Thursday , June 1 2023

Sa ‘Landbank theft’
SANLINGGO ULTIMATUM NG TEACHERS SA DEPED

012622 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO            

ISANG linggo ang ibinigay na ultimatum ng mga guro sa Department of Education (DepEd) para aksiyonan ang reklamo nilang pagnanakaw sa kanilang payroll account sa Land Bank of the Philippines (LBP).

Inihayag ito ni Benjo Basas, national chairperson ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa panayam ng HATAW D’yaryo ng Bayan kagabi.

Aniya, obligasyon ng DepEd na tulungan ang mga gurong biktima ng bank theft dahil kasama sa mandato ng kagawaran ay bigyan proteksiyon ang kapakanan ng mga guro.

Kailangan aniyang ang DepEd bilang ahensiya ng gobyerno ang makipag-ugnayan sa LBP na isa rin government agency upang solusyonan ang naganap na pagnanakaw sa payroll account ng mga guro.

Sa kasalukuyan aniya ay nakapaghain na ng pormal na reklamo sa DepEd ang inisyal na 20 gurong biktima ng bank theft na ang halaga ay umabot sa halos isang milyong piso.

Giit ni Basas, hindi katanggap-tanggap ang pahayag  ng LBP na ang mga guro na ang nawalan o nabiktima ay sila pa ang sinisisi lalo na’t inilipat sa account ng ibang tao ang kanilang pera at tukoy naman ng banko ang may-ari nito.

Nanindigan kahapon ang LBP na wala silang pananagutan sa pagkawala ng mga pera sa payroll account ng mga guro dahil ito’y hindi insidente ng ‘hacking’ kundi ‘phishing.’

Ayon sa isang information technology (IT) expert, isang convenient excuse para sa mga inirereklamong kompanya kapag sinabing ‘phishing’ ang naganap na cybercrime kompara sa ‘hacking.’

“Sa phishing, kinukuha ang personal information sa pamamagitan ng pag log-in sa mga fake website kaya’t lalabas na kasalanan ito ng customer/user. Samantala sa cybercrime na hacking ay gumagamit ng tools para makopya ang sensitive data sa mga database o system. Kapag hacking, may pananagutan ang kompanya o ahensiya ng gobyerno dahil napasok ang kanilang system,” sabi ng IT expert.

Binigyang diin ni Basas, hihilingin din nila sa DepEd na maghain ng reklamo sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa mga guro.

Umaasa ang TDC na maibabalik ng LBP sa mga guro ang pinaghirapan nilang pera tulad ng nangyaring pagsasauli ng BDO sa kanilang mga depositor na nabiktima ng “Mark Nagoyo hacking” noong Disyembre 2021.

Matatandaan, ilang araw lamang matapos pumutok ang balita hinggil sa malawakang hacking sa BDO depositors ay nagbuo agad  ng task force ang BSP upang mag-imbestiga sa tulong ng BDO at  Unionbank, legal at cybersecurity experts, gayondin ang anti-money laundering experts.

            “Kung kayang gawin ito ng BSP para sa depositors ng pribadong banko, mas lalo silang dapat umaksiyon para sa mga nabiktimang guro ng isang government bank,” ani Basas.

About Rose Novenario

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …