INILINAW ni Austriaco, kailangan magsagawa ng mga hakbang upang magkaroon ng proteksiyon ang populasyon laban sa mga bago at mas mapanganib na CoVid-19 variants. Dapat aniyang magpatupad ng 10-day hotel quarantine para sa international travelers na lumalapag sa Metro Manila at Cebu dahil base sa pag-aaral, ito’y 99.7% epektibo para hindi makapasok ang variants sa bansa. “There is …
Read More »No mask Christmas, target ng Palasyo
KOMPIYANSA ang Palasyo na mararanasan ng sambayanang Fiipino ang “no mask Christmas” bunsod ng pagsusumikap ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng CoVid-19 sa bansa. Kinatigan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang paghimok sa pamahalaan at publiko ni Father Nicanor Austriaco, isang Dominican priest, at tanyag na microbiologist expert, upang magtulungan para maranasan sa Filipinas ang “no mask Christmas.” Si …
Read More »P35-oral CoVid-19 vaccine, PH made
SUPORTADO ng Malacañang ang isinusulong na mga pag-aaral para sa oral CoVid-19 vaccine na natuklasan ng isang Filipino priest na microbiology expert. Tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque na popondohan ng Department of Science and Technology (DOST) ang clinical trial ng oral vaccine na natuklasan ni Father Nicanor Austriaco at kapag napatunayan na epektibo at ligtas, tutuparin ni Pangulong …
Read More »Puganteng Chinese timbog sa Angeles (Suspek sa pagpatay ng kababayang Tsino)
DINAKMA ng mga awtoridad ang isang puganteng Chinese national, suspek sa pagpatay ng sariling kababayan sa isinagawang manhunt operation nitong Martes, 15 Hunyo, sa loob ng Clark Freeport Zone, lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni PRo3 Director PBGen Valeriano De Leon ang suspek, ayon sa ulat ni P/Col. Rommel Batangan, na si Zhihui Yan, kasalukuyang naninirahan sa …
Read More »3 notoryus na tulak nalambat sa drug bust sa Pampanga
HUMAHAGULGOL habang nagmamakaawa na babaan ang isasampang kaso sa kanila ng nakatransaksiyong mga awtoridad matapos maaresto at ipresinta ang nakompiskang 15 gramo ng hinihinalang shabu sa on-site inventory, resulta ng anti-narcotics operation ng San Fernando City Police SDEU nitong Martes, 15 Hunyo, sa bisinidad ng Sogo Hotel, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni PRO3 Director …
Read More »Shabu itinaya sa cara y cruz 2 kelot timbog
SWAK sa kulungan ang dalawang lalaking hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya habang naglalaro ng cara y cruz, na ang itinataya umano’y shabu sa Malabon City, kahapon, Huwebes, ng madaling araw. Kinilala ni Malabon city police chief, Col. Albert Barot ang mga naarestong suspek na sina Rommel Cabading, 39 anyos, construction worker; at Franz Gelloagan, …
Read More »P2-M shabu timbog sa 2 bebot
MAHIGIT P2-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang suspek sa isinagawang buy bust operation sa Taguig City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/MGen. Vicente Danao, Jr., ang dalawang suspek na sina Halima Macalunas, alyas Halima, 48 anyos; at Ponggo Pagayao, 20 anyos. Pinuri ng NCRPO chief ang tagumpay …
Read More »3 Kapitan nasa ‘hot seat’ sa ‘super spreader events’ sa kanilang AOR — DILG
TATLONG barangay chairmen ang iniimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa paglabag sa ‘mass gatherings’ sa kanilang mga hurisdiksiyon. Pinangalanan ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga Kapitan na sina Ireneo H. Cabahug ng Barangay Matabungkay, Lian, Batangas; Bobby Daquioag ng San Mariano, Sta. Marcela, Apayao, at Franklyn O. Ong ng Kasambangan, Cebu City. Kinuwestyon …
Read More »Kelot na akyat-bahay timbog sa forbes park
TIMBOG ang 22-anyos binata na hinihinalang miyembro ng ‘akyat-bahay gang’ nang matiyempohan ang kanyang pagsampa sa bakod ng Forbes Park Village, sa Makati City, nitong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ni Makati City Police Chief P/Col. Harold Depositar, ang suspek na si Raynan Jim Antolin, Filipino, residente sa Mandaluyong City. Base sa ulat ni P/Cpl. Ryan, nahuli ang suspek …
Read More »12-anyos ‘nene, 2 lumad patay sa bala ng militar (Umaani ng abaka)
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang tatlong miyembro ng tribong Lumad-Manobo, kabilang ang isang 12-anyos batang babae, nang pagbabarilin ng sinabing mga kagawad ng militar sa bayan ng Lianga, lalawigan ng Surigao del Sur, nitong Martes, 15 Hunyo. Ayon sa grupong Karapatan, kasalukuyang inaani ng mga biktimang kinilalang sina Willy Rodriguez, 20 anyos; Lenie Rivas, 38 anyos; at Angel Rivas, …
Read More »9 katao timbog sa illegal refilling ng butane canister
NADAKIP ng mga awtoridad ang siyam katao kaugnay sa sumbong na sangkot sa ilegal na pagre-refill ng mga butane canister sa bayan ng Baliwag, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 16 Hunyo. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, matapos matanggap ang ulat kaugnay sa talamak na pagkakarga at pangangalakal ng tripler …
Read More »No.1 kagawad ng Hagonoy itinumba sa loob ng hardware (Sa Calumpit, Bulacan)
NAGLULUKSA ngayon ang mga mamamayan sa isang barangay sa bayan ng Hagonoy, lalawigan ng Bulacan, nang paslangin ang kanilang no. 1 barangay kagawad ng riding in-tandem sa bayan ng Calumpit, nitong Miyerkoles ng umaga, 16 Hunyo. Batay sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ramil Santos, hepe ng Calumpit Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktimang si Romalie “Manet” Gonzales …
Read More »‘Jueteng’ operation sinalakay, 7 timbog (Sa Cauayan City, Isabela)
ARESTADO ang pito katao nitong Martes, 15 Hunyo, sa ikinasang anti-illegal gambling operation sa lungsod ng Cauayan, lalawigan ng Isabela. Pinaniniwalaang sangkot ang mga nadakip na suspek sa ilegal na sugal na jueteng sa Brgy. Minante Uno, sa nabanggit na lungsod. Kinilala ni P/Maj. Joel Cabauatan, officer-in-charge ng Criminal Investigation and Detection Group – Isabela (CIDG-Isabela), ang mga …
Read More »7 pugante arestado, 14 iba pa nasakote (Sa 24-oras na police ops sa Bulacan)
HIMAS-REHAS ang pitong wanted persons samantala sunod-sunod na pinagdadampot ang 14 kataong lumabag sa batas sa serye ng kampanya laban sa krimen na ikinasa ng Bulacan PNP, mula 15-16 Hunyo ng umaga. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip sa bisa ng mga warrant of arrest ang pitong suspek na pinaghahanap ng …
Read More »7 Chinese nationals arestado (Sa paglabag sa health protocols)
DAHIL SA PAGLABAG sa health protocols gaya ng social distancing at vaping, pitong Chinese nationals ang dinakip nang maispatan ng mga pulis na magkakalapit kaya sinita sila hanggang nakuhaan ng hinihinalang shabu sa Pasay City kahapon ng umaga. Nasa kustodiya ng pulisya ang mga Chinese nationals na sina Deng Hongsheng, 24; Kai Liu, 23; Li Mingfa, 29; Li Xuan, …
Read More »P122-M shabu nasamsam sa big time tulak
NASAMSAM ang nasa P122,400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa 23-anyos lalaki sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng iba’t ibang law enforcement agencies ng pamahalaan, nitong Martes ng hapon sa nasabing lungsod. Kinilala ang suspek na si Moses Joshua Esguerra, ng Barangay Talon Dos, Las Piñas City, na nasakote sa ikinasang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa …
Read More »eZConsult palpak, kontrata sa QC LGU nanganganib sibakin
NAIS ipawalang-bisa ng Quezon City government ang kontrata nito sa service provider ng eZConsult, ang online booking registration para sa mga nais magpabakuna sa lungsod. Ito ay dahil sa kawalan ng aksiyon ng Zuilleg Pharma Corporation sa naranasang technical problem sa nakalipas na ilang araw. Ayon kay Mayor Joy Belmonte, kaya kinuha ang serbisyo ng eZConsult ay para …
Read More »4 nagbebenta ng Remdesivir inaresto ng NBI
DINAKIP ng mga ahente ng National Burreau of Investigation (NBI) ang apat na nagbebenta ng Remdesivir, isang uri ng gamot sa mga pasyente ng CoVid-19 matapos ang isinagawang entrapment operation sa Quezon City, kahapon. Kinilala ni NBI officer in charge (OIC) Director Eric Distor ang mga nadakip na sina Maria Cristina Manalo, Christopher Boydon, Philip Bales at Bernard Bunyi. …
Read More »Bumaboy sa DepEd module dapat panagutin – Solon
DAPAT managot ang (mga) may kagagawan o nasa likod, ayon kay Probinsyano Ako Rep. Jose Singson, Jr., chairman ng House committee on public accounts, ng mga module na naglalaman ng salitang bulgar at mali ang depinisyon sa pagkakasulat na ipinamigay sa Mabacalat, Pampanga. “The Mabalacat learning module that contained vulgarity is very alarming. While DepEd officials boasted that they …
Read More »Puganteng rapist tiklo sa Tarlac (Top 3 MWP sa Calabarzon)
HINDI akalain ng isang puganteng may kasong rape, sa limang taong pagtatago sa batas ay matutunton at maaaresto sa manhunt operation ng mga kagawad ng San Manuel MPS, Tarlac PPO, Rosario MPS, RIU4A PIT Batangas, 40th AMC RMFB4, RID4A PIU Batangas, nitong Martes, 15 Hunyo, sa kanyang pinagtataguang lugar sa Brgy. San Vicente, sa bayan ng San Manuel, lalawigan ng …
Read More »Ultimatum ng Hugpong kay Sara sa Hulyo na (Para sa presidential race)
ni ROSE NOVENARIO BINIGYAN ng ultimatum ng Mindanao-based political party Hugpong ng Pagbabago (HNP) si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na ihayag ang pinal na desisyon kung lalahok sa 2022 presidential race sa susunod na buwan. Inamin ito ni Sara kagabi sa panayam sa TV Patrol kasunod ng pahayag na pinag-iisipan niyang sumali sa 2022 presidential derby. …
Read More »Hostage-taker patay sa PNP rescue ops
PATAY ang isang lalaking suspek sa pagwawakas ng insidente ng hostage-taking sa bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng hapon, 14 Hunyo. Binawian ng buhay ang hindi kilalang lalaki matapos manlaban sa pulisya na nagtangkang iligtas ang isang menor-de-edad na biktima ng hostage sa nasabing bayan. Ayon sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director …
Read More »62-anyos na lola sa Bulacan nagtapos ng senior high school (Walang imposible)
LUBOS na hinahangaan ang isang lola sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan dahil sa kabila ng kanyang edad ay nagawa niyang makapagtapos ng senior high school. Kinilala si Nanay Jose, 62 anyos na tubong Brgy. Bigte, sa naturang bayan, na binigyang parangal ni Mayor Fred Germar sa nagawang akademikong pagtatapos. Nabatid na biyuda na si Nanay Jose …
Read More »Pamilya natagpuang patay sa loob ng bahay (Ina, 2 anak minartilyo, ama nakabigti)
WALA nang buhay, nang matagpuan ang apat na miyembro ng isang pamilya, kabilang ang dalawang bata, sa loob ng kanilang bahay sa lungsod ng Biñan, lalawigan ng Laguna, nitong Martes ng hapon, 15 Hunyo. Ayon sa Calabarzon police, mula sa ulat ng Biñan CPS, natagpuan ng kapitbahay ng pamilya na si Melissa Loza ang mga bangkay nina Johnny Martinez, …
Read More »Dinamita sumabog, Chairwoman, 3 pa patay sa Masbate
ISANG barangay chairwoman kasama ang tatlo katao ang namatay, habang sugatan ang iba, nang sumabog ang mga dinamitang nakalagak sa bahay ng una sa bayan ng Balud, lalawigan ng Masbate, nitong Martes ng hapon, 15 Hunyo. Ayon kay P/Maj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, kinilala ang mga biktima na sina Lina Recto, barangay chairwoman ng Brgy. Pajo …
Read More »