Saturday , January 11 2025

News

Bike for Press Freedom, ikinasa ng QC journalists

NAGDAOS ng “Bike for Press Freedom” ang ilang grupo ng mga mamama­hayag sa Quezon City, nitong Linggo. Tinatayang nasa higit isang dosenang journalists at press freedom advocates mula sa AlterMidya, International Association of Women in Radio and Television-Philippines chapter, at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang sumama. Nagbisikleta mula sa University of the Philippines (UP) Diliman, patungong …

Read More »

Roque ‘pipi’ kay Parlade

ni ROSE NOVENARIO KUNG ‘manigas kayo’ ang tugon ni dating human rights advocate at Presidential Spokesman Harry Roque sa mga kritiko ng administrasyon, mistulang dila naman niya ang ‘nanigas’ at napipi pagdating sa isyu ng walang habas na red-tagging ni Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., sa isang mamamahayag kaugnay sa Anti-Terror Act (ATA). Ipinauubaya ni Roque …

Read More »

Janssen ng Johnson & Johnson mas may benepisyo kaysa ibang bakuna

MANILA — Sa pagkokon­sidera ng mga bentaha sa pagpapabakuna ng single-dose Covid-19 vaccine na gawa ng American pharmaceutical company Johnson & Johnson, idineklara ng Department of Health (DoH) na ang nasabing bakuna ay mas mayroong benepisyo para sa Filipinas dahil ang pagbibigay nito ay “operationally simple” kung ihahambing sa mga bakunang inaalok ng ibang drug makers, kabilang ang Sinovac ng China at …

Read More »

DILG, walang planong buwagin 1992 security agreement sa UP

INIHAYAG ng isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na wala pa silang plano sa ngayon na buwagin ang kanilang nilagdaang 1992 security agreement sa University of the Philippines (UP), na nagbabawal sa mga pulis na mag-operate sa loob ng campus grounds nang walang paunang paabiso. Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang nais …

Read More »

Price ceiling ‘di solusyon sapat na suplay kailangan

money Price Hike

BINIGYANG-LINAW  ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na hindi sapat ang ipapa­tupad na price ceiling kung wala naman sapat na suplay ng karne ng baboy at manok sa buong bansa. Ayon kay Pangilinan kahit anong price ceiling ang ipalabas ng pamahalan kung walang sapat na suplay ng isang produkto ay nawawalan din ito ng saysay. Iginiit ni Pangilinan, ang mahalaga ay …

Read More »

4 Caloocan employees kinasuhan ng cyber libel

cyber libel Computer Posas Court

SINAMPAHAN ng kaso ni Caloocan City 2nd district representative Edgar “Egay” Erice ng kasong cyber libel ang apat na kawani ng pamahalaang lungsod matapos gumawa ng social media meme gamit ang pekeng quote mula sa mambabatas. Paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Law ang isinampa ni Erice sa Quezon City Prosecutors’ Office laban kina Marilou Santos Concon, Yvette Mari …

Read More »

P10K cash-aid isinulong ni Cayetano at aliados

PINANGUNAHAN ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano at kanyang asawang si Taguig Rep. Lani Cayetano ang paghahain ng House Bill 8597, Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program, na naglalayong mamahagi ng dagdag na ayuda sa mga pamilyang apektado ng pandemyang CoVid-19. Iminumungkahi nitong mabigyan ang bawat pamilya ng P1,500 o P10,000, alinman ang mas mataas depende sa bilang ng …

Read More »

Pananakot ni Parlade sa lady journo kinondena (Journalism is not terrorism)

HATAW News Team MARIING kinondena ng iba’t ibang grupo ang pagbabanta ni Lt. General Antonio Parlade sa isang lady journalist na isinulat ang balita kaugnay sa oral arguments sa kontrobersiyal na Anti-Terror Act (ATA) sa Korte Suprema. Nagbanta si Parlade, na gagamitin ang ATA laban kay inquirer.net reporter Tech Torres-Tupas ay nagbigay katu­wiran sa mga argumento na ang batas ay …

Read More »

2 Aeta na tinortyur at pinakain ng ebak ng militar sumali sa petisyon vs Anti-Terror Law

DALAWANG Aeta sa Zambales, buena mano na sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Terror Act ang humiling sa Korte Suprema na sumali sa petisyon upang maibasura ang kontrobersiyal na batas. Sina Japer Gurung at Junior Ramos ay nakapiit mula pa noong nakalipas na Agosto nang akusahan ng military na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na bumaril sa grupo ng …

Read More »

Face-to-face campaign delikado (Sa 2022 polls)

ni ROSE NOVENARIO PABOR si vaccine czar at CoVid-19 policy chief implementer Carlito Galvez, Jr., na ipagbawal ang face-to-face campaign para sa halalan 2022 national elections dahil delikadong kumalat ang coronavirus disease (CoVid-19). Sinabi ni Galvez na malaking hamon at mapanganib ang personal na pangangampanya ng mga kandidato na mangangahulugan ng close contact sa mara­ming tao na maaaring maging sanhi …

Read More »

Notoryus na tulak 4 timbog sa drug den (Nasa drugs watchlist ng PDEA 3 at PRO3)

NASUKOL ang limang drug suspects sa ginawang paglusob ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang lead unit, Nueva Ecija Police Provincial Police Office, at Cabanatuan Station Drug Enforcement Unit sa minamantinang drug den ng mga suspek sa Villa  Benita Subd., Concepcion, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Lunes ng umaga, 1 Pebrero. Arestado ng …

Read More »

Police ops pinaigting sa Bulacan 8 law offenders swak sa hoyo

ARESTADO ang walo kataong pawang lumabag sa batas sa serye ng police operations sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes, 2 Pebrero. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang unang apat na suspek sa manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng San Jose Del Monte, Malolos, at Santa Maria police stations katuwang ang Bulacan …

Read More »

Tulak dedbol, 12 arestado, sa PRO3 manhunt ops

PATAY ang isang hinihinalang tulak habang 12 ang nadakip ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na police operations noong nakaraang Biyernes, 29 Enero, sa lalawigan ng Nueva Ecija. Base sa ulat ni P/Col. Marvin Joe Saro, direktor ng Nueva Ecija Provincial Police Office, kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon, kinilala ang napatay na si alyas Ipe, residente sa lungsod ng …

Read More »

Batilyo timbog sa shabu

shabu drug arrest

SA KULUNGAN bumagsak ng isang binatang batilyo makaraang mahulihan ng shabu ng mga tauhan ng Maritime Police sa Navotas City, kahapon ng hapon. Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Maj. Rommel Sobrido ang suspek na si Florence Reyes, 30 anyos, resi­den­te sa Block 1 Market 3 Navotas Fish Port Complex (NFPC) Brgy. North Bay Boulevard North ng …

Read More »

Sundalong off-duty todas sa sariling baril

dead gun

PATAY ang isang sundalong off-duty na aksidenteng nabaril ang sarili habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa bayan ng Tukuran, lalawigan ng Zamboanga del Sur, nitong Linggo, 31 Enero. Kinilala ni P/Capt. Jubain Grar, hepe ng Tukuran police, ang biktimang si Army Staff Sergeant Neil Gonzales, na ayon sa mga nakasaksi ay aksidenteng nakalabit ang kanyang kalibre .45 baril habang …

Read More »

Pasay City kasado sa bakuna

Pasay City CoVid-19 vaccine

TINIYAK ng Pasay city government na nakahanda sila para magsagawa ng malawakang pagbabakuna sa kanilang lungsod sa sandaling dumating ang mga bakuna laban sa CoVid-19 na binili mula sa AstraZeneca. Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano noong Setyembre pa ng nakaraang taon ay naglaan na sila ng pondo para ipambili ng bakuna sakaling maging availablesa merkado. Una nang lumagda …

