Saturday , May 28 2022
Julia Barretto

Julia nagbuyangyang na ng katawan — Tumatanda na ako eh, wala nang excuse magpa-cute

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HIYANG-HIYANG humarap si Julia Barretto sa isinagawang face to face presscon ng Bahay Na Pula noong Lunes ng gabi dahil ngayon lang uli siya humarap sa entertainment press. Halos dalawang taon nga rin naman kasing laging zoom media conference ang ginagawa niya.

Anyway, matagumpay ang isinagawang screening ng Bahay Na Pula na idinirehe ni Brillante Mendoza at pinagbibidahan din nina Xian Lim at Marco Gumabao at mapapanood sa Vivamax sa February 25.

Kakaibang takot ang ipinaramdam ni Brillante sa pelikula na nangyari lahat sa bahay na pula sa Pola, Mindoro. Ang bahay na ancestral house ng pamilya ni Julia ay naibenta na at nagamit na ang perang pinagbentahan kaya naman kinailangan nilang magtungo sa mayor ng nasabing lugar para ipawalang-bisa ang pagkakadeklara nito bilang isang National Historic Site. Habang inaayos ang mga kaukulang papeles  ng mag-asawang Julia at Xian, may mga kakaibang nangyayari sa aktres, kung ano iyon, ‘yun ang dapat ninyong panoorin at alamin.

Anyway, natanong si Julia ukol sa reaction niya matapos mapanood ang pelikula.

I think until now I’m overwhelmed. Nagsisimula pa lang ang pelikula ang tibok ng puso ko parang lalabas na sa katawan ko. And I think it’s because it’s my first horror film and I don’t know what to expect and I’m really scared. Second, I’m overwhelmed din watching myself getting out of my comfort zone although it’s something na at the same time, I’m proud also.

My experience working with direk again, I think I’ll never be the same as a person as an actor after having that experienced with direk and I just had quite a turning point experience kasi ang layo nito sa mga nagawa ko before.”

Hindi naman scary director si Brillante ayon kay Julia. “Not at all, sobrang bait. Going into the set I really didn’t know what to expect but Direk is an Icon, he’s a legend and we want to call him that on the set. And what’s wonderful about him is that you can talk to him I think that’s a very healthy environment when you we’re able to get a conversation with your director and the captain of the ship. 

Naikuwento pa ni  Julia noon sa mga zoom conference na first time niyang gumawa ng horror. At nang mapanood namin ang pelikula, kasama rin sa first time niyang ginawa ay ang magpakita ng kahubdan habang naliligo at ang sensual scene habang nakikipagniig sa multo.

I think ang maganda naman sa nangyari besides coming out of my comfort zone, it was nice na may collaboration with direct and the producer and everybody’s involve with the things I’m comfortable doing and the things I am not. Sa mga pagkakataong iyon, but again we’re growing old and we’re growing up If I wanna be committed to my passion and to my craft it’s a jump I have to take.”

Sinabi pa ni Julia na handa na siya sa mga susunod na project na mas daring ang role. “I recent did a movie na kailangan ng courage and bravery so I think paunti-unti nakakagawa na ako ng mga pelikulang tulad ng ginagawa ni Marco Gumabao ha ha ha, joke.

Pero nilinaw nito na hindi naman nangangahulugan ng pagde-daring ay paggawa lagi ng lovescenes. “It’s not all about lovescenes or doing things for the first time. It’s just always being brave and courageous and I just wanna…as much as possible be willing and committed with the craft that I committed myself to.” 

Sinabi pa ng aktres na, “Ayoko rin naman na masyadong magkaroon ng limitations, siyempre parang binigyan ko rin ng limitations ‘yung mga taong nasa likod ng creative process ng pelikula. You have to give them the trust because they have given you the trust and malaking bagay sa akin ang pinagkakatiwalaan ako  and as much as possible pinahahalagahan ko ‘yun, iniingantan ko yun and ganoon talaga, tumatanda na ako eh, wala na akong excuse na magpa-cute.”

Sinambit pa ni Julia na hindi siya magbibigay ng limitasyon kung maganda ang project. “Opo naman po,” anang aktres.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Baron Geisler Pusoy

Baron nahiya sa 7 daring scenes sa Pusoy; Kung kailan nag-40 at saka naghubad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PITONG sexy scenes ang sinalangan ni Baron Geisler sa Pusoy ng Vivamax na mapapanood na simula …

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …