Tuesday , June 25 2024
Eva Darren Kathryn Bernardo Alden Richards

KathDen, Eva Darren bibigyang pagkilala ng Gawad Dangal Filipino Awards 2024

MA at PA
ni Rommel Placente

PARARANGALAN ng Gawad Dangal Filipino Awards 2024 sina Kathryn BernardoAlden Richards, at ang beteranang aktres na si Eva Darren.

Ang Gawad Dangal Filipino Awards 2024 ay taunang pagkilala sa mga personalidad na nakapag-ambag at nakapagpakita ng husay sa iba’t ibang larangan na siyang nakaimpluwensiya sa kultura, tradisyon, at lipunan ng Pilipinas.

Sina Kathryn at Alden ay tatanggap ng award bilang Most Outstanding Loveteam of the Year.

Ito ang pangalawang pagkilala sa kanilang tambalang KathDen, matapos silang parangalan din sa 52nd Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) bilang Box Office King and Queen.

Habang si Eva naman ang kinilala sa Gawad Dangal Filipino Awards 2024 bilang Most Empowered Veteran Actress of the Year.

Ang ilan pa sa mga pararangalan ay sina Maricel Soriano bilang Best Actress para sa pelikulang In His Mother’s Eyes, Piolo Pascual (Mallariat Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes na gumanap silang magkapatid ni Maricel.

Ang mag-asawang Marian Rivera at Dindong Dantes naman ay tatanggap ng award bilang Box-Office King and Queen dahil sa pagiging blockbuster ng pelikula nilang Rewind na ipinalabas  last year sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang Gawad Dangal Filipino Awards ay gaganapin sa June 19 sa Sequoia Hotel Manila Bay.

Ang aming kaibigan, ang award winning actor at director na si Romm Burlat ang presidente ng Gawad Dangal Filipino Awards.

About Rommel Placente

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Poging BL Star nalaglagan ng poppers at lubricant habang pinagkakaguluhan ng mga faney

ni Ed de Leon IYON namang isang Poging BL Star, nagbakasyon yata sa abroad. Nasalubong siya roon …

Blind Item, Men

Young Male Star madalas sa orgynuman, fave imbitahan sa secret gay parties

ni Ed de Leon NAALALA tuloy namin ang isang tsismis pang narinig namin, iyong si Young …

Ronnie Liang Harry Roque AR dela Serna

Ronnie Liang nadamay lang sa usaping Harry at AR

HINDI naman daw date ang nakita sa video na magkasama sina Ronnie Liang at Harry Roque. Iyon pala …

Stell Ajero Charice Pempengco David Foster

Charice Pempengco tuluyan nang binura ni Stell

HATAWANni Ed de Leon “MAG-CHARICE Pempengco ka ulit gulatin mo ang mga tao,” ang reaksiyon ni Racquel …

Kevin Costner Horizon An American Saga 

Horizon: An American Saga ni Kevin Costner na binigyan ng standing ovation sa Cannes mapapanood na sa June 28

NAGBABALIK ang aktor/direktor na si Kevin Costner sa pamamagitan ng pelikulang Horizon: An American Saga na nagtatampok din kina Sienna …