacan na 9,312, nasa 544 ang aktibong kaso, samantala ang mga nakarekober ay nasa 8,432. …

Read More »

Most wanted sa CL timbog sa pulis-Bulacan

arrest posas

NADAKIP ng mga awtoridad ang itinuturing na no. 5 most wanted person ng Region 3 sa lalawigan ng Nueva Ecija nitong Sabado ng umaga, 5 Disyembre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si Ruiz Gutierrez, 32 anyos, residente sa Barangay Obrero, lungsod ng Cabanatuan, sa naturang lalawigan. Isinilbi ang warrant of …

Read More »

‘Batman’ dedbol sa buy bust (‘Di na nakalipad)

PATAY ang isang ‘tulak’ matapos pumalag at makipagbarilan sa pulisya sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng madaling araw, 5 Disyembre. Sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan PNP, kinilala ang napaslang na suspek sa alyas na ‘Batman.’ Sa ipinadalang ulat ng San Ildefonso …

Read More »

Pagbabalik ng ABS-CBN tiyak na sa liderato ni Velasco (Sa 2021)

ABS-CBN congress kamara

KINOMPIRMA mismo ni Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na magbubukas muli sa 2021 ang ope­rasyon ng TV giant ABS-CBN bilang resulta ng pagpapalit ng liderato sa House of Representatives. Ayon kay Atienza, sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco ay ma­ibabalik muli sa floor ang diskusyon sa pagpa­palawig ng prankisa ng ABS-CBN. “I am …

Read More »

Bakuna ‘wag gamiting ‘deodorizer’ (Kamara binalaan)

NAGBABALA kahapon ang isang medical group kay House Speaker Lord Allan Velasco na huwag gamitin ang bakuna laban sa CoVid-19 para ‘bumango’ ang pangalan. Ang pahayag ay ginawa ng grupong Medical Action Group (MAG) matapos ni House Secretary General Mark Llandro “Dong” Mendo­za na prayoridad ni Velasco na mapa­bakunahan ang may 8,000 miyembro at kawani ng Mababang Kapulungan kapag available …

Read More »

Hamon ni Bong Go kina Galvez at Duque: Unang magpaturok ng bakuna vs CoVid-19

HINAMON ni Senator Christopher “Bong” Go sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Presidential Adviser Carlito Galvez na unang magpaturok ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (CoVid-19) sa sandaling maging available na ito sa publiko. Ito ay upang mapawi aniya ang pangamba ng mga mamamayan hinggil sa kaligtasan ng naturang bakuna at mabuo ang …

Read More »

‘Singit’ na bilyong infra budget ilaan sa CoVid vaccine cold storage facility — Health group

NANAWAGAN ang isang health group sa House of Representatives na ilaan sa pagpapatayo ng cold storage facilities para sa bibilhing CoVid-19 vaccines ang bilyong infrastructure funds na isiningit sa 2021 national budget para paboran ang piling kongresista nang maupo bilang House Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Ayon kay Medical Action Group (MAG) chairperson, Dr. Nemuel Fajutagana, dapat bawasan …

Read More »

Big time pusher tiklo sa buybust P3.4-M shabu kompiskado

TIMBOG sa entrapment operation ang suspek na kinilalang si Jayson Crisostomo, 27 anyos, residente sa lungsod ng Navotas, sa buy bust operation na ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA 3, PDEA 4-A, at PDEA 1 sa kahabaan ng McArthur Highway, Balibago, sa lungsod ng Angeles, sa lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles ng gabi, 2 Disyembre. Ayon kay PDEA Director …

Read More »

Parak itinumba sa Toledo, Cebu

dead gun

BUMAGSAK nang walang buhay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Barangay Dumlog, lungsod ng Toledo, lalawigan ng Cebu, pasado 9:00 am kahapon, 3 Disyembre. Kinilala ang biktimang si P/SSgt. Gerfil Geolina, 44 anyos, nakatalaga sa bayan ng Asturias, sa nabanggit na lalawigan. Nabatid na nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo nang tambangan at pagbabarilin ng dalawang lalaking …

Read More »

Pusakal na drug pusher todas sa shootout (Most wanted sa SJDM, Bulacan)

dead gun police

NAPATAY sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad ang isang notoryus na drug pusher na napag-alamang kabilang sa ‘most wanted persons’ sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng umaga, 2 Disyembre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, ang napatay na suspek na si Nestor Sumido, Jr., alyas Tong, 33 …

Read More »

Nangyari kay Nasino ayaw maulit ng Palasyo

AYAW nang maulit ng Palasyo ang pagkamatay ng sanggol na anak ng detenidong aktibista kaya hiniling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na alagaan ang isang buwang gulang na sanggol na anak ng arestadong umano’y New People’s Army (NPA) finance officer. Dinakip ng mga pulis kamakailan si Amanda Socorro Echanis, 32 anyos, kasama ang isang-buwang gulang na sanggol …

Read More »

Los Baños vice mayor binoga sa munsipyo

PATAY ang alkalde ng bayan ng Los Baños, sa lalawigan ng Laguna matapos barilin sa loob ng munisipyo ng nabanggit na bayan kagabi, 3 Disyembre. Ayon sa mga nakasaksi sa munisipyo, binaril si Mayor Cesar Perez, dating nagsilbi bilang bise gobernador ng Laguna, dakong 9:00 pm. Agarang dinala si Perez sa HealthServ Medical Center, sa naturang bayan upang malapatan ng …

Read More »

The game is killing — Duterte (Sa human rights groups)

“THE game is killing.” Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatuloy ang patayan kaugnay sa isinusulong niyang drug war at wala siyang pakialam sa adbokasiya ng human rights groups na pahalagahan ang buhay ng mga tao. “Human rights, you are preoccupied with the lives of the criminals and drug pushers. As mayor and as president, I have to protect every man, …

Read More »

Sa vaccination plan… SPEAKER VELASCO SINABIHANG SUMUNOD (Gov’t funds, sariling interes ‘wag unahin)

“SUMUNOD sa vaccination plan ang Kamara” Ito ang paalala ni Preventive Education and Health Reform Advocate Dr. Anthony Leachon kay House Speaker Lord Allan Velasco bilang reaksiyon sa naging pahayag na priority ang mass vaccination para sa 8,000 mambabatas at kawani ng House of Representatives sa oras na maging available na ang bakuna laban sa CoVid-19. Ayon Leachon, bago pa …

Read More »

12 sabungero nalambat sa Pampanga at Nueva Ecija (Sa kampanya kontra iIlegal gambling)

ARESTADO sa inilunsad na “Operation Hammer” ang 12 sabungero sa magkahiwalay na raid sa mga lalawigan ng Pampanga at Nueva Ecija sa pinaigting na kampanya kontra ilegal na sugal ng PRO3-PNP sa pamumuno ni P/BGen. Valeriano “Val” de Leon kamakalawa, 1 Disyembre. Sa Pampanga, nasakote ang pitong sabungero at nakompiska ang ilang kahong naglalaman ng mga Texas na panabong maging …

Read More »

Bagong panganak na aktibistang misis, sanggol, inaresto ng Cagayan PNP (Anak ng pinaslang na Anakpawis chairman)

arrest prison

DINAKIP ng mga awtoridad, kasama ang isang-buwang gulang na sanggol, si Amanda Lacaba Echanis, nitong madaling araw ng Miyerkoles, 2 Disyembre, sa bayan ng Baggao, lalawigan ng Cagayan. Si Amanda ay sinabing, anak ng pinaslang na aktibistang si Randall “Randy” Echanis. Bago mapaslang, nagsilbing chairman ng Anakpawis ang nakatatandang Echanis. Sa pahayag ng Anakpawis, sinabing inaresto si Amanda dahil sa …

Read More »

Online swindler natiklo sa entrapment (Sa Bulacan)

arrest posas

NASUKOL ng pulisya nitong Martes, 1 Disyembre, ang isang babaeng gumagamit ng maraming account sa social media upang makapanloko matapos ireklamo ng isa niyang biktima sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, kinilala ang suspek na si Demsey Natividad, residente sa Kalsadang Munti, Barangay Catmon, sa naturang bayan. …

Read More »

2 patay, 2 muling nagposotibo sa Covid-19 (Sa Malabon)

Covid-19 dead

PATAY ang dalawang pasyenteng may CoVid-19 sa Malabon City sa unang araw ng Disyembre, at dalawa rin ang muling nagpositibo sa nasabing sakit. Ayon sa City Health Department, tig-isa ang namatay sa Barangay Panghulo at Potrero, at sa nasabi rin dalawang barangay nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga gumaling dahil muling nagpositibo sa CoVid-19 ang mga pasyente. Mula 220 …

Read More »