Sunday , November 24 2024

News

4 kelot na ‘adik’ sa tupada tiklo

Sabong manok

APAT na ‘haling’ sa tupada ang nahuli ng mga awtoridad  makaraang salakayin ang isang ilegal na tupadahan sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) chief P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang mga naarestong sina Johnny Banal, 55, Noli Esquilona, 44, Ryan Capoquian, 30, at Ernesto Domingo, 68, pawang residente sa lungsod. …

Read More »

Aircon tech, 2 laborer arestado sa P.3-M shabu

shabu drug arrest

MAHIGIT sa P.3 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakuha sa tatlong pinaniwalaang tulak ng shabu nang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, P/Lt. Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina  Darius Cabrales, 55 anyos, isang aircon technician; …

Read More »

Pondo ng NTF-ELCAC isailalim sa COA special audit — Drilon

NTF-ELCAC money CoA

BINATIKOS at tinutulan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kahilingan ng pamahalaan na pagkalooban ng dobleng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nasa P40 bilyones abf nakapaloob sa panukalang 2022 National Expenditures Program (NEP).      Kasunod nito, hiniling din ni Drilon sa Commission on Audit (COA) ang pagsasagawa ng special audit para …

Read More »

PDEA, DDB ‘nalulusutan’ ng Chinese drug dealer

DDB PDEA

BAKIT lalong nagiging lantaran ang pagkasangkot sa ilegal na droga ng ilang Tsino sa ating bansa? Gaano na sila katagal namamayagpag dito? May koneksiyon ba sila sa pamahalaan?      Ilan Ito ang mga tanong na inilahad ni Senador Panfilo Lacson nitong Lunes kasabay ng pagsasabing dapat ay mahanapan ng solusyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board …

Read More »

Comm. Jaime Morente magpapaalam na sa BI?

Bulabugin ni Jerry Yap

BULABUGINni Jerry Yap MULI na namang umugong sa ika-apat na pagkakataon ang napipintong pagbibitiw umano sa puwesto ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente. Huh?! Na naman?! Ayon sa ilang reliable source sa Malacañang, humingi na raw ng basbas si Morente kay Pangulong Duterte upang magpaalam  dahil may plano raw itong tumakbo sa kongreso sa darating na eleksiyon. Naks …

Read More »

Ipinambayad sa utang ng ina? Katorse ‘nilapang’ ni mayor

rape

ISANG babaeng menor de edad ang naghain ng kasong panggagahasa laban sa isang city mayor ng lalawigan ng Cavite, kamakailan. Si Cavite City Mayor Bernardo “Totie” Paredes ay itinuro ng biktima, nagpakilalang pamangking buo ni Mayor Menchie Abalos ng Mandaluyong City. Base sa kanyang reklamo, nagsimula umano ang panghahalay ni Paredes noong siya ay 14 anyos, taong 2017, nang makulong …

Read More »

Himok ng US Democrats solons kay Biden:
PH Duterte kondenahin vs HR violations

Joe Biden Duterte

IPINAGKIBIT-BALIKAT ng Palasyo ang panawagan ng 11 US Democrat senators kay US President Joe Biden na kondenahin sa pinakamataas na antas ang patuloy na “pattern of human rights abuses” sa ilalim ng administrasyong Duterte. “Bahala na sila,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa usapin. Ipinauubaya ni Roque kay Biden ang pagsagot sa  panawagan ng mga Amerikanong senador. “We leave …

Read More »

Family ‘lockdown’ hikayat ng Palasyo

ni ROSE NOVENARIO HINIMOK ng Palasyo ang pagdedeklara ng family lockdown ng pinuno ng pamilya o head of the family upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng kinatatakutang Delta variant ng CoVid-19. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mas makabubuting magbigay ng direktiba ang head of the family sa kanyang kapamilya na huwag lumabas ng bahay kung hindi napakahalaga ng …

Read More »

30,000 covid-19 cases kada araw — DOH

NAGBABALA si Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega na maaaring umabot sa 30,000 kada araw ang kaso ng CoVid-19 sa bansa kapag hindi nagpatupad ng mas mahigpit na patakaran ang pamahalaan gaya ng prevent-detect-isolate-treat-reintegrate approach. “Nakatatakot kapag walang ginawa, aabot ang projection na ‘yan,” ayon kay Vega sa panayam kahapon sa DZBB. Ang muling pagsirit ng CoVid-19 cases ay maaari …

Read More »

Pondo kontra komunista mas pinaboran kaysa ayuda

ni ROSE NOVENARIO DESMAYADO si Sen. Franklin Drilon sa pagbibigay prayoridad ng administrasyong Duterte sa programa kontra komunista habang nag­kukumahog sa pag­hahanap ng pondo para sa ayuda sa mga apektado ng pandemya. Binigyan diin ni Drilon, ang P16.3 bilyong inilaan para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay ibinigay sana sa kinakailangang ayuda ng 4.2 milyong …

Read More »

Luk Foo Hot Pot sa Sucat lok-bu ang sanidad

BULABUGINni Jerry Yap MASAMA ang karanasan ng isang pamilya sa Luk Foo Hot Pot diyan sa Sucat, Parañaque. Kahapon, umorder sila for takeout. Ilan sa mga inorder nila ang steamed shrimp at spinach sauté. Heto na, pagbukas ng steamed shrimp, nakow! Steamed ipis ang bumulaga sa kanila. Yucks! Talagang titindig ang balahibo at makakalimutan mong gutom na gutom ka na.           …

Read More »

ECQ Diary, bahagi ng 17th Cinemalaya Indie Nation Full Feature category

ECQ Diary Bawal Lumabas

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KABILANG ang pelikulang “ECQ Diary (Bawal Lumabas)” sa 17th Cinemalaya Indie Nation Full Feature category. Tampok dito ang mga premyadong veteran actress na sina Ms. Elizabeth Oropesa at Ms. Daria Ramirez. Mula sa pamamahala ni Direk Arlyn Dela Cruz-Bernal, kasama rin sa napapanahong pelikula si Unica Yzabel. Ang pelikula ay tungkol sa pandemya at natapos sa panahon ng …

Read More »

Paglalatag ng Globe ng fiber sa mga tahanan at negosyo, pinabilis ng patakaran ng DPWH

Globe fiber to the home DPWH

MAS maraming tahanan at negosyo ang natayuan at nalatagan ng fiber o high-speed lines tatlong buwan mula nang ibaba ang kautusan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa ilalim ng naturang DPWH order,  pinapayagan ang mga telco na magtayo ng infrastructure projects sa mga pambansang kalsada na naaayon sa right-of-way. Ito ay nagpalakas sa pagsisikap ng Globe na …

Read More »

QCARES+ nagpasaklolo kay Belmonte para matulungan ang mga miyembro na maka-survive sa ilalim ng ECQ

Quezon City QC

NANAWAGAN ang Quezon City Advocates for Responsible Entertainment, Sports + Gaming and Wellness (QCARES +) kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na hilingin sa IATF na payagang magpatuloy ang business operations ng kanilang mga miyembro sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR). Iminungkahi ng QCARES na ikonsiderang Authorized Persons Outside of their Residence (APOR) ang …

Read More »

Isko at Honey naghanda vs Delta Variant — Bagatsing

Don Ramon Bagatsing Honey Lacuna Isko Moreno

UPANG mapigilan ang pagrami at paglawak ng mga posibleng dapuan ng Delta variant ng CoVid-19, puspusan ang ginagawang hakbang at paghahanda nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna para mapigilan ito. Ayon sa negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, nakita niya nang personal ang sinserong ginagawang hakbang ni Yorme Isko …

Read More »

2 tulak arestado P.1M shabu

shabu drug arrest

DALAWANG hinihinalang tulak ang inaresto matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga ng droga sa isinagawang anti-illegal drug monitoring ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas City chief of police (COP) Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Joseph De Leon, 33 anyos, residente sa Brgy. Tanza 2; at Eldon Casarigo, alyas Toyo, 23 …

Read More »

Iniwan ng misis, driver nagbigti (Problema sa pera at pamilya)

WINAKASAN ng isang 42-anyos driver ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti dahil sa depresyon dala ng problema sa pera at pag-alis ng asawang nag-abroad, sa Malabon City, kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Nonito Fonelas, stay-in sa Bendel Construction Supply, matatagpuan sa Don Basillio Bautista Boulevard, Brgy. Dampalit. Batay sa ulat ni P/SSgt. Jeric Tindugan kay Malabon …

Read More »

4 tulak timbog, 2 biyahero ng ‘bato’ nasakote (Sa Bulacan)

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ng mga awtoridad sa iba’t ibang mga lugar sa lalawigan ng Bulacan ang anim na hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa mga ikinasang anti-illegal drug operations nitong Miyerkoles, 28 Hulyo. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, nadakip ang anim na mangangalakal ng droga sa serye ng mga …

Read More »

Puslit na yosi ibinebenta sa mga tindahan sinalakay

Cigarette yosi sigarilyo

NAGSAGAWA ng sunod-sunod na pagsalakay nitong Miyerkoles, 28 Hulyo, ang mga awtoridad sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, laban sa mga tindahang nagbebenta ng mga puslit o ‘untaxed’ na sigarilyo. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ikinasa ng mga operatiba ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) bilang lead unit, kasama ang mga …

Read More »

Enforcer na nagposas ng driver na namatay niratrat ng riding-in-tandem (Sa Sta. Maria, Bulacan)

PATAY agad ang bumulagtang traffic enforcer na kinilalang si Mario Domingo matapos pagbabarilin ng riding in tandem habang nagmamando ng trapiko sa Brgy. Caypombo, sa bayan ng Sta.Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Huwebes, 29 Hulyo. Matatandaang nag-trending sa social media si Domingo, na kilala bilang ‘Bangis’ matapos sitahin ang isang Angelito Alcantara na nagmamaneho ng tricycle sa paglabag sa batas-trapiko. …

Read More »

Modernong kulungan, solusyon sa hawaan ng CoVid-19 sa piitan

NAIS ni Deputy Speaker at Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II na pondohan ang konstruksiyon ng modernong kulungan sa bansa upang solusyonan ang napakasikip na mga bilangguan at pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease-19 (CoVid-19), partikular ang Delta variant. Sinabi ni Gonzales, beteranong kongresista, mahalagang mapabuti ang kalagayan ng persons deprived of liberty (PDLs) o mga bilanggo sa buong …

Read More »

Libreng flights para sa PH Olympic delegation, regalo ng Cebu Pacific (EveryJuan of them deserves to fly)

Cebu Pacific plane CebPac

LUBOS na ikinararangal ng Cebu Pacific ang kabayanihan ng delgasyon ng Filipinas sa Tokyo Olympics matapos magkamit ng higit sa isang medalya sa unang pagkakataon simula noong Los Angeles 1932 Olympic Games. Kaisa ng lahat ng Filipino, ipinagmamalaki ng Cebu Pacific ang 19 atletang Pinoy na kumatawan sa ating bansa. Bilang pagkilala sa kanilang mga pagsisikap na magbigay ng karangalan …

Read More »

Sa Cebu Pac vaccination program: Libreng bakuna para sa mga empleyado, dependents sinimulan na

INILARGA ng Cebu Pacific nitong Huwebes, 29 Hulyo, ang kanilang vaccination program na layong bakunahan nang libre ang mga empleyado at kanilang mga dependent, at third-party workers. Bahagi ito ng Gokongwei Group’s CoVid Protect Program na nagsimula noong 6 Hulyo, na unang binakunahan ang frontliners mula sa Robinsons Retail.  Kabilang sa unang batch ng bibigyan ng biniling mga bakuna ng …

Read More »

Milyon-milyones na premyo ni Hidilyn Diaz ‘di tax-free

Hidilyn Diaz 2020 Tokyo Olympics

KAILANGAN ng isang batas upang maging tax-free ang lahat ng premyong ipinagkaloob kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, ayon sa Malacañang. “Well, alam ninyo po, walang Filipino na gustong buwisan ang mga pabuya na matatanggap ni Hidilyn. Pero alam ko rin po bilang abogado para magkaroon ng tax exemption, kinakailangan po ng batas,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa …

Read More »