Tuesday , June 25 2024
Migz Zubiri

Migz sinagot black propaganda: cybel libel ikakaso sa fake news peddlers 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KUNG maintriga ang showbiz, ganoon din ang politics. At dito’y hindi nakalusot ang dating Senate President na si Juan Miguel “Migz” Zubiri na binato ng kung-ano-anong intriga na karamihan ay fake news.

Kaya naman Isa-isang sinagot ng dating Senate President ang lahat ng black propaganda na ipinukol sa kanyang reputasyon at pangalan na matagal niyang inalagaan, kasabay ng banta ng pagpa-file ng kasong cyber libel sa lahat ng taong naglalabas ng fake news laban sa kanya.

Ang mga lumabas na black propaganda, ani Zubiri, ay nakapaloob sa maraming videos na nagkakalat ng malisyosong tsismis na ipinost sa social media at na-timing sa kanyang pagbaba bilang Senate President. 

“They came out with a first set of videos two months ago, on the first attempt to unseat me. When that failed, they produced a part two video, which was released during the week of the second attempt. The timing is impeccable,” ani Zubiri.

May “impeccable timing” umano ang black propaganda dahil lumabas ito kasabay ng kanyang pagbaba bilang Senate President.

“It’s an obvious attempt to discredit my leadership and taint my name. And they’re funneling huge amounts of money into this campaign – from production to promotion,” sabi pa ni Zubiri.

“So to whoever’s spreading these lies to make it look like I’m pocketing government money to buy mansions and jets, these are totally false. I hope they’re ready because I will be filing cases and will not stop until justice prevails.”

Ayon sa mga fake new video, mayroon daw umanong bahay si Zubiri sa Forbes Park, kasama ang private airplanes, jets at helicopters, at galing daw umano ito sa katiwalian.

“Walang katotohanan yan,” deklarasyon ni Zubiri, kasabay ng paghahamon na kung may makita silang bahay ng senador sa Forbes, sa kanila na iyon.

Depensa pa ni Zubiri, wala siyang pag-aari sa Forbes Park. “‘Yung bahay ko ngayon, na wala sa Forbes, ay nabili ko noong 2009 pa po. At nasa SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth) ko po iyan,” dagdag pa.

Sa isyu naman ng pribadong mga eroplano, ipinaliwanag niya na humihiram lang siya  para magampanan ang mga obligasyon bilang senador – lalo na noong panahon niya bilang Pangulo ng Senado, at lalo kung hapit ang schedule.

Kasama rin sa mga balita ang pagpapatayo ni Zubiri ng isang resort sa Camiguin – na siya namang inamin ng senador.

“This is not a private hideaway, and you can find the property in my SALN,” aniya. 

Nagpapatayo ako ngayon doon ng maliit na resort, dahil naniniwala ako sa ganda ng Camiguin at ng Northern Mindanao, at gusto kong tumulong na gawin itong top tourist destination dito sa Pilipinas,” paliwanag pa ni Zubiri.

Sinabi rin ng senador na bilang negosyante, “may kaya naman po tayo.”

Ang pamilyang Zubiri, na nakabase sa Bukidnon, ay matagal nang nasa industriya ng pagpo-proseso ng asukal at pagtatanim ng pinya. Ang senador mismo ay may negosyong planta ng industrial ice sa Iloilo at Cagayan, at planta ng renewable energy sa Bukidnon.

“May income po tayo, at nasa SALN ko po lahat iyan. And we pay all our taxes,” sabi niya.

I always encourage aspiring politicians to have their own sources of income separate from public service. Para walang temptation na mangurakot sa kaban ng bayan,” pagpapatuloy ni Zubiri.

Matagal na ako sa politika, and I take pride in maintaining a clean record. Wala tayong scandals sa pera ng bayan. Kasama ba tayo sa Napoles Scandal? Hindi. Dahil hindi tayo sumang-ayon sa paglagay ng pera ng bayan sa mga private foundation.”

Noong panahon niya sa Kamara, natatandaan ni Zubiri na nilapitan siya ng dalawang tao sa magkahiwalay na okasyon at hinihingi ang kanyang pirma sa liquid fertilizer scam, kapalit ng P5-M. Galit niyang pinaalis at tinanggihan ang mga iyon.

“I am proud that I was never part of those PDAF and fertilizer scams in previous administrations,” dagdag pa ng senador.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Toll collection sa Cavitex suspendido nang 30 araw

IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang magandang balitang natanggap niya mula sa Philippine Reclamation …

Bamban mayor, 13 pa inasunto sa ilegal na POGO

NAHAHARAP sa isang asuntong kriminal  si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasama ang 13 iba …

Sa asuntong human trafficking  
MAYOR ALICE GUO KOMPIYANSA VS PARATANG  
Walang ebidensiya para tawaging kasabwat

HATAW News Team NANINDIGAN si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala siyang koneksiyon sa …

Two DOST Region 02 Women Earn Certification as CagVal RPGRPs 1

Two DOST Region 02 Women Earn Certification as CagVal RPGRPs

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 is proud to announce that two …

SM Fire Volunteers 1

BFP, DILG, and SM Prime empower communities through 1st fire volunteers assembly

In a demonstration of its commitment to community safety, the Bureau of Fire Protection (BFP) …