Saturday , June 25 2022
Zanjoe Marudo Kylie Verzosa Ikaw Lang Ang Mahal

Zanjoe, mistulang sex object sa Ikaw Lang Ang Mahal

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SUMABAK sa matinding romansahan o love scenes si Zanjoe Marudo sa pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal na palabas na ngayong May 20 sa Vivamax.

Pinagnasahan at tinikman si Zanjoe nina Cara Gonzales at Lara Morena, plus ang lead actress ditong si Kylie Verzosa, kaya nagmistulang isang sex object ang aktor.

Aminado si Zanjoe na ito ang pinaka-daring niyang movie.

“Siguro, masasabi kong ito ang pelikula kong may pinakamaraming love scenes,” saad sa amin ng actor.

Idinagdag pa ni Zanjoe na hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang pelikulang ito.

“Hindi ko kasi iniisip yun, eh. Actually may mga nagawa na naman akong maraming love scenes before sa mga pelikula, pati sa teleserye rin.

“Pero hindi ko roon tinitignan (kung tatanggapin ko ang isang project)… sa Malaya, daring din naman ang ginawa kong character doon, pero it’s a love story and ito naman, about sa buhay ng mga artists.

“Sa script, sa istorya, roon ako tumingin, doon ako always, kung ano ang tatakbuhin, kung ano ang journey ng character.”

Pagpapatuloy pa ni Zanjoe, “So, yeah daring siya, daring, kasi nasa script siya at hinihingi ng istorya, so ganoon ang kailangan kong gawin.

“Wala naman yung utak ko roon sa, ‘Ay, shit! sexy, kita iyong puwet ko’ or ano, parang wala sa akin iyong ganoon. Kumbaga ay hindi na issue sa akin, basta kung ano ang kailangan, kung ano ang importante para makapagkuwento nang tama at mas maintindihan ng tao, iyon ang gagawin ko.

“Kumbaga para sa akin, love scene, nag-uusap… normal na eksena, para sa akin ay pare-parehas lang naman iyon,” sambit pa ni Zanjoe.  

Ang sining ay parang pag-ibig – mahiwaga. Samahan sina Kylie at Zanjoe na alamin ang iba’t ibang arts sa Filipinas, at kung ano rin ba ang art of falling in love sa isang Vivamax Original Movie, ang Ikaw Lang Ang Mahal na mapapanood na ngayong May 2022.

Ang pelikula ay kuwento ni Andrei (Zanjoe), isang documentarist na nagpunta sa Sagada para hanapin at ma-interview ang tatlong national artists para sa ginagawa niyang documentary. Makikisalamuha si Andrei sa mga lokal ng Sagada, at makakapalagayan pa ng loob ang iba. Dito niya makikilala si Lira (Kylie), isang best-selling author, na pamangkin pala ng isa sa mga artists na hinahanap ni Andrei.

Magiging malapit sila sa isa’t isa dahil magpapatulong si Andrei kay Lira na makilala ang tiyuhin nitong legendary artist. Unti-unting mahuhulog ang loob ni Andrei kay Lira at mas mababaling ang atensiyon niya sa dalaga kaysa sa documentary na ginagawa.

Shot in Sagada, ma-inlove hindi lang sa mga karakter at kuwento, kundi pati na rin sa nakakabighaning ganda ng tanawin ng pelikula.

Pinagbibidahan ito ng dalawa sa mga A-list actors ngayon, si Kylie, ang binansagang Vivamax Goddess, na bumida na sa mga chart-topping Vivamax Originals, ang Bekis on the Run, My Husband, My Lover, The Housemaid, at Sisid. Ang leading man naman sa pelikula na si Zanjoe ay bumida na rin sa directorial debut ni Bela Padilla na 366.

Makakasama rin nila sa pelikula ang mga seasoned actors na sina Joel Torre, Lara Morena at Ronnie Lazaro. Magsasabog din ng alindog dito ang Vivamax sexy actress na si Cara Gonzales, na nakilala sa mga pelikula niyang Pornstar 2: Pangalawang Putok, Palitan, at The Wife.

Ang pelikulang ito ay mula sa multi-awarded director na si Richard Somes. Isang Vivamax Original Movie, humanda nang umibig at masaktan, kayanin ang lahat para sa pag-ibig at ipangakong… IKAW LANG ANG MAHAL, mapapanood na sa Vivamax simula May 20, 2022. Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.   

Sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para sa magbabayad gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, o Mastercard. Para naman sa magbabayad gamit ang Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets gaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.

Mapapanood na rin ang Ikaw Lang Ang Mahal sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan natin sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, Maa-access na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.  Ang Vivamax ay mapapanood na rin sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America.  Vivamax, atin ‘to!

About Nonie Nicasio

Check Also

Darren Espanto abs

Darren ibinando ang abs, bagong image ihahataw

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG magiging pantasya na ng mga kababaihan lalo na ng …

Sarah Geronimo

Sarah G. Kapamilya pa rin, balik-ASAP sa Hulyo

MA at PAni Rommel Placente SA balitang nakuha na ng GMA 7 ang rights para maipalabas sa …

Lance Raymundo High On Sex

Lance Raymundo, napaso ang manoy sa seryeng High On Sex

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Lance Raymundo sa casts ng High On Sex na …

Rufa Mae Quinto Kelvin Miranda Abdul Rahman Shaun Salvador

Shaun balik-showbiz ngayong tapos na sa pag-aaral

MATABILni John Fontanilla MALAPIT nang mapanood ang kauna-unahang sitcom sa GTV, ang TOLS na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda, Abdul …

John Lloyd Cruz

John Lloyd tumanda ang hitsura 

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang hindi nakakilala kay John Loyd Cruz nang pumasyal ito sa isang museum …