Wednesday , July 17 2024
Alexa Ilacad KD Estrada

Alexa at KD magkarelasyon na? — its like picture, it’s developing

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NILINAW nina Alexa Ilacad at KD Estrada na hindi pa sila mag-on pero espesyal sila sa isa’t isa.

Ang paglilinaw ay isinagawa sa kanilang upcoming virtual fancon na Closer. Ani Alexa “Of course, there’s something blossoming. It’s like a picture. It’s developing.”

Ani Aexa pinag-usapan nila ni KD na ‘wag silang magmadali na pumasok agad sa isang seryosong relasyon.

“We really had this talk and I really told him na I don’t want him to get into anything serious. I don’t want him to get into a relationship yet because with so many things happening to us right now, it can get really overwhelming right now. I thought the smart and mature thing to do was to just focus on our work.

“I sound so showbiz pero ‘yun kasi talaga. Honestly, it can be a bit stressful naman talaga so, sabi ko if we add a relationship on top of that, it might be hard to handle na. So I think it would be better if we just enjoy each other’s company, enjoy whatever we have right now. We don’t have to rush. We just got out of the house. I don’t know how to answer the real score,” paliwanag ng aktres. 

Sa totoo lang puwede na naman talaga silang maging mag-BF at GF kung gugustuhin nila. “Sa totoo lang pwede na nga eh. Pero ayun nga, for me lang kasi talaga, especially for him because he’s new to all of this, I really want him to enjoy what’s happening to his career, to him. I just want everything to go so smoothly,” aniya.

Samantala, handa na ang KDLex na magpaligaya ng fans sa kanilang Closer: The KDLex FanCon na mapapanood sa Sabado (February 26, 8:00 p.m. sa KTX.ph at SKY Pay-Per-View.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maris Racal Rico Blanco Anthony Jennings

Maris nilinis pangalan ni Anthony; Rico pinagtagpo pero hindi itinadhana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ANTHONY is out of the picture.” Ito ang agad na nilinaw …

Bini SB19 Flow G

SB19, Bini pinadagundong ang Araneta, Puregold’s Thanksgiving Concert star studded

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBINGI at parang nasira ang aming ear drum sa sobrang …

Alden Richards It’s Showtime

Alden nagkaroon ng biglaang meet & greet sa It’s Showtime 

I-FLEXni Jun Nardo INAKYAT ni Alden Richards ang itaas na bahagi ng It’s Showtime studio nang mag-guest siya sa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male Starlet walang maipagmalaking project kahit nakakontrata sa isang kompanya

ni Ed de Leon ANG bagay nga sigurong project para sa isang male starlet ay “Bata. Bata …

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …