Wednesday , June 19 2024
Most wanted na lider ng drug group timbog sa CIDG-Bulacan

Most wanted na lider ng drug group timbog sa CIDG-Bulacan

HINDI nakapalag sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) Bulacan ang notoryus na lider ng isang drug group na sangkot sa malawakang bentahan ng droga sa Cavite, NCR at Bulacan.

Sa ulat mula kay CIDG Provincial Office P/Major Jervies Soriano, kinilala ang suspek na si Ali Gasa Pangcoga, 41 anyos, alyas Pao Pogi, tubong Marawi City at lider ng Ali Gasa Drug Group, residente sa Brgy. Bambang 1 sa bayan ng Bulakan, Bulacan.

Base sa paunang imbestigasyon ni P/MSgt. Jayson Dela Cruz, nasukol sa inuupahan nitong bahay sa nabanggit na barangay si alyas Pao Pogi at nakompiskahan ng isang kalibre .45 baril at mga bala.

Nabatid na taong 2016 pa nagsimulang magbenta ng ilegal na droga si alyas Pao Pogi, inaresto sa bisa ng warrant of arrest na may cc.no.419-420-M-2024 sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165 na inilabas ng Branch 121 Meycauayan RTC.

Siya ang itinuturong pumatay sa dalawang asset ng pulis sa siyudad ng Meycauayan at siya rin ang inginuso na nagpapatay sa dalawa sa kanyang mga tauhan.

Napag-alamang si alyas Pao Pogi ay No. 7 most wanted sa lalawigan ng Bulacan at No. 1 most wanted sa siyudad ng Meycauayan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

blind item

Male starlet nagbanta kung walang project goodbye produ na

ni Ed de Leon INAMIN ng isang male starlet na ginawa niya ang lahat ng ipinagawa sa …

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

NAG-ALOK ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng scholarship sa 145 Navoteño elementary at high school …

TiboQC Federation Pride March QC Joy Belmonte

300 miyembro ng TiboQC lalahok sa Pride Month

MAHIGIT 300 miyembro ng TiboQC Federation ang inaasahang lalahok sa Pride March sa lungsod sa …

Lunod, Drown

Naligo sa ulan 
8-ANYOS TOTOY PATAY SA CREEK

WALA NANG BUHAY nang matagpuan ng mga rescuer ang katawan ng isang batang lalaki na …

dead gun police

Mangingisda patay sa pamamaril

PATAY ang isang mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa bahagi ng karagatan …