Friday , July 19 2024

Sa isinumiteng liham sa PAOCC  
MAYOR ALICE GUO IGINIIT INOSENTE VSMGA AKUSASYON

061924 Hataw Frontpage

HATAW News Team

UMAPELA nang patas na imbestigasyon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay sa mga ibinibintang laban sa kanya na pagkakasangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), money laundering, human trafficking, kidnapping at iba pang krimen na kinasasangkutan ng Baofu Land Development Inc.

Sa pitong-pahinang liham na ipinadala ni Guo kay PAOCC Chairman at Executive Secretary Lucas Bersamin sa pamamagitan ng kanyang mga abogado na sina Atty. Yvette Gianan at Atty. Lorelie Santos ay ipinahayag nito ang kanyang kahandaaan na makipagtulungan sa imbestigasyon ngunit umapela na mabigyan siya ng “presumption of innocence” at hindi agad husgahan base sa mga negatibong isyung ipinipukol sa kanya na pawang walang ebidensiya at walang katotohanan.

Iginiit ni Guo na bagamat siya ang alkalde ng Bamban ay hindi tama na siya ang sisihin at isangkot sa mga krimen na nangyayari.

Aniya, limitado lamang ang kanyang naging partisipasyon sa POGO sa Bamban sa pagbibigay ng business permit bilang mandato ng mga alkalde.

“Ang pagiging mayor ng isang bayan ay hindi awtomatikong nangangahulugan na ito ay maaaring protektor, kasangkot, o kasabwat sa lahat ng krimeng nangyayari sa kanyang nasasasakupan. Bagamat ang posisyon ng mayor ay may kaakibat na responsibilidad , hindi ito nangangahulugang lahat ng alegasyon ng ilegal na gawain sa bayan ay may basbas at kaalaman ni Mayor,” nakasaad sa liham ni Guo.

“Ang pagsasakdal sa isang mayor ng pagkakasangkot sa ganitong klase ng aktibidad nang walang sapat na ebidensiya ay hindi makatarungan at nakasisira sa integridad ng opisina, reputasyon ng indibidwal at ng institusyon,” giit ni Guo.

Nanindigan si Guo, ang mga akusasyon laban sa kanya ay dapat patunayan ng mga konkretong ebidensiya at hindi lamang batay sa haka-haka.

“Ang posisyon ng mayor ay hindi dapat gamitin bilang batayan upang isisi at idawit sa mga krimeng hindi nila ginawa o inutos, Bawat tao ay may karapatang ituring na inosente hanggang mapatunayang nagkasala sa pamamagitan ng tamang proseso ng batas,” paliwanag nito.

Aniya, wala siyang intensiyon na gumawa ng kahit anong ilegal na gawain at lahat ng aksiyon niya ay ginawa alinsunud sa proseso, kasama na rito ang maagang pag-divest sa Baofu Land Development Inc., nang mahalal siya bilang Alkalde, at kung mayroon mang itong nagawang ilegal ay hindi na siya parte ng kompanya.

Ipinaliwanag ni Guo kay Bersamin na walang katotohanan ang paratang na ang layunin ng pagkakatatag ng Baofu Land Development Inc., ay para sa money laundering at upang magpatayo ng isang POGO hub sa Bamban.

Sinabi ni Guo, ang Baofu Land Development Inc., ay itinatag alinsunod sa batas ng Filipinas at ito ay lehitimong nakarehistro ayon sa patuntunan ng Securities & Exchange Commission.

Wala rin basehan ang paratang na ‘conspiracy theory.’

Iginiit ni Guo na hindi totoo ang naratibong siya ay tumakbo bilang mayor ng Bamban upang protektahan ang Baofu Land Development Inc.

“Lubusan at legal kong pinutol ang aking ugnayan sa kompanya bago pa ako mahalal na Mayor,” pahayag ni Guo.

Sa isyu ng pagkakasangkot niya sa human trafficking, kidnapping, at money laundering, ipinunto ni Guo na walang anomang ebidensiya laban sa kanya sa bintang na ito.

Nagpahayag si Guo ng kanyang tiwala sa paglilinis ng kanyang pangalan sa pamamagitan ng isang maingat at walang kinikilingan na imbestigasyon.

Ipinangako ni Mayor Guo kay Bersamin ang kanyang buong kooperasyon sa anomang proseso ng imbestigasyon at pagbibigay ng kinakailangang dokumento o pahayag upang linisin ang kanyang pangalan.

About hataw tabloid

Check Also

Collectors Con Year 2 Funkos The Block Atrium SM North EDSA

Collectors Assemble: Collectors Con Year 2 brings Exclusive Drops, Limited-editions and Supersized Funkos

Promising the ultimate collector’s adventure in the North, Collectors Con is back at The Block …

CPP PNP NPA

Miyembro ng CPP-NPA boluntaryong sumuko sa Bulacan police

ISANG miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang boluntaryong sumuko sa …

SSS Cellphone

SSS nagbabala sa miyembro at publiko sa mga pekeng alerto sa text

BINALAAN ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito at ang publiko na maging …

Arrest Posas Handcuff

  Kawatan sa coffee shop, timbog

DAHIL sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay kaagad naaresto ang isang lalaki na …

071824 Hataw Frontpage

Sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga
POGO ‘TORTURE DEN’ VIDEO FOOTAGES INILABAS SA PAGDINIG NG KAMARA

HABANG mainit ang galit ng mga mamamayan sa mga natuklasang ilegal na Philippine Offshore Gaming …