Saturday , January 11 2025

News

‘Red tide’ kumulay sa dagat ng Ozamiz

red tide

NANGAMBA ang mga residenteng naninirahan sa baybayin ng mga barangay ng Triunfo at San Roque, sa lungsod ng Ozamiz, lalawigan ng Misamis Occidental, nang makita nilang nagkulay pula ang dagat sa kanilang lugar nitong Linggo ng hapon, 21 Pebrero. Nagmistulang kulay dugo ang bahagi ng dagat, at ang kulay ay hindi pa rin nawawala hanggang araw ng Lunes, 22 Pebrero. …

Read More »

Miyembro ng ‘criminal gun-for-hire gang’ todas sa enkuwentro

dead gun police

NAPASLANG ang isang hinihinalang miyembro ng isang talamak na criminal gun-for-hire gang nang kumasa at makipagbarilan sa mga awtoridad na magsisilbi ng search warrant sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng umaga, 21 Pebrero. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang napatay na suspek na si  Gilbert …

Read More »

7 timbog sa boga at pot session sa Pasig City

drugs pot session arrest

ARESTADO ang pito kataong huli sa aktong abala sa pot session matapos inguso ng kanilang kasamahan na hinabol ng mga awtoridad dahil sa baril na nakasukbit sa baywang at tumakbo papasok ng bahay, nitong Linggo ng madaling araw, 21 Pebrero, sa lungsod  Pasig. Kinilala ang mga nadakip na sina Ronel Collo, alyas Kalbo, 23 anyos; Arnel Octa, 24 anyos; Orlie …

Read More »

‘Aleng Pulis’ nawawala sa Cagayan

PINAGHAHANAP ng kaniyang mga kabaro ang isang babaeng pulis na nakatalaga sa bayan ng Lasam, lalawigan ng Cagayan, na naiulat na nawawala simula noong Huwebes, 18 Pebrero. Kinilala ang nawawalang kagawad ng pulisya na si P/MSgt. Jovelyn Camangeg, 40 anyos, residente sa Centro 2, ng naturang bayan. Ayon kay P/Lt. Col. Amdree Abella, tagapagsalita ng Police Regional Office 2, iniulat …

Read More »

Pakinggan eksperto sa agham at medisina ‘di politiko — Romulo (Sa pagbabalik ng face to face classes)

teacher

HINDI politiko kung hindi mga eksperto sa agham at medisina ang dapat pakinggan sa pagbabalik ng “face to face classes” ayon kay Pasig City Congressman Roman Romulo. Kasabay nito ang pagpapabuo ng kongresista na Chairman ng House Committee on Basic Education and Culture (HCBEC) sa Department of Education (DepEd) ng grupo ng mga dalubhasa na siyang mag-aaral at magpapasya sa …

Read More »

1,000 manok ninakaw sa poultry farm sa Pangasinan

HINDI bababa sa 1,000 manok na tinatayang nagkakahalaga ng P500,000 ang ninakaw mula sa poultry farm sa Brgy. La Paz, sa bayan ng Villasis, lalawigan ng Pangasinan, nitong Linggo, 21 Pebrero. Itinuturing na ‘persons of interest’ ang limang dating empleyado ng manukan sa kaso ng pagnanakaw. Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office information officer P/Maj. Arturo Melchor II, ipinaalam ng …

Read More »

PRO3 infra projects ipinangako ni Villar

MATAAS ang moral ng mga kagawad ng PRO3-PNP sa pamumuno ni P/BGen. Valeriano de Leon sa ipinapaabot ni Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa pama­magitan ng kanyang kinatawang si Senior Undersecretary For Regional Operations in Luzon, Rafael Yabut sa kanyang pagbisita bilang panauhing pan­dangal at tagapagsalita sa Monday flag raising ceremony nitong Lunes, 22 Pebrero, sa Camp …

Read More »

Kelot timbog sa granada at boga (Dumayo sa Taguig)

arrest prison

HINDI akalain ng 29-anyos lalaki na dumayo sa Taguig City na mabubukong may dala siyang granada at baril nang sitahin dahil walang suot na facemask habang nakatayo sa tabi ng scooter kamakalawa. Walang nagawa ang suspek nang hulihin ng mga tauhan ng Station Intelligence Section ng Taguig City Police Station, na kinilalang si Rex Pereda, ng St. Francis St., Oranbo …

Read More »

3 kelot kulong sa shabu at baril (Sa Caloocan)

TATLONG lalaki ang kalaboso matapos na makuhaan ng shabu at baril sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ang mga suspek na sina Orlando Topacio, 40 anyos, residente sa Tondo, Maynila, at John Michael Cangas, 18 anyos, ng DM Cmpd., Brgy. 73 ng nasabing lungsod  makaraang makompiskahan ng apat na plastic sachets na naglalaman ng nasa 3.05 …

Read More »

MGCQ mapanganib — Marcos

Metro Manila NCR

“A shotgun  declaration of MGCQ is dangerous.” Tahasang sinabi ito ni Senadora Imee Marcos kasunod ng balaking magdeklara ng Modified Genaral Community Quarantine (MGCQ) sa Metro Manila sa layuning tuluyan nang makaahon ang ating ekonomiya. Binigyang-linaw ni Marcos na hindi siya tutol sa pagbangon ng ekonomiya at dagdag na trabaho para sa ating mga kababayan ngunit dapat din umanong isaalang-alang …

Read More »

Bakuna tiniyak ni Bong Go (Magtiwala sa pamahalaan)

NANAWAGAN si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa publiko at sa lahat na magtiwala sa pamahalaan dahil prayoridad nito ang pagbili ng bakuna laban sa CoVid-19. Mayroong lang umanong requirements o rekesitos na dapat na undin ang ating pamahalaan para pagbilhan tayo ng vaccine manufacturers. Ayon kay Go, chairman ng Senate committee on health, hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa …

Read More »

CoVid-19 vaccine ng Sinovac, bawal sa health workers at senior citizens

HINDI puwedeng iturok ang bakuna kontra CoVid-19 na gawa ng Sinovac sa health workers at senior citizens kahit ginawaran ito ng emergency use authorization (EUA), ayon sa Food and Drug Administration (FDA). “The vaccines shall be administered only by vaccination providers, and used only to prevent CoVid-19 in clinically health individuals aged 18-59 years,” sabi ni FDA chief ERic Domingo. …

Read More »

Napikon sa inoman nanaksak ng katagay

knife saksak

BUMAGSAK sa piitan ang 49-anyos construction worker matapos saksakin ang kainuman nang mapikon sa tuksuhan, sa Barangay Sucat, Muntinlupa City, kamakalawa. Patuloy na inoobserbahan sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Jaime Murillo, 42 anyos, ng South Daanghari, Taguig City habang nakapiit sa Sucat Police Sub-Station ang suspek na si Marcelo Gwanon, ng Avocado St,. Purok 6, Tramo Heights, Brgy. …

Read More »

15% LGUs advance payment sa CoVid-19 vaccines ikinatuwa ng DILG

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge (OIC) at Undersecretary Bernardo C. Florece, Jr. ,na isang welcome development ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng memorandum order (MO) na nagpapahin­tulot sa local government units (LGUs) na magbigay ng advance payments na lampas sa 15% para sa pagbili ng CoVid-19 vaccines, ngunit kaila­ngang awtorisado ng National Task …

Read More »

Hontiveros sa NBI: Travel agencies na sangkot sa bagong ‘pastillas’ scheme tukuyin

INUTUSAN ni Senator Risa Hontiveros ang National Bureau of Investigation (NBI) na tukuyin ang mga travel agency na hinihinalang sangkot sa bagong ‘pastillas’ scheme sa Bureau of Immigration (BI) na nagpapahintulot makapasok nang walang kahirap-hirap ang mga Chinese nationals sa bansa kapalit ng pera. Ani Hontiveros, matagal nang kasabwat ang mga travel agency sa korupsiyon sa BI sa pagpapahintulot ng …

Read More »

Inirekomendang MGCQ sa bansa tinabla ni Duterte

ni ROSE NOVENARIO TABLADO kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ni Socio Economic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na isailalim ang buong bansa sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) upang mabuhay ang ekonomiya. Nagbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa gabinete na hindi niya idedeklara ang MGCQ sa buong Filipinas habang wala pang bakuna kontra CoVid-19. “President Rodrigo Roa …

Read More »

Reklamo vs Dito pinaiimbestigahan sa kongreso

HINILING ng isang kongresista na miyembro ng tinaguriang “Balik saTamang Serbisyo bloc” ang pag-iimbestiga sa dumaraming reklamo laban sa Dito Telecommunity Corp. Ayon kay dating Deputy Speaker at Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, hindi maaaring magpikit-mata ang Kamara sa umano’y hindi matapos-tapos na sumbong at akusasyong paglabag sa batas, kasama na ang paglabag sa karapatan ng ilang homeowners’ association …

Read More »

Pulis patay, 4 sugatan sa Isabela (4 sasakyan nagkarambola)

road traffic accident

NAMATAY ang isang pulis, habang sugatan ang apat niyang kasamahan nang sumabog ang gulong ng sinasakyan nilang police mobile at ararohin ang tatlong iba pang sasakyan sa Brgy. Sinsayon, lungsod ng Santiago, lalawigan ng Isabela, nitong Sabado ng hapon, 20 Pebrero. Kinilala ang namatay na biktimang si Patrolman Archelle Duldulao na tumilapon mula sa kanilang sasakyan at nasagasaan ng paparating …

Read More »

Tandag river umapaw kabahayan binaha (Sa Surigao del Sur)

flood baha

SA GITNA ng pananalasa ng bagyong Auring, umapaw ang Tandag River na umaagos sa kahabaan ng lungsod, sa lalawigan ng Surigao del Sur, na naging sanhi ng matinding pagbahang nagpalubog sa daan-daang kabahayan nitong Linggo ng madaling araw hanggang hapon, 21 Pebrero. Umabot sa taas na hanggang leeg ng tao ang baha sa mabababang lugar dahilan upang magsilikas ang mga …

Read More »

7 wanted persons, 3 ‘sugarol’ kalaboso

ARESTADO ang pito kataong pinaghahanap ng batas at tatlong sugarol sa magkakahiwalay na manhunt at anti-illegal gambling operations ng pulisya sa Bulacan hanggang kahapon, 21 Pebrero. Batay sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang pitong wanted persons sa manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng municipal at city police stations ng Hagonoy, …

Read More »

Bulacan basketball vloggers iimbestigahan (Sa paglabag sa health protocols)

PAIIMBESTIGAHAN ang isang grupo ng basketball vloggers dahil sa paglalaro at pagdayo sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan sa kabila ng suspensiyon ng contact sports habang may pandemyang dulot ng CoVid-19. Napag-alamang may lumabas na video ang grupong Mavs Phenomenal Basketball, isang grupo ng basketball vloggers, na naglaro ng three-on-three game sa isang half court sa bayan ng …

Read More »

Alyas Bulog nakipagratratan timbuwang (Pumalag sa search warrant)

dead gun police

NAPATAY ang isang lalaking may kinakaharap na kaso nang manlaban habang sinisilbihan ng search warrant ng pulisya sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 20 Pebrero. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Leandro Gutierrez, acting chief of police ng Marilao Municipal Police Station (MPS), kinilala ang napatay na suspek na si Enrico Cuare, alyas Bulog, residente sa Brgy. …

Read More »

Premyadong sharpshooter timbog sa baril at bala (PRO3 PNP vs loose firearms)

gun ban

NALAMBAT sa police operations ang isang premyadong sharpshooter sa pag-iingat ng bultong iba’t ibang mga bala at baril sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad nitong Huwebes, 18 Pebrero, sa kanyang tahanan sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga sa pinaiigting na kampanya kontra loose firearms ng PRO3-PNP. Ayon kay P/BGen. Valeriano de Leon, isinilbi ang search warrant (SW) ng mga …

Read More »

Obispo nanawagan sa mga botante na kaliskisan ang mga kandidato sa 2022

Kinalap ni Tracy Cabrera MANILA – Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na daragsa sa susunod na mga araw at linggo ang mga kabataan na gustong magparehistro para makaboto sa 2022 national elections kaya nananawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mga botante na kilatisin ang background ng mga politikong tatakbo para sa mga halal na posisyon sa gobyerno. …

Read More »

Kasong kriminal vs MVP, Meralco (Dahil sa ‘bills shock’)

electricity meralco

MALALAGAY sa hot water ang matataas na opisyal ng Manila Electric Company (Meralco) sa oras na katigan ng Office of the City Prosecutor – Bacoor City, ang reklamong kriminal ng isang betera­nong newsman kaugnay ng tinaguriang ‘bills shock’ na gumulantang sa bansa dahil sa biglaang pagtaas ng singil sa koryente habang nasa ilalim ng community quarantine ang bansa bunsod ng …

Read More »