Saturday , May 28 2022
dead gun police

Sa Samar
SK KAGAWAD DEDO SA BOGA

PATAY ang isang konsehal ng Sangguniang Kabataan (SK) sa lungsod ng Calbayog, lalawigan ng Samar, matapos barilin ng hindi kilalang suspek dakong 4:00 am, nitong Martes, 8 Pebrero.

Kinilala ang biktimang si Gerald Casaljay, 25 anyos, residente sa P-6 Brgy. Migara sa nabanggit na lungsod, tinamaan ng bala ng baril sa kaniyang kaliwang dibdib at kanang pisngi.

Samantala, nagawang makatakas mula sa kapahamakan ang kaniyang kasamang si Brandel Yrigon.

Base sa unang ulat mula sa Calbayog CPS, pauwi ang biktima matapos dumalo sa isang pista sa Brgy. Osmeña nang lapitan at barilin ng nag-iisang suspek na ayon sa mga nakasaksi ay nakasuot ng jacket na may hood.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang kaniyang motibo sa likod ng pamamaslang.

About hataw tabloid

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …