Friday , July 19 2024
dead gun police

Mangingisda patay sa pamamaril

PATAY ang isang mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa bahagi ng karagatan sa Binuangan, Obando, Bulacan noong Linggo ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., Central Luzon regional police director, kinilala ang biktima na si Ricky Mark Angel Hidalgo, residente ng Blk 3 Lot 4 Site 8, Phase 2, Area 2, Dagat-Dagatan, Navotas City, Metro Manila.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay pinagbabaril dakong alas-9:30 ng gabi ng suspek na tumakas sa hindi malamang direksyon.

Isinugod ng mga nagrespondeng residente ang biktima sa San Lorenzo Ruiz Hospital pero idineklara na ito ng mga manggagamot na dead on arrival.

Naglunsad ng hot-pursuit operation ang pulisya laban sa suspek at nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa posibleng motibo sa likod ng insidente ng pamamaril. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Collectors Con Year 2 Funkos The Block Atrium SM North EDSA

Collectors Assemble: Collectors Con Year 2 brings Exclusive Drops, Limited-editions and Supersized Funkos

Promising the ultimate collector’s adventure in the North, Collectors Con is back at The Block …

CPP PNP NPA

Miyembro ng CPP-NPA boluntaryong sumuko sa Bulacan police

ISANG miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang boluntaryong sumuko sa …

SSS Cellphone

SSS nagbabala sa miyembro at publiko sa mga pekeng alerto sa text

BINALAAN ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito at ang publiko na maging …

Arrest Posas Handcuff

  Kawatan sa coffee shop, timbog

DAHIL sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay kaagad naaresto ang isang lalaki na …

071824 Hataw Frontpage

Sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga
POGO ‘TORTURE DEN’ VIDEO FOOTAGES INILABAS SA PAGDINIG NG KAMARA

HABANG mainit ang galit ng mga mamamayan sa mga natuklasang ilegal na Philippine Offshore Gaming …