Friday , May 27 2022
road accident

Sa Atok, Benguet
TRUCK TINAMBANGAN, DRIVER TODAS SA BALA

BINAWIAN ng buhay ang isang truck driver nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek sa bayan ng Atok, lalawigan ng Benguet, nitong Martes ng umaga, 8 Pebrero.

Kinilala ang biktimang si Crisanto Kiblasen, 27 anyos, residente sa Brgy. Sadsadan, bayan ng Bauko, Mountain Province.

Ayon sa pulisya, bumibiyahe sina Kiblasen at kaniyang dalawang kasama sa national road sa kahabaan ng Km. 8 sa Brgy. Caliking nang harangin sila ng isang Toyota Innova at puwersahang pinatigil.

Bumaba ang tatlong armadong lalaki mula sa sasakyan saka inutusan ang mga pasahero ng truck na umalis saka binaril si Kiblasen.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa likod ng pananambang at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …