Friday , March 24 2023
Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District ng QC, ibinahagi ni Arjo Atayde sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang anim na mga panukalang batas na inihain niya sa kongreso.

Post ni Arjo, “Filed my first 6 bills in Congress and attended an alignment meeting with the mother of QC @mayorjoybelmonte . Thank you, once again, D1 QC for putting your faith and trust in me. Looking forward to serving you for the next 3 years. I promise that I won’t stop learning and I won’t stop working.”

Ang una sa anim na bills ay ang House Bill 457, na nais gawin ang Lungsod ng Quezon City na “The Film & Television Arts Capital of the Philippines.”

Ikalawa ay ang House Bill 458, na naglalayong i-upgrade ang Quezon City General Hospital at gawing Quezon City General Hospital and Medical Center.

Ang pangatlo ay ang House Bill 459 na tinawag niyang “The Eddie Garcia Bill.”

Ang layunin nito ay mabigyan ng occupational safety and health standards ang mga worker at talent sa movie at television industry.

Dahil sa bill na ito nagsisilbing tribute ito ng aktor sa namayapqng si Eddie Garcia.

Pang pang-apat ay ang House Bill 460 o “Anti-SOGIE Discrimination Bill.” Layunin naman ng panukala na maiwasan ang pambabastos sa lugar ng trabaho dahil lamang sa sexual orientation ng tao.

Panglima ay ang House Bill 461 o “BHW Allowance & Benefits Bill” na nagnanais na  magkaroon ng Magna Carta para sa mga Barangay Health Worker.

At ang pang-anim naman ay ang House Bill 462 na nais magtaguyod sa pagkakaroon ng Virology Institute ang bansa.

O ‘di ba, bongga si Arjo, umpisa pa lang ng kanyang trabaho ay anim na bills na agad ang ipinasa niya sa kongreso na gusto niyang maging batas.

About Rommel Placente

Check Also

Gabby Concepcion

Gabby bibili malaking property, mga anak pagsasama-samahin

HATAWANni Ed de Leon HAPPY si Gabby Concepcion na sinasabing ilang buwan na lang at lolo na …

GMA7 ABS-CBN

ABS-CBN suko na, tanggap nang GMA ang nangungunang network

HATAWANni Ed de Leon MALUNGKOT din namang marinig iyong sinasabing sumuko na ang ABS-CBN at kinikilala na …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

DonBelle FranSeth Donny Pangilinan Belle Mariano Francine Diaz Seth Fedelin

DonBelle, FranSeth at iba pang youngstar tampok sa  Star Magical Prom 

ISANG maningning na gabi na puno ng saya at pagmamahal ang handog ng Star Magic para opisyal …

Klea Pineda

Klea Pineda umaming gay, member ng LGBTQIA+

RATED Rni Rommel Gonzales INAMIN ni Klea Pineda na isa siyang gay nang ipagdiwang niya ang kanyang …