Saturday , April 1 2023

Duterte, ‘maritess’ na pangulo — netizens

BUKOD sa tawag na lameduck, tinaguriang ‘Marites’ o taong mahilig sa tsismis si outgoing President Rodrigo Duterte ng netizens.

Sa kanyang Talk to the People address ay nagpakawala na naman ng ‘blind item’ si Duterte kaugnay sa mga umaasintang maging kapalit niya sa Palasyo.

Mayroon aniyang isang most corrupt presidential bet na kanyang tutukuyin sa mga susunod na araw.

“Kung sino iyong pinaka-corrupt na kandidato. Hindi ako namumulitika. I am talking to you as your president. There are things you must know,” dagdag niya.

“Akala ng mga tao, malinis [pero] ‘yung mga nag- transact ng business sa kanya, pati mga Chinese, masyadong corrupt raw,” ani Duterte

Mayroon din aniyang lasenggong kandidato na nagwawala kapag nalasing at may isa pa na kapos sa karanasan para maging pangulo ng bansa.

Imbes manabik sa magiging pasabog ng pangulo, nainis ang ilang netizens sa kanya dahil tila tsismis na lang ang gusto niyang pagkaabalahan sa panahon ng pandemya at limang buwan na lang na pananatili sa Palasyo.

Ginagawang pulutan umano ng Pangulo ang ilang presidentiables sa kanyang regular public address gayong wala nga siyang presidential bet para sa 2022 presidential elections, mga campaign promises na hindi natupad, tambak ang mga isyung nabisto sa kanyang administrasyon gaya ng libo-libong nasawi sa kanyang drug war at bilyon-bilyong pisong korupsiyon.

Matatandaan, noong  Agosto 2021, kinutya nang husto ni Duterte ang isang lokal na opisyal sa Metro Manila na may sexy pictures na nais maging president.

Hindi man kinilala ang alkalde, sa mga kasunod na public address, ang konklusyon ng publiko ay si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Noong Nobyembre 2021, isiniwalat ng pangulo, cocaine user at tumitira sa yate o pribadong eroplano ang isang presidential bet kaya hindi nahuhuli ng mga awtoridad.

Hindi rin tinukoy ang cocaine user na presidential bet ngunit marami ang nagsabing ang anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang pinasaringan.

Mistulang nagsawa na ang netizens sa mga paandar ni Duterte sa nakalipas na mahigit limang taon kaya’t kumupas na ang bilib sa kanya.

“Sabi niya dati sa panahon ng kanyang administrasyon ay igigiit niya sa China ang arbitral ruling sa West Philippine Sea. Matatapos na ang termino niya sa Hunyo 2022 pero bahag pa rin ang kanyang buntot sa Beijing,” anang isang netizen. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Nagawang baklasin ng mga ahente ng Philippine Enforcement Agency Region III (PDEA-3) ang isang makeshift …

gun dead

     Brgy. kagawad patay sa pamamaril ng nakamotorsiklong gunman

Patay ang isang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng nakamotorsiklong salarin sa lansangan ng Brgy. …

shabu

Mahigit PHP 1.5-M halaga ng shabu nakumpiska sa Bataan

Inihayag ni Central Luzon Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr na ang Bataan police …

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …