I-FLEXni Jun Nardo IPINAGPALIT ni Ara Mina ang trabaho para masamahan ang asawang si Dave Almarinez sa kampanya nito bilang congressman sa San Pedro, Laguna. Yes, lahat ay gagawin ni Ara para sa kandidatura ng asawa. Eh noong campaign rally ni Dave sa isang lugar sa San Pedro last Sunday, halos lahat ng performers ay kaibigan ni Ara, huh! Kumanta si Martin Nievera, pati na …
Read More »KZ Tandingan magme-mentor sa Top Class
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HAPPY and pressured. Ito ang inamin ng Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan nang makausap namin noong Lunes ng hapon nang ipakilala siya bilang isa sa vocal mentor ng Top Class: The Rise to P-Pop Stardom. “I’m very happy, very excited and at the same time may pressured din siyempre ‘di ba it’s a huge responsibility na …
Read More »Paring kumanta ng Maging Sino Ka Man baka isyuhan din
ni Ed de Leon NOONG linggo ng umaga, nagulat kami nang kantahin ni Fr. Mario Jose Ladra iyong Maging Sino Ka Man. Ang pinupunto niya ay mahal ka ng Diyos kahit sino ka pa. Hindi kaya may mag-alburoto na naman at sabihing hindi niya pinapayagan na kantahin ang kanyang kanta sa isang misa dahil siya ay “born again?” Sa ngayon …
Read More »Sangkot sa carnapping, Laguna MWP arestado
INIULAT ni Laguna PPO Acting Provincial Director P/Col. Cecilio Ison, Jr., kay CALABARZON PNP Regional Director, P/BGen. Antonio Yarra, ang pagkakadakip sa pampitong most wanted person (MWP) ng lalawigan sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Biñan. Sa kanyang ulat, nasakote ng Biñan CPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Jerry Corpuz, katuwang ang Regional …
Read More »
Sa Marikina
DRIVER ARESTADO SA 8 KASO NG RAPE
NADAKIP ng mga awtoridad sa lungsod ng Marikina ang isang lalaking sangkot sa pangmomolestiya at panggagahasang naganap sa bayan ng Binangonan, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo ng umaga, 27 Marso. Kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina CPS, ang naarestong suspek na si Rommel dela Cruz, 29 anyos, binata, driver, residente sa Extension St., San Juan, Brgy. Darangan, sa …
Read More »Rapist na Top 6 MWP timbog sa Pampanga
ARESTADO ang isang puganteng nakatala bilang top 6 most wanted person (MWP) ng Pampanga sa inilatag na manhunt operation ng mga awtoridad nitong Linggo, 27 Marso, sa bayan ng Mexico, sa naturang lalawigan. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Robin Sarmiento, provincial director ng Pampanga PPO, kinilala ang suspek na si Ariel Pamintuan, 27 anyos, nakatira sa San Guillermo …
Read More »Gusali ng trucking company nasunog
TINUPOK ng apoy ang gusali ng isang trucking company sa loob ng Muralla Industrial Park sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 27 Marso. Sa naging pahayag ng security guard na kinilalang si Jeffrey Casia, dakong 10:00 pm kamakalawa nang makita nilang may apoy sa bahagi ng barracks kaya agad nagpulasan palabas ang mga manggagawa sa …
Read More »
Sa isang linggong SACLEO sa Bulacan
P.601-M DROGA NASABAT, 369 LAW OFFENDERS HOYO
NASAMSAM ang may kabuuang P601,000 halaga ng ilegal na droga at nasakoe ang 369 law offenders sa isinagawang isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) ng mga tauhan ng Bulacan PPO mula 21-27 Marso 2022. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, nakompiska ang P601,650 halaga ng ilegal na droga sa …
Read More »3 magpipinsang paslit nalunod sa ilog, patay
TATLONG paslit, edad 3-5 anyos ang nalunod sa isang ilog sa Brgy. San Miguel, sa bayan ng San Antonio, lalawigan ng Zambales, nitong Lunes, 28 Marso. Kinilala ni P/Sgt. Noel Cunanan, imbestigador ng San Antonio MPS, ang mga biktimang sina Brietanya Alexa Ancho, 3 anyos; at kanyang mga pinsang sina John Andre Guania at Prince Nythan Ocol, kapwa 5 anyos. …
Read More »
Halalan 2022
3 BAYAN SA ZAMBALES IDINEKLARANG ‘AREAS OF IMMEDIATE CONCERN’
IDINEKLARA ang tatlong munisipalidad sa lalawigan ng Zambales bilang ‘areas of immediate concern’ kaugnay sa papalapit na pambansa at lokal na eleksiyon sa Mayo. Ayon kay P/Col. Fitz Macariola, Zambales PPO provincial director, ito ang mga bayan ng Botolan, San Felipe, at San Marcelino. Tinukoy ni Macariola ang isang insidente ng harassment na naganap noong Hunyo 2017 kaya naisama ang …
Read More »World class Quezon City jail ininspeksiyon
NAGSAGAWA ng inspeksiyon si Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) warden J/Supt. Michelle Ng Bonto sa itinayong Quezon City Jail na maituturing na isang world class na kulungan kahapon ng hapon. Sa ginawang walk through the new QC jail, ipinakita ng opisyal sa mga mamamahayag ang mga pasilidad ng bagong kulungan na may limang palapag at binubuo ng limang gusali …
Read More »Dagdag presyo sa petrolyo humirit pa
MAGPAPATUPAD muli ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa bansa. Sa abiso ng Total Philippines epektibo ito dakong 6:00 am, tataas ng P03.40 sentimos ang gasoline, at P08.65 sentimos sa diesel, habang ang Cleanfuel epektibo ng 8:00 am ipapatupad ang P03.40 sentimos sa kada litro ng gasolina at P08.65 sentimos ang itataas sa presyo ng …
Read More »Lola, 3 pa huli sa buy bust sa Kankaloo
SWAK na sa kulungan ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang 63-anyos lola sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan City police chief, Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong mga suspek na sina Rogelio Arias, alyas Buda, 52 anyos, itinurong drug pusher, Normita, alyas Mita, 63-anyos lola, Karen Pino, 38 …
Read More »NCDA aprub sa pagpasa ng batas para sa Inklusibong Edukasyon
PINURI ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang pagsasabatas ng Republic Act 11650 – An Act Instituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education. Ito ay nilagdaan bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong 11 Marso 2022. Ang batas ay nag-uutos sa lahat ng mga paaralan sa bansa na magbigay ng …
Read More »Monsour maging kulay rosas na rin kaya ang tatahaking landas?
ISA pang mag-iiba na ri ng tono ay ang tumatakbo rin sa politika (muli!) na dating artista at athlete na si Monsour del Rosario. Ang kanyang pahayag: “Iginagalang ko ang desisyon ni Senator Ping Lacson na magbitiw sa Partido Reporma. “Siya ay isang mabuting tao na may tapat na puso at taos-pusong hangarin na maglingkod sa sambayanang Pilipino. “Naniniwala ako na marami …
Read More »Julie Anne ibinahagi tunay na relasyon kay Rayver
MA at PAni Rommel Placente SA interview kay Julie Anne San Jose ng Pep.ph, tinanong siya kung ano ang tunay na kalagayan ng relasyon nila ni Rayver Cruz. Sagot ng dalaga, “Ano po, we really enjoy each other’s company, and ‘yun, happy lang naman po. “All good things, and we’ve always been close and really best friends and, yeah, we’re just happy to be …
Read More »Mas maraming MD board passers,<br>“DOKTOR PARA SA BAYAN” SCHOLARS – TESDAMAN…
INAASAHAN ni Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva na mga iskolar ng Doktor Para sa Bayan ang mga susunod na papasa sa medical board examinations. Kahit nadagdagan ng 1,427 bagong doktor ang bansa sa pagpasa nila sa March 2022 licensure examinations, sinabi ni Villanueva, malayo pa rin ang kabuuang bilang sa nararapat na doctor-to-population ratio. “Kung dapat may isang doktor sa bawat …
Read More »Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11659 o “Act Amending the Public Service Act”
MAKIKITA sa larawan si Rep. Robes (dulong kanan) na isa sa mga mambabatas na naimbitahan nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11659 o “Act Amending the Public Service Act” na magbibigay daan sa mga dayuhang mamumuhunan upang direktang magmay-ari ng iba’t ibang industriya. Si Rep. Robes ang isa sa umakda ng naturang batas.
Read More »Bagong batas sa PSA, lilikha ng trabaho at mabilis na pagbangon mula sa pandemya — Robes
PINURI ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes ang nalagdaang batas para sa pag-amyenda sa Public Service Act (PSA) na aniya ay kailangan ng bansa para makabangon mula sa pandemyang dulot ng COVID-19. Bilang isa sa may-akda ng House Bill No. 78 na bersiyon ng Mababang Kapulungan sa pag-amyenda sa PSA, sinabi ni Robes, ang pagbubukas ng …
Read More »Murder suspect nanlaban sa aarestong parak, tigbak
PATAY ang isang murder suspect makaraang makipagbarilan sa mga aarestong awtoridad sa kanyang tahanan sa Barangay Payatas B, Quezon City, nitong Linggo ng gabi. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus Medina, namatay noon din ang suspek na kinilalang si Rogelio Francisco Mata, 42, residente sa Block 5 Lot 8, Bistekville 5, Brgy. Payatas B, Quezon City, …
Read More »GERA NI DUTERTE VS NPA BIGO — CPP
SEMPLANG ang rehimeng Duterte na pigilan ang paglago ng New People’s Army (NPA), ayon sa liderato ng Communist Party of the Philippines (CPP). Sa 20-pahinang kalatas na ipinaskil sa CPP website, sinabi ng Central Committee, matagumpay na binigo ng CPP at NPA si Duterte at kanyang military generals sa patuloy na deklarasyon na dudurugin ang armadong pakikibaka ng mga rebeldeng …
Read More »2019 Panalo ni Vico Sotto pruwebang poll surveys may sablay
ANG panalo ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong 2019 ay magandang halimbawa na hindi palaging tama at maasahan ang mga election survey. Mukhang patungo si incumbent mayor Robert Eusebio sa madaling panalo kay Sotto noon dahil palagi siyang una sa mga survey. Isang linggo bago ang halalan, iniulat ng ilang survey firm na posibleng landslide ang panalo ni Eusebio …
Read More »Citizen’s arrest vs Agri smuggling, mungkahi ni Ping
MAY papel ang bawat Filipino sa pagsugpo sa agricultural smuggling sa pamamagitan ng ‘citizen’s arrests’ na maaaring ipatupad para mahuli ang mga nagbebenta ng smuggled na gulay at ibang produktong pang-agrikultura, ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson. Inirekomenda ni Lacson ang magsagawa ng demand-reduction approach laban sa agricultural smuggling na hindi pa rin mapigilan ng Bureau of Customs (BoC) at …
Read More »Cavite local execs, misor inendoso si Leni
ISA’T KALAHATING buwan bago ang eleksiyon ay dumarami lalo ang local executives na sumusuporta kay Vice President Leni Robredo para maging susunod na Pangulo ng bansa, indikasyon na lumalakas ang kanyang kampanya laban sa anak ng diktador na si Ferdinand Marcos, Jr. Sa Cavite, pinatunayan ni Cavite 4th District Representative Elpidio Barzaga, pangulo ng National Unity Party (NUP), na hindi …
Read More »
Huling birthday sa laya i-enjoy – CPP-NPA
DUTERTE ‘TARGET’ ISALANG SA ‘KANGAROO COURT’
ni ROSE NOVENARIO HINDI lang sa International Criminal Court (ICC) dapat matakot si Pangulong Rodrigo Duterte pagbaba sa poder dahil ipaaaresto at lilitisin din siya sa ‘special revolutionary people’s court ng Communist Party of the Philippines (CPP) dahil sa libo-libong kataong pinatay sa isinusulong na drug war at counterinsurgency operations ng kanyang rehimen. Inihayag sa kalatas ng CPP, dapat mag-enjoy …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com