Thursday , June 4 2026

Exclusive!
PAUL SORIANO BAGONG PALACE EXECUTIVE

052022 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

MAISASALBA na ang karerang muntik lumubog ni multi-awarded film director at mister ng actress-TV host Toni Gonzaga na si Paul Soriano dahil  itatalaga siyang bagong pinuno ng Radio Television Malacanang (RTVM) ni presumptive President Ferdinand Marcos, Jr.  

Nabatid sa Palace source na si Soriano at kanyang grupo ay dumalo sa ginanap na transition meeting ng RTVM sa Malacañang.

Ang RTVM ay attached agency ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at may responsibilidad para sa official documentation ng lahat ng aktibidad ng Pangulo ng Filipinas para ibalita sa publiko at magmantina ng Presidential Video Archive.

Sa katatapos na kampanya ay esklusibong hinawakan ni Soriano ang campaign visuals/ commercials ni Marcos, Jr., asawa ng kanyang tiyahing si Liza Cacho Araneta-Marcos.

Ang ama ni Soriano na si Jeric Soriano ay pinsang buo ni Liza.

Nagsilbing wedding sponsor nina Soriano at Gonzaga sina Marcos Jr., at Liza.

Ipinanganak at lumaki sa Los Angeles, California si Soriano at lolo niya ang actor na si Nestor de Villa.

Naging bantog sa film industry si Soriano lalo nang manalo bilang Best Director at Best Screenplay sa Film Academy of the Philippines (FAP) Awards noong 2012 para sa pelikulang “Thelma.”

Nasungkit niya ang Best Director award sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikulang “Siargao” noong 2017.

Naging nominado rin siya sa  FAP Awards, Gawad Urian, Golden Screen Awards, MMFF, at sa Tokyo International Film Festival.

Kaugnay nito,sinabi ng Palace source na posibleng italagang PCOO Undersecretary ang broadcaster na si Aljo Bendijo habang ang vlogger na si RJ Nieto a.k.a. Thinking Pinoy ay hahawak din umano ng mataas na posisyon sa kagawaran.

Noong Martes, 17 Mayo 2022 ay unang iniulat ng HATAW na ang sikat na abogada at vlogger na si Trixie Angeles ang napipisil na maging kalihim ng PCOO kapalit ni Martin Andanar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …