Tuesday , July 8 2025
Pastor Quiboloy

Warrant of arrest isinilbi vs Quiboloy, 5 iba pa

NAGTUNGO ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Special Action Force (SAF) sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Buhangin District, lungsod ng Davao, nitong Lunes 10 Hunyo, upang ihain ang warrant of arrest laban sa kanilang pinunong si Pastor Apollo Quiboloy, at limang iba pa.

Ayon kay P/Maj. Catherine dela Rey, tagapagsalita ng PNP PRO 11, isinilbi ang warrant of arrest laban sa kontrobersiyal na pastor at limang iba pang suspek matapos ang malalim na imbestigasyon kaugnay sa mga kasong child abuse, sexual abuses, at anti-trafficking law.

Paglilinaw ni Dela Rey, walang naganap na raid kahapon ng umaga kundi hinanap ng mga awtoridad ang anim na suspek kabilang si Pastor Quiboloy na subject ng arrest warrant.

Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan na nauwi sa pag-spray ng tubig sa mga awtoridad ng mga tagasuporta ng suspek na pastor nang ayaw nilang papasukin ang mga alagad ng batas.

Nakita sa kuha ng Sonshine Media Network International (SMNI) ang insidente hanggang makapasok ang mga awtoridad sa compound ng KOJC upang hanapin si Quiboloy, na nakatalang pugante, limang iba pa na akusado sa tatlong krimen.

Bigong madakip si Quiboloy ng mga awtoridad dahil hindi siya natagpuan sa mga compound ng KOJC.

Sinampahan si Quiboloy ng kasong paglabag sa Section 5(b) ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, at Section 10(a) of RA 7610 sa hukuman sa lungsod ng Davao.

Kinahaharap din ni Quiboloy ang kasong Qualified Human Trafficking sa ilalim ng Section 4 (a) ng RA 9208, na nakasampa sa lungsod ng Pasig.

Parehong naglabas ang mga hukuman sa lungsod ng Davao at Pasig ng warrants of arrest laban kay Quiboloy at iba pang mga akusado.

Pinayagan ng Korte Suprema ang hiling ng Department of Justice (DOJ) na ilipat ang mga kasong kriminal laban kay Quiboloy mula lungsod ng Davao sa Quezon City noong nakaraang buwan upang matiyak ang makatarungang pagdinig.

Kabilang ang Senate Committee on Women, na pinangungunahan ni Sen. Risa Hontiveros, sa pagpupursigi sa pagdakip kay Quiboloy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NBI MAG-ASAWA ARESTADO SA KASONG EXTORTION Lalaki nagpanggap na NPA

MAG-ASAWA ARESTADO SA KASONG EXTORTION
Lalaki nagpanggap na NPA

HALOS pitong taon naging biktima ng protection racket at extortion ang isang negosyanteng taga-Caloocan City …

Luis Manzano Vilma Santos

Luis tutulong sa  non-civic project ni Vilma

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA ilang shows na inialok kay Luis Manzano na gustong balikan, ang Rainbow Rumble ang …

Roselio Troy Balbacal

Actor/model Roselio Troy Balbacal nanumpa  

MATABILni John Fontanilla NANUMPA na ang mga bagong-halal na opisyal ng bayan ng Tuy, Batangas …

BINI Gary V Alagang Suki Fest

Unilab at Mercury Drug ipagdiriwang 80 taon; P-Pop at OPM stars kasama sa Alagang Suki Fest 2025

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKABIBILIB ang katatagan at kahusayan ng Unilab at Mercury Drug. Kasingtagal na sila ng …

SM Foundation KSK 1

Farmers plant their way to financial security through backyard gardening

For years, many Filipino farmers have been unable to break the cycle of debt and …