Thursday , March 30 2023

BBM DISQUALIFIED
Yes vote ni Guanzon ayaw bilangin ng Comelec

012822 Hataw Frontpage

NANINIWALA si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na may mahiwagang kamay na kumukumpas kaya sinasadya ng First Division poll body na hintayin ang kanyang pagbaba sa puwesto sa susunod na linggo  para hindi mabilang ang kanyang boto na idiskalipika ang anak ng diktador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“I voted to DQ (disqualify),” ani Guanzon sa panayam ng ABS-CBN.

Pinaboran ni Guanzon ang tatlong petisyon laban kay Marcos dahil naniniwala siya na nahatulan ang anak ng diktador sa isang crime involving moral turpitude, isa sa mga batayan sa disqualification alinsunod sa Omnibus Election Code.

Sa panayam sa News 5 kagabi, ibinunyag ni Guanzon na malinaw na lumabag si Marcos, Jr., sa tax code mula 1982 hanggang 1985 at ito ay crime involving moral turpitude na basehan para siya ay idiskalipika bilang presidential candidate.

Ani Guanzon, mismong abogado ni Marcos, Jr., ay inamin na hindi nagbayad ng multa sa regional trial court ang anak ng diktador.

“It’s moral turpitude na he did not file for four years in that filing of income tax return , he did not pay taxes. He was convicted in court and he was made to pay a fine tapos admitted by his lawyer that he did not pay the fine in the regional trial court,” sabi niya.

Aniya, noon pa sanang 17 Enero 2022 nakatakdang ihayag ang pasya sa DQ case ni Marcos.

Isa si Guanzon sa tatlong miyembro ng First Division ng poll body na magdedesisyon sa consolidated petition  laban sa anak ng diktador kaugnay sa 1995 tax evasion case conviction.

Kabilang sa First Division sina Commissioners Aimee Ferolino at Marlon Casquejo.

Ang mga petisyon ay magkakahiwalay na inihain ng martial law survivors sa pangunguna ni Bonifacio Ilagan, Akbayan party-list, at Abubakar Mangelen.

Ani Guanzon, si Ferolino ang ponente o ang commissioner na itinalagang mag-akda ng desisyon.

“The ponente, who has the duty to write the resolution, 16 days na hindi pa niya inilalabas, e may agreement naman kami na Jan. 17 ilabas,” paliwanag ni Guanzon.

“Ibig sabihin may political interference kasi obvious ba hindi na siya sumasagot sa telepono niya, ayaw na niya talaga sumagot,” ani Guanzon.

Sa isang kalatas, pinuri ng Akbayan ang pahayag ni Guanzon.

“Comm. Guanzon’s vote also gives us hope that there are more voices inside the Comelec that do not believe in, or at the very least, doubt the electoral qualification of Bongbong,”  anang grupo. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …