Thursday , May 26 2022
MWP ng CALABARZON PNP timbog sa Victoria, Laguna Boy Palatino photo

MWP ng CALABARZON PNP timbog sa Victoria, Laguna

INIULAT ni Laguna PPO Acting Director P/Col. Rogarth Campo kay PRO4-A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra ang pagkakadakip sa pangsiyam na most wanted person sa regional level sa ikinasang manhunt operation nitong Lunes ng hapon, 21 Pebrero, sa Brgy. Nanhaya, bayan ng Victoria, lalawigan ng Laguna.

Kinilala ang target sa manhunt operation na si Erwin Aguilar, 33 anyos, residente sa Brgy. San Roque, sa naturang bayan, na nasakote sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mary Jean Tibo Cajandab, Regional Trial Court Branch 26 ng Sta. Cruz, Laguna para sa kasong qualified statutory rape, walang inirekomendang piyansa.

Bahagi ang manhunt operation ng Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO), isang intel-driven at all-out police operation laban sa most wanted persons. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …