MAGKASUNOD na nadakip ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan ang dalawang lalaking matagal nang pinaghahanap ng batas kaugnay sa mga kasong nakasampa laban sa kanila. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, naaresto ng mga operatiba ng Bulacan PPO ang suspek na kinilalang si Ronald Maranan, nakatala bilang regional most wanted person sa …
Read More »MWP, 8 iba pa naihoyo sa Bulacan
SA patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad, nadakip ang siyam na indibidwal kabilang ang ang isang nakatalang most wanted sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 12 Disyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang tatlong suspek na sangkot sa ilegal na droga magkakahiwalay na anti-illegal drug operation na ikinasa ng …
Read More »
Sa Batangas
LALAKI NAG-AMOK MAG-UTOL NA TANOD PATAY SA SAKSAK
PATAY ang dalawang barangay tanod na pinaniniwalaang magkapatid nang umawat sa isang lalaking naghahamok ngunit sila’y pinagsasaksak hanggang malubhang nasugatan sa Brgy. Bilogo, lungsod ng Batangas, nitong Linggo ng gabi, 11 Disyembre. Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktimang sina Ruben Torino, 52 anyos, at Robinson Torino, 50 anyos. Ayon sa ulat, sinubukang awatin ng mga biktima ang nagwawalang suspek …
Read More »
Sa San Mateo, Rizal
P255,000 DROGA NASAMSAM, TULAK TIMBOG
ARESTADO ang isang pinaniniwalaang tulak nang makompiskahan ng mga awtoridad ng 37.4 gramo ng hinihinalang shabu sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo ng gabi, 11 Disyembre. Sa ulat ni P/Lt. Michael Legaspi, Jr., team leader ng San Mateo Drug Enforcement Unit, nadakip sa ikinasang buy-bust operation ang suspek na kinilalang si Lauro Agapito, residente sa Brgy. …
Read More »
Sa 24-oras operasyon sa Laguna
14 SUSPEK ARESTADO VS BOOKIES
NADAKIP ang 14 kataong sangkot sa illegal numbers game o bookies sa ikinasang 24-oras operasyon ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Laguna nitong Linggo, 11 Disyembre. Sa ulat ni Laguna PPO Acting Provincial Director P/Col. Randy Glenn Silvio, kay CALABARZON PNP Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., inaresto ang 14 suspek sa magkakahiwalay na operasyong …
Read More »
Mag-ama tinodas
3 LASING NA SUSPEK TIKLO, 1 PA TINUTUGIS
SUNOD-SUNOD na nadakip ang tatlong lasing na magkakaibigan na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa isang lalaki at kanyang anak, habang pinaghahanap ang isa pa nilang kasama sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 11 Disyembre. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Christian Alucod, hepe ng Sta. Maria …
Read More »Wanted sa 6 kasong rape sa Makati kelot arestado
NAHAHARAP sa kasong rape ang 19-anyos lalaki na sinasabing sangkot sa patong-patong na kaso ng panghahalay sa Makati City, kamakalawa. Kinilala ang akusadong si Mark Ryan Palero Beblañas, na inaredto sa bisa ng mga warrant of arrest na inisyu ni Judge Flordeliz Cabanlit Fargas, ng Fourth Judicial Region, Branch 5, Trece Martires City, Cavite na may petsang 8 Nobyembre 2022. …
Read More »Travel consultancy firm ipinasara ni Ople
INIUTOS ni Migrant Workers Secretary Susan Ople ang pagsasara ng isang travel consultancy firm na nag-aalok ng mga pekeng trabaho sa Poland. Ayon kay Ople, iniutos nito na ipasara ang IDPLumen Travel Consultancy Services, na naniningil ng aabot sa P 122,000 mula sa mga aplikante. Ang kautusan ay isinagawa ng Anti- Illegal Recruitment Branch (AIRB) ng Philippine Overseas Employment Administration …
Read More »2 wanted persons huli sa navotas
NALAMBAT ang dalawang wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operation kaugnay ng SAFE NCRPO sa Navotas City. Ayon kay Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong 2:20 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Navotas police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Luis Rufo, Jr., ng manhunt operation sa M. Naval St., Brgy. …
Read More »
Dumayo pa
3 BAGETS NA TULAK, HULI SA NAVOTAS
PABATA nang pabata ang ginagamit sa pagtutulak ng droga makaraang maaresto ang tatlong bagets sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong 10:30 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr., ng buy bust operation …
Read More »
Sa Tanay, Rizal
JEEP TINANGAY NG FLASHFLOOD 8 PASAHERO NALUNOD, PATAY
WALONG pasahero ang iniulat na nalunod at namatay nang tangayin ng baha ang kanilang jeep na sinasakyan na nagtangkang tumawid sa ilog nitong Sabado ng gabi, 10 Disyembre, sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal. Ayon sa spot report mula sa PRO4-A PNP, tinatawid ng isang jeep na minamaneho ng isang Pio Domeyeg, Jr., ang mababaw na bahagi ng ilog …
Read More »
Ilog tinawid habang lasing
LALAKI TODAS, KASAMA HINAHANAP
PATAY ang isang lalaki habang nawawala ang kanyang kasama at asawa nang tangayin at malunod sa ilog sa bayan ng Mangaldan, lalawigan ng Pangasinan, nitong Sabado, 10 Disyembre. Kinilala ng Pangasinan PPO ang mga biktimang si Romnick Macam, 29 anyos; at Rodrigo Bautista, 48 anyos, patuloy na nawawala, parehong mga residente sa Brgy. Macayug, sa naturang bayan. Ayon sa nakasaksing …
Read More »8 buwan nakulong sa Iloilo aktibista nakalaya sa piyansa
MATAPOS ang walong buwang detensiyon, nakalaya ang isang beteranong aktibista sa isla ng Panay mula sa isang piitan sa bayan ng Pototan, lalawigan ng Iloilo. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan-Panay, pinalaya si Elmer Forro, secretary general, noong Miyerkoles, 7 Disyembre, sa Iloilo District Jail, sa nabanggit na bayan. Nilagdaan ni Judge Redentor Esperanza mula sa isang korte sa bayan ng …
Read More »3 bagets tiklo sa buy-bust P45,000 droga nasamsam
ARESTADO ang tatlong menor de edad sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Biñan, lalawigan ng Laguna nitong Huwebes, 8 Disyembre. Sa ulat kay P/Col. Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO nabatid na pawang mga menor de edad ang mga nadakip na suspek. Ayon kay P/Lt. Col. Virgilio Jopia, hepe ng Biñan …
Read More »
Sa Bulacan
HOLDAPER, RAPIST, TULAK TIMBOG
MAGKAKASUNOD na nasakote sa isinagawang anti-criminality operations ng mga awtoridad ang isang holdaper, isang rapist, at isang hinihinalang tulak sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 10 Disyembre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS ay naaresto ang suspek na kinilalang si Zoren Ocasla sa …
Read More »
Inutil na DOTr secretary
TAAS-PASAHE SA BARKO, IDINAING
NANAWAGAN ng tulong ang mga pasahero ng barko sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na bigyan ng pansin ang sobrang pagtaas ng pasahe na ipinatupad ng mga kompanya ng barko sa bansa. Ito ang hinaing ng mga pasahero na dumaraan sa Batangas Port lalo ang mga patungong lalawigan ng Oriental Mindoro ngayong panahon ng kapaskuhan. Napag-alaman na mayroong mga …
Read More »
EU Parliament kay FM Jr:
HUMAN RIGHTS DEFENDERS PROTEKTAHAN
INAASAHANG tatalakayin ng mga lider ng European Union ang sitwasyon ng karapatang pantao sa Filipinas na ilang beses naging tampok na usapin laban sa administrasyong Duterte sa pagpunta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa Brussels, Belgium upang dumalo sa ASEAN-EU summit. Ilang araw bago tumulak patungong Brussels si Marcos, Jr., kagabi ay nagpadala ng liham ang mga miyembro ng …
Read More »Trade, economy, climate action agenda ni FM Jr., sa ASEAN-EU Summit
PANGUNAHING agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na isulong ang mga prayoridad ng Filipinas partikular ang kalakalan, maritime cooperation at climate action sa kanyang pagpunta sa Brussels, Belgium para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) Summit. Sa kanyang departure statement sa Villamor Airbase, sinabi ni FM Jr., ito ang kauna-unahang pagpupulong sa pagitan ng mga pinuno ng …
Read More »
Kasunod ng US sanction vs assets,
AKTIBIDAD SA PH NG KOJC LEADER IMBESTIGAHAN — SOLON
ni ROSE NOVENARIO DAPAT imbestigahan ng pamahalaan ang mga sinabing ilegal na aktibidad ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy sa Filipinas kasunod ng hakbang ng gobyerno ng Estados Unidos na i-freeze ang mga ari-arian niya sa Amerika, ayon kay ACT Teachers partylist Rep. France Castro. Pinatawan ng sanction ng Department of Treasury’s Office of Foreign Assets Control …
Read More »COPA, PFFI sanib-puwersa
SINELYOHAN ng Philippine Finswimming Federation, Inc. (PFFI) at Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) nitong Sabado ang matibay na tambalan sa pagsisikap na makabuo ng isang kompetitibong koponan na isasabak sa Southeast Asian Games sa Cambodia sa susunod na taon. Nilagdaan ni COPA president at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang joint partnership Memorandum of Agreement (MOA) at ni …
Read More »
Para sa nasirang kagubatan
EAST MANILA EAGLES CLUB MAY SUPORTA SA DENR
DUMALO si Eagles National President Nelson Sarappudin at nagpahayag ng suporta ang East Manila Eagles Club sa pagbuhay ng mga kagubatan na patuloy na nasisira dahil sa ilegal na pamumutol ng mga puno at ilegal na pagmimina. Ayon kay Reginald Michael Libatique, charter club president ng East Manila Eagles Club NCR 1, maglalatag sila ng mga proyekto sa darating na …
Read More »Chinese national, 2 Pinoy arestado sa pamemeke ng dokumento
ISANG Chinese national at dalawang katropang Pinoy ang dinakip ng mga operatiba ng Parañaque City Police dahil sa paggamit ng mga pekeng dokumento para mailabas ang mga na-impound na sasakyan mula sa isang towing services, sa follow-up operation, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City. Dakong 10:30 pm nang mahuli sa Eddie Boy Compound, Brgy. San Isidro, Parañaque City ang mga …
Read More »
Sa Singapore
PH EMBASSY NAG-ABISO NG BAGONG LOKASYON PARA SA OVERSEAS VOTERS’ REGISTRATION
NAG-ABISO ang Philippine Embassy sa Singapore sa mga Filipino roon kaugnay sa lokasyon ng pagdarausan ng overseas voters’ registration. Sa abiso ng embahada, idaraos ang pagpapatala sa kanilang temporary office sa 16th Floor, TripleOne Somerset. Magsimula ang overseas voters registration sa Lunes, 12 Disyembre 2022 hanggang 30 Setyembre 2024. Inaabisohan din ang lahat ng kalipikadong Filipino citizens sa Singapore na …
Read More »DOT, Bohol lumagda sa MOA para sa Tourist Rest Area
PINIRMAHAN na ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang memorandum of agreement (MOA) para sa Bohol Tourist Rest Area. Ito ang ika-6 na Tourist Rest Area na inilunsad ng DOT mula noong Oktubre 2022 at iba pang TRA groundbreaking ceremonies na naunang ginanap sa Manolo Fortich, Bukidnon; Isla ng Samal, Davao; Medellin, Carmen, Cebu; at Baguio City. Layon nitong matulungan …
Read More »MMDA nais bumuo ng partnership sa gov’t agencies at private sector
PALALAKASIN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pakikipagtulungan at pagbuo ng partnership sa pagitan ng mga miyembro, ibang ahensiya ng pamahalaan, pribadong sector, at non-government organizations (NGOs). Ang pahayag ng MMDA, kasunod ng isinagawang organizational meeting ng Regional Development Council – National Capital Region at ang sectoral committees. Kasama ang ilang Metro Manila Mayors ng San Juan, Quezon City, …
Read More »