Read More »

Galvez kumontra sa anti-EU rant ng Pangulo

WALANG epekto sa Filipinas ang export control na ipinatutupad ng European Union (EU) sa CoVid-19 vaccine na gawa sa mga bansa sa Europa, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr. Sinabi ni Galvez na makukuha pa rin ng Filipinas ang 17 milyong doses ng bakuna mula sa British drugmaker AstraZeneca dahil manggagaling ito sa kanilang planta sa Thailand. “Wala po …

Read More »

Mag-asawang call center agents todas sa pamamaril

gun shot

PATAY ang mag-asawang call center agents nang pagbabarilin ng nag-iisang suspek sakay ng motorsiklo sa Brgy. Maharlika, Taguig City. Kinilala ni Taguig City police chief P/Col. Celso Rodriguez ang mag-asawang biktima na sina Marcelo Tomas, 54, at ang asawa nitong si Zener Tomas, 41, ng Block 142 Lot 3 San Diego St., Brgy. Central Bicutan Taguig  City. Base sa inisyal …

Read More »

Filipino community sa UAE nagluluksa para sa kapwa expat (PH embassy nangako ng hustisya sa OFW)

NAGLULUKSA ang higit isang milyong Filipino sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa pagkamatay ng isang Pinay na receptionist na naiulat na nawawala noon pang Marso 2020 at natagpuan ang kanyang labi noong isang buwan. Bumaha sa social media ang mga panawa­gan ng hustisya, mga mensahe ng simpatya at pakikiramay para sa mga kaanak ni Mary Anne Daynolo, receptionist sa …

Read More »

Go nangako ng tulong sa pamilya ng OFW

TINIYAK ni Senator Christopher Bong Go na tutulungan niya ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Ann Daynolo na natagpuang patay sa Abu Dhabi matapos mabalitang missing sa loob ng 10 buwan. Ayon kay Go, gagawin niya ang lahat para matulungan ang pamilya na makamit ang hustisya dahil ayaw niyang may kababayan na inaapi o pinapatay sa ibang …

Read More »

Palasyo pabor sa panunupil at militarisasyon ng gobyerno (Kaya deadma sa Myanmar crisis)

IPINAGKIBIT-BALI­KAT ng Malacañang ang akusasyon ni Albay Rep. Edcel Lagman na kaya patay-malisya sa krisis sa Myanmar ay dahil kompirmasyon ito na pabor sa militarisasyon ang gobyerno at implementasyon ng mga mapanupil na patakaran gaya ng Anti-Terrorism Act of 2020, patuloy na red tagging at pagkansela sa 1989 UP-DND Accord. Para kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi dapat pansinin ang …

Read More »

Duterte kay Magalong: “Huwag mo kami iwan”

PAPANHIK ng Baguio City si vaccine czar at CoVid-19 policy chief implementer Carlito Galvez, Jr., upang ‘ligawan’ si Baguio City Mayor Benjamin Magalong para bumalik bilang contact tracing czar. Ang pahayag ni Galvez ay ginawa matapos kompirmahin ni Presidential Spokesman Harry Roque na siyento porsiyento siyang sigurado na gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili bilang contact tracing czar kahit …

Read More »

Celebrity makeup artist, 3 pa nangisay sa ‘iniskor’ na ‘unknown substance’

ITINAKBO sa ospital ang isang celebrity makeup artist, at tatlong kasama na pawang bisita sa isang condominium unit matapos mangisay nang gumamit ng hindi pa batid na uri ng ‘substance’ sa gitna ng kanilang inuman sa Taguig City, iniulat nitong Martes. Isinugod sa Medical Center ang mga biktimang sina Mark Anthony Casumpang, 29, binata, call center agent, ng Sambalez Alley, …

Read More »