Friday , January 10 2025

News

Sa Pakil, Laguna
PAGTUTOL SA AHUNAN PUMPED STORAGE HYDROPOWER PROJECT NAGLUWAL NG MANAPAK

Mamamayang Nagmamahal Sa Pakil MANAPAK

ISANG samahan na nabuo dahil sa pagtutol sa pagtatayo ng dam sa bayan ng Pakil ang nagkaroon ng libreng palengke. Ang Mamamayang Nagmamahal Sa Pakil (MANAPAK) kasama ang iba pang organisasyon ay nagsagawa ng Sunday Free Market sa Rizal Covered Court, Brgy. Taft, Pakil, Laguna nitong nakaraang 4 Setyembre 2022. Nagkaroon ng libreng pakain, libreng gupit, libreng mga damit at mga kagamitan …

Read More »

Sa one-time big time ops vs ilegal na sugal
1,162 SUSPEK TIMBOG SA CALABARZON

PNP PRO 4A Calabarzon Police

NASAKOTE ang may kabuuang 1,162 indibidwal sa buong rehiyon ng CALABARZON sa isinagawang One-Time Big Time (OTBT) Operations Against Illegal Gambling ng pulisya nitong Martes, 6 Setyemrbe. Nagkasa ang mga police unit ng PRO-A PNP ng 496 operasyon sa magdamag, na ikinahuli ng mga indibidwal na sangkot sa tupada, paglalaro ng cara y cruz, pusoy, tong-its, Lucky 9, mahjong, video …

Read More »

Panaderong rank No. 2 MWP ng Laguna arestado sa manhunt ops

Boy Palatino Panaderong rank No 2 MWP ng Laguna arestado sa manhunt ops

NASAKOTE ang pangalawang most wanted person sa Provincial Level sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Laguna, nitong Martes ng gabi, 6 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO, ang suspek na si Edmar Bacaling, 26 anyos, panadero, at residente sa Brgy. Sto. Angel Central, sa nabanggit na bayan. …

Read More »

Sa one-time big time ops vs ilegal na sugal
130 SUGAROL SA BULACAN SWAK SA SELDA

Bulacan Police PNP

ARESTADO ang may kabuuang 130 indibidwal sa isinagawang one-time big time operation laban sa mga ilegal na sugalan ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 6 Setyembre. Sa ulat kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, isingawa ang serye ng mga anti-illegal gambling operations ng mga tauhan ng mga police stations at Provincial Mobile Force Company …

Read More »

2 drug suspects nasakote sa P.5-M droga

shabu

KALABOSO ang dalawa katao nang maaresto sa ikinasang buy bust operation ng Taguig Police, nasamsaman ng higit P500,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Southern Police District (SPD) Acting Director P/Col. Kirby John Brion Kraft ang mga suspek na sina Zenorin Midtimbang, alyas Jenorin, driver, 41, at Johari Candot Taup, …

Read More »

2 lalaki timbog sa P238K shabu

shabu drug arrest

TIMBOG ang dalawang drug suspects sa ikinasang drug buy bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (SPD) sa MIA Road sa harapan ng Tambo National High School, Parañaque City. Kinilala ang mga suspek na sina Jovelyn Yuzon Ayuste, a.k.a Kim, 25 anyos (SLI-Pusher), at Robert John Lalisan Valle, 34 anyos. Nakompiska mula sa mga …

Read More »

Para sa mga edad 6-23 buwan
HEALTHY FOODPACKS VS MALNUTRISYON 

Taguig

PARA LABANAN ang malnutrisyon sa bawat komunidad, nag-ikot ang mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Taguig kasama ang ilang Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa lahat ng barangay sa lungsod upang mamahagi ng complementary food packs para sa mga batang may edad mula anim hanggang 23 buwan. Ayon sa Taguig City Nutrition Office, ang mga food pack ay naglalaman ng mga …

Read More »

350 OFWs pinauwi mula Kuwait

OFW kuwait

UMABOT sa 350 pinauwing overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, Martes ng gabi, sakay ng chartered flight ng Philippine Airlines flight PR8764. Ayon sa Manila lnternational Airport Authority (MIAA) ang nakauwing OFWs ay tinulungan ng mga kinatawan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) pagdating …

Read More »

P.1-M shabu kompiskado
LOVERS NA TULAK, KALABOSO

lovers syota posas arrest

SA KULUNGAN na didiskarte ng kabuhayan ang live-in lovers na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Shiela Francia Guy, 39 anyos, at Michael Bonan, 47 …

Read More »

Nanay nakatulog  
SANGGOL NALUNOD SA ILOG

dead baby

PATAY ang isang sanggol na lalaki na hinihinalang nahulog at nalunod sa ilog sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Sa inisyal na ulat ni P/Cpl. Florencio  Nalus, dakong 1:30 pm, nakatulog ang ina kasama ang biktima pero nang magising  ay wala na sa kanyang tabi ang sanggol. Kaagad hinanap ng ina ang kanyang sanggol at nagtanong-tanong sa mga kapitbahay na …

Read More »

Libingan alinsunod sa kulturang Muslim isinusulong sa Senado

Muslim Cemetery

MATITIYAK ang paglibing ng mga yumaong Muslim at katutubo na nararapat sa kanilang pananampalataya at kultura sa oras na maging batas ang panukalang inihain ni Sen. Robinhood Padilla. Sa Senate Bill 1273, sinabi ni Padilla, nahihirapan ang ilang grupo tulad ng mga Muslim na ilibing ang kanilang yumaong mahal sa buhay dahil kulang ang public cemetery na naaayon sa kanilang …

Read More »

Energy subsidy program para sa PUVs, pasahero vs oil price at fare hikes

NAIS ni Senador Win Gatchalian na magpatupad ng energy subsidy program na magbibigay ng safety net para sa sektor ng pampublikong transportasyon mula sa pagtaas ng presyo ng langis na kalaunan ay pipigil din sa posibleng pagtaas ng pasahe. Ayon kay Gatchalian, kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan nitong mga nakaraang buwan, sinabi ng Land Transportation …

Read More »

Bilang Comelec at CSC chairs
GARCIA, NOGRALES KINOMPIRMA NG CA 

Erwin Garcia Karlo Nograles

MABILIS nainaprobahan ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang kompirmasyon at nominasyon nina Atty. George Erwin Garcia, bilang Chairman ng Commission on Elections (Comelec), at dating cabinet secretary, Atty. Karlo Alexei Nograles, bilang chairman ng Civil Service Commission (CSC).   Ginawa ang kompirmasyon sa rekomendasyon ng Committee on Constitutional Commission na pinamumunuan ni Senadora Cynthia Villar, matapos isalang sa kanyang komite …

Read More »

Sa open spaces
FM JR., ‘APRUB’ SA BOLUNTARYONG PAGSUSUOT NG FACE MASK 

Bongbong Marcos face mask

MAY verbal approval ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa open spaces bagama’t hinihintay pa ang paglalabas at paglagda sa executive order para maging ganap itong polisiya na ipatutupad sa buong bansa.                “So actually the very reason why we are having this presscon and initially informing the public of this was because there was …

Read More »

Taguig Love Caravan hahataw sa 3 barangay

Taguig

MULING Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Taguig, sa pamamagitan ng Medical Assistance Office, ang Taguig Love Caravan, isang programa na naglalayong maiparating ang mga serbsiyong medical, dental, at wellness sa mga Taguigeño. Naka-iskedyul para sa linggong ito: 6 Setyembre 2022 – San Miguel; 7 Septyembre 2022 – Central Signal; at 8 Setyembre 2022 sa Fort Bonifacio. Maaaring magpa-check-up, magpabunot ng …

Read More »

3 ‘lak-tu’ huli sa MJ at shabu

SPD, Southern Police District

NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang halagang P148,664 hinihinalang shabu at marijuana sa tatlong ‘itinurong’ tulak sa magkahiwalay na anti-drug operations sa mga lungsod ng Las Piñas at Parañaque. Base sa ulat, nagsagawa ng buy bust operation ang Parañaque Police, dakong 10:20 sa Manila Memorial Park sa Brgy. BF Homes nang makatanggap ng reklamo na lantarang …

Read More »

P136K shabu kompiskado MAGDYOWANG TULAK SWAK SA HOYO

lovers syota posas arrest

DERETSO sa kulungan ang magdyowang tulak makaraang kumagat sa buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City police ang mga naarestong suspek na sina Rhuven Daguplo, alyas Toto, 40 anyos, at Jennifer Espiritu, alyas Jen, 39 anyos, kapwa residente sa Bougainvillea St., Sitio Gitna …

Read More »

Binata binugbog, sinaksak
3 SA 4 SUSPEK ARESTADO SA MALABON 

Malabon Police PNP NPD

NAGTAGUMPAY ang mga awtoridad sa isinagawang follow-up operation nang tatlo sa apat na mga suspek na sumaksak at nambugbog sa isang binata sa Malabon City ang kanilang nasakote.                Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Ryan Frederick Calidro, 20 anyos, Sean Andrei Paragas, 18 anyos, at Rodrigo Caples, Jr., 22 anyos, pawang …

Read More »

Pagluwag sa paggamit ng face mask, hinihimay ng IATF

Face Shield Face mask IATF

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., masusi nang pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panukalang luwagan ang face mask rule sa bansa. Ayon kay Abalos, kailangan nilang pag-aralang mabuti ang naturang panukala lalo ngayong patuloy pa rin ang laban ng bansa kontra CoVid-19. Aniya, maaaring maglabas ang IATF ng desisyon …

Read More »

Dalaga pinatay ng lover sa QC

knife, blood, prison

NAAAGNAS na ang bangkay ng 19-anyos dalaga na sinasabing napatay sa saksak ng kaniyang boyfriend, nang matagpuan sa nirerentahan nitong unit sa Quezon City, Martes ng gabi.                Ang biktima, kinilalang si Daisy Rose Recla Pascual, 19, dalaga, customer care assistant, tubong Davao at nangungupahan sa No. 253 Atherton St., Phase 8, Brgy. North Fairview, sa lungsod. Agad naaresto ang …

Read More »

CALABARZON most wanted tiklo sa Laguna

Arrest Posas Handcuff

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted sa Regional Level sa ikinasang joint manhunt operation nitong Lunes, 5 Setyembre, sa bayan ng Victoria, lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO, ang suspek na si Baltazar De Leon, 59 anyos, construction worker, at residente sa Brgy. San Benito, sa nabanggit na …

Read More »

Lolo patay, apo sugatan sa ambulansiya 

road accident

ISANG lolo ang binawian ng buhay, habang sugatan ang kanyang apong lalaki matapos mabangga ng ambulansiya ang sinasakyan nilang e-trike sa Hacienda Layagon Rd., Brgy. Lalagsan, sa bayan ng La Castellana, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Lunes, 5 Setyembre. Kinilala ang biktimang si Emeterio Ordas, 72 anyos, residente sa naturang barangay. Ayon kay P/MSgt. Polen Jabagat, traffic investigator ng La …

Read More »

PNP PRO3 hinangaan at pinuri ni Gov. Daniel

PNP PRO3 Bulacan Daniel Fernando

“LAGI nating isapuso ang sinumpaan nating tungkulin: ang maglingkod at magbigay ng proteksiyon.” Ito ang mensahe ni Gob. Daniel Fernando ng Bulacan, unang gobernador na naimbitahan bilang panauhing pandangal sa isinagawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat kasama ang Philippine National Police-Police Regional Office sa pamumuno ni P/BGen. Cesar Pasiwen na ginanap sa PRO3 Parade Ground, Camp Julian Olivas, sa lungsod ng …

Read More »