abs cbn

 ABS-CBN pinaghati-hatian na

I-FLEX
ni Jun Nardo

PINAGHATIAN na ang iba pang broadcast frequencies na hawak dati ng ABS-CBN.

Unang iginawad ng National Telecommunications Commssion (NTC)  sa Advanced Media Brodcasting System ni former Senator Manny Villar ang frequencies ng Channel 2 at DZMM.

Sa isang report nitong nakaraang mga araw,  napunta ang frequency ng Studio 23 sa Aliw Broadcasting System.  Ibinigay naman sa Sunshine Media Network, Inc na pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy ang Channel 43 . Ito ang nagpapatakbo ng digital channel ng Channel 2.

May basbas ng Department of Justice at Office of the Executive Secretary ang hakbang ng NTC.