Saturday , January 11 2025

News

Senado nagpugay kay ex-Sen Siga (Sumasakay ng jeepney para makadalo sa sesyon)

NAGPUGAY ang senado sa lahat ng mga ginawa at iniambag ni dating Senador Victor S. Siga hindi lamang sa larangan ng paggawa ng mahahalagang batas na naging malaking ambag sa bayan bilang isang simpleng public servant. Mismong si Senate Minority Leader Franklin Drilon ay ibinunyag na sumasakay ng jeep ang senador kasama si Senate Deputy Secretary for Legislation Atty. Edwin …

Read More »

Frontliners priority mabakunahan sa Caloocan City

NASA 336,446 katao sa Caloocan City ang kabilang sa Priority Eligible Group A o target na unang maba­kunahan sa lungsod, ayon kay Mayor Oscar “Oca” Malapitan. Una sa listahan ang health workers sa health centers, pampubliko at pribadong ospital, contact tracers, barangay health workers, senior citizens, indigent population, at uniformed personnel. Ayon kay Mayor Oca, ang nasa Priority Group A …

Read More »

PH kulelat sa CoVid-19 response (Sa buong mundo)

philippines Corona Virus Covid-19

KULELAT ang Filipinas sa pagtugon sa coronavirus disease (CoVid-19) sa buong mundo. Ayon sa Ibon Foundation, isang non-stock, non profit development organization, batay sa Lowly Institute ay nasa ika-79 ang Filipinas sa 89 bansa sa buong mundo sa pagtugon sa CoVid-19 pandemic. Ang iba pang bansa sa Asya na mas mababa ay Bangladesh (84th), Indonesia (85th), at India (86th). Ang …

Read More »

P13-T utang ng PH sa pandemya, barya lang

IWAS-PUSOY ang Palasyo kung paano mababayaran ng bansa ang inutang na P13 trilyon para sa CoVid-19 pandemic lalo na’t ilang buwan na lang ang nala­labi sa admi­nistrasyong Duterte. Hindi direktang sinagot ni Presidential Spokesman Harry Roque ang tanong kung paano mababayaran ang P13-T utang ng bansa bagkus ay sinabi niyang maliit lang ito kompara sa utang ng ibang bansa. “In …

Read More »

Alyado ni Erice wanted sa tax evasion

HATAW News Team PINAGHAHANAP ngayon si Konsehal Alexander Mangasar ng Caloocan City matapos lumabas ang warrant of arrest na inisyu ng Caloocan RTC Branch 126 para sa kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Department of Justice (DOJ). Si Mangasar ay may pagkakautang sa BIR na nagkakahalaga ng kabuuang P8,385,754.94, na nahahati sa P6,969,750.82 …

Read More »

Pinamalayan gov’t compound nasunog P10-M tayang pinsala (Sa Mindoro)

NAG-IWAN ng pinsala sa mga impraestrukturang tinatayang nagkakahalaga ng P10 milyon ang sunog na tumupok sa government compound ng bayan ng Pinamalayan, sa lalawigan ng Oriental Mindoro nitong Martes ng umaga, 9 Pebrero. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nag­simula ang sunog dakong 2:30 am sa tanggapan ng municipal treasurer sa lumang dalawang-palapag na gusali. Inilinaw ni Senior Fire …

Read More »

Kelot pumalag sa checkpoint patay sa shootout (Sa SJDM City)

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang isang hindi kilalang lalaki matapos manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagmamando ng checkpoint sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng madaling araw, 8 Pebrero. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Fitz Macariola, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 3, dakong 4:00 am kamakalawa, habang ang mga elemento …

Read More »

Soltero kulong sa shabu

shabu drug arrest

KALABOSO ang 45-anyos soltero matapos makuhaan ng P34,000 halaga ng shabu sa buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si Manuelito Lopez, alyas Willy, ng Suha St., Kabesang Imo St., Brgy. Balangkas, ng nasabing lungsod. Sa ulat, dakong 11:00 pm nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station …

Read More »

12 sugarol tiklo sa NE

NADAKIP ang 12 sugarol kabilang ang walong sabungero sa magkahiwalay na pagsalakay nitong Linggo, 7 Pebrero, sa lungsod ng Gapan at Science City of Muñoz, sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, naaktohan ng mga operatiba ng Gapan city police station ang walong sabungero sa tupada na kinilalang sina Jefferson Velasco, financier; Joselito Catacutan, Rolando …

Read More »

Mass gathering sa Chinese New Year bawal sa Caloocan

Caloocan City

IPINAGBABAWAL ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang kahit anong uri ng mass gathering sa lungsod sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Biyernes, 12 Pebrero. Sa inilabas na Executive Order 006-21, nakasaad na bawal ang street party, stage shows, parada, palaro, dragon dance at iba pang aktibidad na maaaring pagmulan ng mass gathering. Ani Malapitan, pinir­mahan niya ang …

Read More »

DOTr, LTO ‘tameme’ sa Senado

‘NATAMEME’ ang mga kinatawan ng Depart­ment of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) nang gisahin sila sa Senado dahil sa palpak na pagpapatupad ng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) at pagpapatupad ng batas para sa safety child seats sa mga sasakyan. Nabigong makom­binsi ng DOTr at maging ni LTO chief, Assistant Secretary Edgar Galvante ang mga senador kung …

Read More »

Banta sa ABS-CBN vendetta sa panahon ng pandemya (Kahit may bagong franchise walang operasyon — Duterte)

ni ROSE NOVENARIO BINATIKOS ng iba’t ibang grupo ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pahihintulutan ang National Telecommunications Commission (NTC) na isyuhan ng permit to operate ang ABS-CBN kahit bigyan ng prankisa ng Kongreso. “Congress is planning to restore the franchise of the Lopez. I do not have a problem if you restore it. But if you …

Read More »

Pasay city mayor positibo sa CoVid-19

NAGSAGAWA kahapon ng contact tracing ang Infectious Disease Team ng City Health Office ng Pasay City sa mga nakasalamuha ni Pasay City Mayor Emie Calixto-Rubiano matapos magpositibo ang alkalde sa CoVid-19. Sa contact tracing, kabilang ang Public Information Office (PIO) ng lungsod dahil madalas nakasasalamuha sa tanggapan ni Mayor Rubiano. Ganoon din ang lahat ng tauhan ng PIO ay isasailalim …

Read More »

2 arestado sa tupada

Sabong manok

SWAK sa kulungan ang dalawang sabungero makaraang abutan sa maaksiyong habulan nang maaktohang nagtutupada sa Malabon City, kamaka­lawa ng hapon. Kinilala ang mga nahuling nagtutupada na sina Jigger Roque, 28 anyos, isang vendor, residente sa Mallari St., Brgy. San Agustin; at si Leo Amoroto, 30 anyos , fish porter ng Block 30 Lot 24 Phase 1B Brgy. North Bay Boulevard …

Read More »

Vaccine passports dapat libre sa lahat

BINIGYAN-DIIN ni Senator Grace Poe na dapat ay libre lamang para sa lahat ng mama­mayan ang proposed vaccine passports. “Talagang dapat libre ito. Sa batas namin libre ito,” wika ni Poe. Isinasaad sa Section 10 ng panukalang batas na iniakda ni Poe na: “Vaccine Passport Act” (S. No. 1994) states no fees shall be collected for the issuance, amendment, or …

Read More »

Para sa kapayapaan? Amnesty commission binuo ni Duterte

Duterte CPP-NPA-NDF

DESIDIDO ang administrasyon na hikayatin ang mga rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan kaya’t isang komisyon ang binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte para iproseso ang aplikasyon ng mga armadong nagnanais ng ‘bagong normal’ na pamumuhay. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang isang executive order na nagtatag ng National Amnesty Commission na bubuuin ng pitong miyembro mula …

Read More »

LPG depektibo, kulang sa timbang kalat sa merkado (Poe sa DOE: Solusyonan mataas na presyo)

NANAWAGAN si Senator Grace Poe sa pamunuan ng Department of Energy (DOE) na kagyat na gumawa ng aksiyon laban sa mga tiwaling negosyante na nagbebenta ng ‘pekeng’ liquefied petroleum gas (LPG) na kalimitan ay maliliit na mamimili ang nabibiktima. Ayon kay Poe, naglipana sa merkado ang mga depektibong tangke ng LPG at walang pakialam ang mga negosyante kung anong kapahamakan …

Read More »

ICTSI union leader itinumba ng tandem (4-anyos nene sugatan)

dead gun police

ISANG lider ng unyon ng mga manggagawa sa pantalan ang pinag­babaril, na kanyang ikinamatay, habang sugatan ang 4-anyos pamangking babae, sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng gabi, 7 Pebrero. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leonardo “Ka Esca” Escala, presidente ng unyon ng mga mangga­gawa  sa Manila port operator International Container Terminal Services Incorporated (ICTSI). Sa inisyal na ulat …

Read More »

Duterte sa Customs: Covid-19 vaccine ‘wag pakialaman

ni ROSE NOVENARIO INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Customs (BoC) na huwag pakialaman o buksan ang mga kargamentong naglalaman ng coronavirus disease (CoVid-19) vaccine na darating sa paliparan. Masyadong sensitibo o delikado ang mga bakuna kaya hindi maaaring hawakan o tanggalin sa freezer na kinalalagyan nito. Inatasan din ng Punong Ehekutibo ang Philippine National Police (PNP) na …

Read More »

8 tulak, 4 wanted persons timbog sa Bulacan PNP

Arestado ang walong hinihinalang mga tulak ng ipinagbabawal na gamot at apat na nagtatago sa batas sa drug bust at manhunt operations na isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon ng umaga, 8 Pebrero. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ikinasa ang serye ng anti-illegal drug operations ng mga tauhan ng Station …

Read More »

Opisyal ng PRO Duterte group timbog sa 3.9 kilo ng damo

Duterte Marijuana tsongki

ISANG pinaniniwalaang auditor ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) ang nadakip nitong Biyernes, 5 Pebrero, dahil sa pagbibiyahe ng halos kalahating milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa lungsod ng Tabuk, sa lalawigan ng Kalinga. Naharang ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Ronnel Tacata, 38 anyos, sa isang quarantine control checkpoint sa Brgy. Bantay …

Read More »

Top 1 most wanted sa NPD, nasakote

arrest prison

NADAKIP ng pulisya ang top 1 most wanted person ng Northern Police District (NPD) makalipas ang higit dalawang taon pagtatago dahil sa kasong murder sa Caloocan City. Sa report ni District Special Operation Unit (DSOU) head P/Lt. Col. Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) P/BGen. Nelson Bondoc, kinilala ang naarestong suspek na si Benjamin Servano, 42 anyos. Dakong 12:30 …

Read More »

8 tulak, huli sa P.2-M shabu

shabu drug arrest

WALO katao na pawang hinihinalang drug personalities kabilang ang isang ginang ang dinakip matapos makompiskahan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Batay sa ulat  ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) P/SSgt. Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 2:30 am …

Read More »

May diabetes at sakit sa puso, 3rd priority sa COVID-19 vaccine

KOMPIYANSA ang Palasyo na walang doktor na magpapa­bayad o magpapagamit upang mameke ng medical certificate para palabasin na may comorbidity o may sakit ang kanyang pasyente para mapasama sa prayoridad na tuturu­kan ng CoVid-19 vaccine. Ang mga taong may comorbidity ay may karamdamam tulad ng diabetes at sakit sa puso na nasa ikatlong grupong prayoridad na babakunahan kontra CoVid-19 base …

Read More »