Friday , January 10 2025

News

Shabu itinaya sa cara y cruz 2 kelot timbog

arrest prison

SWAK sa kulungan ang dalawang lalaking hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya habang naglalaro ng cara y cruz, na ang itinataya umano’y shabu sa Malabon City, kahapon, Huwebes, ng madaling araw.   Kinilala ni Malabon city police chief, Col. Albert Barot ang mga naarestong suspek na sina Rommel Cabading, 39 anyos, construction worker; at Franz Gelloagan, …

Read More »

P2-M shabu timbog sa 2 bebot

shabu drug arrest

MAHIGIT P2-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang suspek sa isinagawang buy bust operation sa Taguig City kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/MGen. Vicente Danao, Jr., ang dalawang suspek na sina Halima Macalunas, alyas Halima, 48 anyos; at Ponggo Pagayao, 20 anyos.   Pinuri ng NCRPO chief ang tagumpay …

Read More »

3 Kapitan nasa ‘hot seat’ sa ‘super spreader events’ sa kanilang AOR — DILG

TATLONG barangay chairmen ang iniimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa paglabag sa ‘mass gatherings’ sa kanilang mga hurisdiksiyon. Pinangalanan ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga Kapitan na sina Ireneo H. Cabahug ng Barangay Matabungkay, Lian, Batangas; Bobby Daquioag ng San Mariano, Sta. Marcela, Apayao, at Franklyn O. Ong ng Kasambangan, Cebu City. Kinuwestyon …

Read More »

Kelot na akyat-bahay timbog sa forbes park

arrest posas

TIMBOG ang 22-anyos binata na hinihinalang miyembro ng ‘akyat-bahay gang’ nang matiyempohan ang kanyang pagsampa sa bakod ng Forbes Park Village, sa Makati City, nitong Miyerkoles ng gabi.   Kinilala ni Makati City Police Chief P/Col. Harold Depositar, ang suspek na si Raynan Jim Antolin, Filipino, residente sa Mandaluyong City.   Base sa ulat ni P/Cpl. Ryan, nahuli ang suspek …

Read More »

12-anyos ‘nene, 2 lumad patay sa bala ng militar (Umaani ng abaka)

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang tatlong miyembro ng tribong Lumad-Manobo, kabilang ang isang 12-anyos batang babae, nang pagbabarilin ng sinabing mga kagawad ng militar sa bayan ng Lianga, lalawigan ng Surigao del Sur, nitong Martes, 15 Hunyo.   Ayon sa grupong Karapatan, kasalukuyang inaani ng mga biktimang kinilalang sina Willy Rodriguez, 20 anyos; Lenie Rivas, 38 anyos; at Angel Rivas, …

Read More »

9 katao timbog sa illegal refilling ng butane canister

NADAKIP ng mga awtoridad ang siyam katao kaugnay sa sumbong na sangkot sa ilegal na pagre-refill ng mga butane canister sa bayan ng Baliwag, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 16 Hunyo.   Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, matapos matanggap ang ulat kaugnay sa talamak na pagkakarga at pangangalakal ng tripler …

Read More »

No.1 kagawad ng Hagonoy itinumba sa loob ng hardware (Sa Calumpit, Bulacan)

NAGLULUKSA ngayon ang mga mamamayan sa isang barangay sa bayan ng Hagonoy, lalawigan ng Bulacan, nang paslangin ang kanilang no. 1 barangay kagawad ng riding in-tandem sa bayan ng Calumpit, nitong Miyerkoles ng umaga, 16 Hunyo.   Batay sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ramil Santos, hepe ng Calumpit Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktimang si Romalie “Manet” Gonzales …

Read More »

‘Jueteng’ operation sinalakay, 7 timbog (Sa Cauayan City, Isabela)

Jueteng bookies 1602

ARESTADO ang pito katao nitong Martes, 15 Hunyo, sa ikinasang anti-illegal gambling operation sa lungsod ng Cauayan, lalawigan ng Isabela.   Pinaniniwalaang sangkot ang mga nadakip na suspek sa ilegal na sugal na jueteng sa Brgy. Minante Uno, sa nabanggit na lungsod.   Kinilala ni P/Maj. Joel Cabauatan, officer-in-charge ng Criminal Investigation and Detection Group – Isabela (CIDG-Isabela), ang mga …

Read More »

7 Chinese nationals arestado (Sa paglabag sa health protocols)

arrest posas

DAHIL SA PAGLABAG sa health protocols gaya ng social distancing at vaping, pitong Chinese nationals ang dinakip nang maispatan ng mga pulis na magkakalapit kaya sinita sila hanggang nakuhaan ng hinihinalang shabu sa Pasay City kahapon ng umaga.   Nasa kustodiya ng pulisya ang mga Chinese nationals na sina Deng Hongsheng, 24; Kai Liu, 23; Li Mingfa, 29; Li Xuan, …

Read More »

P122-M shabu nasamsam sa big time tulak

shabu drug arrest

NASAMSAM ang nasa P122,400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa 23-anyos lalaki sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng iba’t ibang law enforcement agencies ng pamahalaan, nitong Martes ng hapon sa nasabing lungsod.   Kinilala ang suspek na si Moses Joshua Esguerra, ng Barangay Talon Dos, Las Piñas City, na nasakote sa ikinasang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa …

Read More »

eZConsult palpak, kontrata sa QC LGU nanganganib sibakin

NAIS ipawalang-bisa ng Quezon City government ang kontrata nito sa service provider ng eZConsult, ang online booking registration para sa mga nais magpabakuna sa lungsod.   Ito ay dahil sa kawalan ng aksiyon ng Zuilleg Pharma Corporation sa naranasang technical problem sa nakalipas na ilang araw.   Ayon kay Mayor Joy Belmonte, kaya kinuha ang serbisyo ng eZConsult ay para …

Read More »

4 nagbebenta ng Remdesivir inaresto ng NBI

NBI

DINAKIP ng mga ahente ng National Burreau of Investigation (NBI) ang apat na nagbebenta ng Remdesivir, isang uri ng gamot sa mga pasyente ng CoVid-19 matapos ang isinagawang entrapment operation sa Quezon City, kahapon.   Kinilala ni NBI officer in charge (OIC) Director Eric Distor ang mga nadakip na sina Maria Cristina Manalo, Christopher Boydon, Philip Bales at Bernard Bunyi. …

Read More »

Bumaboy sa DepEd module dapat panagutin – Solon

DAPAT managot ang (mga) may kagagawan o nasa likod, ayon kay Probinsyano Ako Rep. Jose Singson, Jr., chairman ng House committee on public accounts, ng mga module na naglalaman ng salitang bulgar at mali ang depinisyon sa pagkakasulat na ipinamigay sa Mabacalat, Pampanga.   “The Mabalacat learning module that contained vulgarity is very alarming. While DepEd officials boasted that they …

Read More »

Puganteng rapist tiklo sa Tarlac (Top 3 MWP sa Calabarzon)

HINDI akalain ng isang puganteng may kasong rape, sa limang taong pagtatago sa batas ay matutunton at maaaresto sa manhunt operation ng mga kagawad ng San Manuel MPS, Tarlac PPO, Rosario MPS, RIU4A PIT Batangas, 40th AMC RMFB4, RID4A PIU Batangas, nitong Martes, 15 Hunyo, sa kanyang pinagtataguang lugar sa Brgy. San Vicente, sa bayan ng San Manuel, lalawigan ng …

Read More »

Hostage-taker patay sa PNP rescue ops

dead gun police

PATAY ang isang lalaking suspek sa pagwawakas ng insidente ng hostage-taking sa bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng hapon, 14 Hunyo.   Binawian ng buhay ang hindi kilalang lalaki matapos manlaban sa pulisya na nagtangkang iligtas ang isang menor-de-edad na biktima ng hostage sa nasabing bayan. Ayon sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director …

Read More »

Dinamita sumabog, Chairwoman, 3 pa patay sa Masbate

ISANG barangay chairwoman kasama ang tatlo katao ang namatay, habang sugatan ang iba, nang sumabog ang mga dinamitang nakalagak sa bahay ng una sa bayan ng Balud, lalawigan ng Masbate, nitong Martes ng hapon, 15 Hunyo.   Ayon kay P/Maj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, kinilala ang mga biktima na sina Lina Recto, barangay chairwoman ng Brgy. Pajo …

Read More »

Duda, hindi pera sagabal sa herd community — Imee

SAMANTALA, nanawagan si Senador Imee Marcos sa pamahalaan na maglatag ng mas klarong estratehiya para mapataas ang bilang ng mga mahihikayat na magpabakuna at mapabilis ang herd immunity laban sa CoVid-19, para tuloy-tuloy ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.   “May pera tayong pambili ng mga bakuna. Pero nananatiling hamon ang pag-aalangan o pag-aatubiling magpabakuna ng mga mamamayan na maaaring …

Read More »

Pondo sa bakuna sapat

money Covid-19 vaccine

MAY sapat na pondo ang pamahalaan para makamit ang target na herd immunity laban sa CoVid-19 para sa taon na ito, ngunit kailangan tiyakin na hindi kakapusin ang supply at maipamahagi nang tama ang mga bakuna.   Sinabi ito ni Senador Panfilo Lacson batay sa mga datos na inilabas ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III sa hearing …

Read More »

Malinaw na panuntunan sa ‘proof of vaccination’ para sa mga Pinoy at OFWs (Hiling ni Villanueva)

OFW

HINILING ni Senator Joel Villanueva na linawin ng gobyerno ang tila nakalilitong panuntunan sa proof of vaccination na hihingin sa mga nabakunahan na lalo sa hanay ng overseas Filipino workers (OFWs).   Ayon sa senador, chairman ng Senate labor committee, nakatakda sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bukod sa vaccination card, kailangan rin ipakita bilang patunay na fully …

Read More »

“I will kill you” ni Duterte swak sa ICC

  ni ROSE NOVENARIO   KOMBINSIDO ang isang law expert na ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagnanais na patayin ang mga sangkot sa illegal drugs ay maaaring maging ebidensiya laban sa kanya sa gagawing imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war killings.   Ayon kay Atty. Ruben Carranza, isang senior expert sa New York-based …

Read More »

Drug bust nauwi sa shootout, tulak dedo sa Nueva Ecija

BINAWIAN ng buhay ang isang suspek nang maka-enkuwentro ang mga nakatransaksiyong operatiba ng Cabanatuan City Police SDEU makaraang pumalag sa inilatag na drug bust na nauwi sa running gun battle nitong Linggo, 13 Hunyo, sa Brgy. Dalampang, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija.   Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, base sa ulat ni …

Read More »