Sunday , November 24 2024

News

Ice at Liza suportado proposed bill ni Robin sa mga karapatan ng same sex couple

Ice Seguerra at Liza Diño Robin Padilla

MA at PAni Rommel Placente SA ilalim ng proposed bill ni Sen. Robin Padilla, binibigyang karapatan ang same-sex couples sa “civil union, adoption, and social security and insurance benefits.” Papatawan ng mga kaukulang parusa ang sinumang lalabag, “who knowingly or willfully refuses to issue civil union licenses or certificates despite being authorized to do so.” Sa panukalang-batas na ito ni Robin …

Read More »

Arnell ‘di matatawaran track record sa public service 

Arnell Ignacio

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KILALA at ka-Facebook ko si Arnell Ignacio kaya aware ako sa mga ginagawa niyang pagtulong. Pero hindi pa man naitatalaga si Arnell sa anumang posisyon sa gobyerno, kilala na siya sa pagiging matulungin. Kaya naman hindi na kataka-taka na nang mabigyan ng posisyon sa PAGCOR eh, marami na siyang natutulungan. Hindi na nga matatawaran ang kanyang dedikasyon at …

Read More »

Kaligtasan, learning recovery ng mga estudyante kailangan

Students school

SA PAGBUBUKAS ng School Year 2022-2023, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at magpatupad ng mga hakbang tungo sa tinatawag na learning recovery. Ang pagbisita ni Gatchalian sa Marulas Central Elementary School at Valenzuela National High School sa Valenzuela City sa unang araw ng face-to-face classes ay upang suriin ang kahandaan ng …

Read More »

Baclaran CES dinagsan ng enrollees

Baclaran Central Elementary School

INIHAYAG ni Maria Carina Bautista principal ng Baclaran Central Elementary School, susunod sila sa direktiba ng Department of Education (DepEd) na walang tatanggihang estudyanteng nais mag-enrol sa kanilang paaralan. Ayon sa principal kakaunti ang nag-enrol sa kanilang eskuwelahan ngunit nagulat siya kahapon, Sa unang araw ng face-to-face classes ay dumagsa ang mga magulang kasama ang kanilang mga anak na nais …

Read More »

F2F classes binisita ng LGU chief

Lani Cayetano Taguig Signal Village School

PERSONAL na binisita ni Taguig City Mayor Lani  Cayetano, ang mga mag-aaral sa Signal Village National High School na binuksan ang klase para sa School Year 2022-2023 kahapon, 22 Agosto 2022. Kabilang sa bumisita sina DepEd TaPat Schools Division Superintendent Dr. Margarito Materum, School Governance and Operations Division (SGOD) Chief Danny Espelico, at Councilor Marisse Balina-Eron ang mga mag-aaral. Naging …

Read More »

Sisterhood Agreement ng Valenzuela at Cortes municipality nilagdaan

Sisterhood Agreement Valenzuela Cortes

BUMUO ng sisterhood pact ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela at munisipalidad ng Cortes, Surigao del Sur para patatagin ang alyansa ng dalawang lungsod sa pamamagitan ng isang sisterhood agreement na nilagdaan ni Mayor Wes Gatchalian at Mayor Josie Bonifacio. M.D. Nakapaloob ang sisterhood agreement sa isang resolusyon na inaprobahan ng Konseho ng Lungsod ng Valenzuela. Ang Resolution No. 1507, Series …

Read More »

15-anyos kasama rin  
3 ‘ADIK’ SWAK SA KULUNGAN

shabu drug arrest

TATLONG hinihinalang adik sa droga ang binitbit papasok sa kulungan, kasama ang isang 15-anyos na binatilyo na nasagip sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang mga naarestong suspek na sina Aldrin Lupas, 25 anyos, ng Navotas City; Mike Alegado, alyas Chukoy, 40 anyos, …

Read More »

Utos ng DILG sa LGUs  
DSWD TULUNGAN SA PAMAMAHAGI NG AYUDANG PANG-ESTUDYANTE 

DSWD DILG Money

INATASAN ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., ang local government units (LGUs) na tulungan sa manpower ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matiyak na magiging maayos at hindi na mauulit pa ang nangyaring kaguluhan sa pamamahagi ng ayudang pinansiyal sa mahihirap na mag-aaral. Kasalukuyang ipinatutupad ng DSWD ang programang Assistance to Individuals …

Read More »

Mag-asawang Tiamzon ng CPP-NPA patay sa sumabog na bangka?

Benito Tiamzon Wilma Tiamzon

IPINAKOKOMPIRMA ng militar kung kasama ang mag-asawang Benito Tiamzon at Wilma Tiamzon sa mga namatay sa sumabog na bangka sa Catbalogan City, Samar, kahapon. Sinabi ni 8th Infantry Division (8ID) of the Philippine Army (PA) commander Maj. Gen. Edgardo De Leon, naganap ang insidente dakong 4:20 am sa bisinidad ng Catbalogan City at Buri Island. Nang makatanggap ng impormasyon ang …

Read More »

Kontrolado para hindi ‘nega’ sa lipunan
PROPESYONAL NA E-SABONG, IPATUTUPAD 

e-Sabong

INIHAYAG ng grupo ng gamefowl breeders na magiging  propesyonal at kontrolado ang pinakahihintay na pagbabalik ng e-sabong  sa bansa para maibsan ang pangamba ng publiko hinggil sa mga negatibong epekto nito sa lipunan. Ayon sa tagapangulo ng Gamefowl Affiliates of Pitmasters-Philippines Batangas na si Fermin Solis, ito’y dahil nakikita niyang malaki ang potensiyal ng industriya na lumago. Aniya, naiintindihan niya …

Read More »

Eksekusyon at paggasta itama – solon
GOV’T FUNDS KUNG HINDI ‘NAKAPARADA’ WINAWALDAS 

082322 Hataw Frontpage

HINIMOK ni Batangas Rep. Ralph G. Recto ang pamahalaang Marcos na ayusin ang problema ng paggastos ng pera ng bayan ng bawat ahensiya ng pamahalaan. Ayon kay Recto, kailangang gamitin ng pamahalaan ang budget upang mapabilis ang serbisyo. “When it comes to public spending, the problem is not in budget authorization, or when Congress approves the budget, but in budget …

Read More »

Sa pamamahagi ng DSWD educational aid,
29 SUGATAN SA STAMPEDE SA ZAMBO CITY 

DSWD

SUGATAN ang hindi bababa sa 29 katao sa pilang nauwi sa stampede sa pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng educational assistance nitong Sabado, 20 Agosto, sa lungsod ng Zamboanga. Ayon sa tala mula sa Zamboanga City Medical Center, nasaktan ang dalawang lalaki at 27 babae, may edad 16-58 anyos, karamihan ay benepisaryo ng nabanggit na ayuda …

Read More »

Pangatlo sa isang linggo,
‘SALVAGE’ VICTIM ITINAPON SA QUEZON

dead

NATAGPUAN ang katawan ng isang lalaking pinaniniwalaang biktima ng ‘salvage’ o summary execution sa Maharlika Highway, sa bayan ng Pagbilao, lalawigan ng Quezon, nitong Sabado, 20 Agosto. Nabatid, pangatlo ito sa mga natagpuang katawan sa lalawigan sa loob ng isang lingo. Ayon sa lokal na pulisya, nadiskubre ng isang concerned citizen ang bangkay sa gilid ng kalsadang bahagi ng Sitio …

Read More »

Magturo puwede kahit walang turok
TEACHERS, SCHOOL PERSONNEL 92% BAKUNADO — DEPED

deped

TINIYAK ng Department of Education (DepEd), 92% ng teaching at non-teaching personnel na sasabak sa face-to-face classes ngayong araw ng Lunes, 22 Agosto, ang kompleto na sa primary vaccine series laban sa Covid-19. Gayonman, ipinahayag ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd, ipatutupad pa rin ang “No Discrimination Policy” sa mga eskuwelahan at papahintulutan ang mga guro at estudyante sa …

Read More »

Sa Pangasinan
LOLANG SEXAGENARIAN NAHULOG SA MANHOLE,  NASAGIP PERO NATODAS

Man Hole Cover

ISANG lola, tinatayang edad 60-anyos pataas ang binawian ng buhay sa ospital matapos mahulog sa isang bukas na manhole sa isang kinukumpuning kalsada sa bayan ng Infanta, lalawigan ng Pangasinan, nitong Sabado, 20 Agosto. Inilarawan ng Pangasinan PPO ang biktima na isang babaeng nasa edad 60-anyos pataas, at nakasuot ng itim na kamiseta at pantalon. Ayon sa nakasaksing si Angelo …

Read More »

Palutang-lutang sa ilog
NAWAWALANG ESTUDYANTE NATAGPUANG PATAY

Dead body, feet

NATAGPUANG palutang-lutang sa ilog nitong Sabado ng umaga, 20 Agosto, ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng naiulat na ilang araw nang pinaghahanap sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang biktimang si Juliana Marie Billones, 21 anyos, first year college student, at residente sa Brgy. Nagbalon, sa nabanggit na bayan. Sa tala ng Marilao MPS, iniulat …

Read More »

Bulacan PPO handa na sa Balik Eskwela 2022

Bulacan Police PNP

INILUNSAD ng Bulacan PPO ang programang Ligtas Balik Eskwela kaugnay sa nakatakdang face-to-face classes ngayong araw ng Lunes, 22 Agosto. Inihayag ni P/Col. Charlie Cabradilla, provincial director ng Bulacan PPO, 297 police officers kabilang ang Covid-19 patrollers ang itatalaga sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan at mga unibersidad gayondin sa mga estratehikong lugar at iba pang pasilidad na kinakailangang …

Read More »

Carnapper, drug dealer, kinalawit ng Bulacan Police

arrest, posas, fingerprints

MAGKASUNOD na dinakip sa inilatag na anti-crime drive ng pulisya ang isang lalaking hinihinalang carnapper at isang pinaniniwalaang drug dealer sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 20 Agosto. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si John Lagrimas, 26 anyos, arestado sa pagnanakaw ng motorsiklo sa ikinasang follow-up operation ng …

Read More »

Joyride driver, kasabwat, timbog sa buy bust

shabu drug arrest

SHOOT sa kulungan ang dalawang bagong identified drug personalities (IDPs) kabilang ang isang biyudong joyride rider nang madakma ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City. Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na kinilalang sina Alvin Mallillin, 37 anyos, biyudo, joyride rider; at Donn Bernardo, 38 anyos, kapwa residente sa Caloocan City. …

Read More »

3 MWPs timbog sa Valenzuela at Antipolo

arrest, posas, fingerprints

TATLONG most wanted persons (MWPs) sa talaan ng  pulisya ang nalambat ng mga tauhan ng Valenzuela police sa magkakahiwalay na manhunt operations sa mgalungsod ng Valenzuela at Antipolo. Sa report ni Warrant and Subpoena Section (WSS) chief, P/Lt. Robin Santos kay Valenzuela City police chief,  P/Col. Salvador Destura, Jr., nadakip ang 44-anyos na si Reynaldo Menes ng Brgy. Maysan dakong …

Read More »

8,000 dagdag TNVS ‘katangahan’ — transport group

ltfrb traffic

TINAWAG na katangahan ng isang transport group ang pagbubukas ng prankisa para sa 8,000 transport network vehicle service (TNVS) bilang solusyon sa problema sa masikip na trapiko ng mga sasakyan sa Metro Manila. “‘Yun bang paglalagay ng napakaraming TNVS na binuksan 8k units, sinasabi nila noon solusyon sa traffic. ‘Yan ho, ako mismo, sarili ko po, pasensiya na po. Ngayon …

Read More »

Bulkang Mayon alert level 1 na — PhiVolcs

mayon albay

ITINAAS ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 1 ang Mayon Volcano matapos maobserbahang tumaas ang level ng aktibidad nito. “PHIVOLCS-DOST is now raising the alert status of Mayon from Alert Level 0 to Alert Level 1. This means that the volcano is exhibiting abnormal conditions and has entered a period of unrest,” batay sa pinakahuling …

Read More »

 ‘Diskarte’ sa industriya ng asukal lagot sa Senado

Sugar

TULOY NA TULOY ang imbestigasyon ng senado sa darating na Martes, ukol sa sugar fiasco sa kabila na mayroon nang iniuutos na imbestigasyon si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Tiniyak ito ni Senador Francis Tolentino , Chairman ng makapangyarihang Blue Ribbon Committee. Binigyang-linaw ni Tolentino, ang imbestigasyon ng senado ay nakatuon upang makagawa ng isang panukalang batas para hindi na maulit …

Read More »

Pinay OFW, 2 lalaki utas sa ‘gunman’

082222 Hataw Frontpage

ni Manny Alcala TATLO katao ang napatay, kabilang ang isang babaeng Japan-based overseas Filipino workers (OFWs) nang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman kahapon ng madaling araw sa Taguig City. Kinilala ng pulisya ang mga napaslang na sina Marie Angelica Belina, 25, isang overseas Filipino worker (OFW); Mark Ian Desquitado, 35 Grab driver; at Tashane Joshua Branzuela, 22, estudyante. Isinugod ang …

Read More »

4 na tumakbong konsehal ng distrito 3 ng Manila nagsampa ng kaso  sa Comelec…

Manila

NAGREKLAMO ang apat na tumakbong konsehal sa nakalipas na halalan sa Law Department ng Commission on Elections (Comelec) ukol sa paglabag sa Sec. 261 ng Omnibus Election Code o vote buying. Kabilang sa naghain ng reklamo noong 17 Agosto 2022 sa Comelec sina Aileen Jimena Rosales, Joey Uy Jamisola, Bernie Manikan, at Ernesto Cruz, Jr. Kalakip ng kanilang inihaing reklamo …

Read More »