Monday , August 8 2022
MMDA, NCR, Metro Manila

Flood control sa Metro gumana na — MMDA

NAKOMPLETO na ngayong taon ang kabuuang proyekto sa flood control ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na una nang binanggit ng Commission on Audit (COA) na naantala noong 2021.

Ipinaliwanag ni Engineer Baltazar Melgar, pinuno ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO), at kasalukuyang officer-in-charge ng MMDA,  ang naka-programang 59 flood control projects sa Metro Manila para sa 2021 ay hindi natapos dahil sa pandemya at iba pang kadahilanan.

Aniya naantala, ang procurement process dahil sa pandemyang CoVid-19; late o nakabinbing pagpapalabas ng mga clearance mula sa local government units at iba pang kinauukulang tanggapan ng gobyerno; mga isyu sa right-of-way; relokasyon ng mga pamilyang informal settler; pagbabago sa pagkakasunud-sunod dahil sa karagdagang mga item/realignment ng mga aktibidad ayon sa kasalukuyang sitwasyon/kondisyon sa site sa pagpapatupad; at mga paghihigpit sa mobility ng manggagawa at kagamitan na dala ng pandemya.

“Projects are only minor ones like pipe-laying, drainage and riverbank improvements, and rehabilitation of waterways leading to agency-operated pumping stations,” anang opisyal.

Tiniyak ni Melgar, ‘operational and serviceable’ na ngayong taon na unti-unti nang bumabalik sa normal  ang sitwasyon.

Ngayong tag-ulan, ang lahat ng 77 pumping stations sa Metro Manila ay gumagana sa full capacity, aniya.

Gayondin, ang flood-mitigation activities para sa declogging at  paglilinis ng daluyan ng tubig tulad ng mga estero at sapa sa buong taon. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …